Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Az. Nakahiga lang si Rosalyn sa kama. Mag-isa, umiiyak at nilalamon ng kalungkutan. Mabigat sa kalooban niya na halos ipagtabuyan siya ni Az. Wala man lang itong magawa sa sarili. Walang makakaramay sa mga oras na 'yon at higit sa lahat unti-unti siyang kinakain ng depresyon. Pakiramdam niya ay mag-isa na lang siya sa mundo. Sa apat na sulok ng kwartong 'yon tanging hikbi ang maririnig mula sa kanya at saksi ang buong silid sa kanyang pagluha. Dumadaing ang puso niya sa sakit at maging ang katawan niya ay tila namamanhid sa lungkot na nararamdaman. Nakahalukipkip lang siya sa sulok ng kamang 'yon ngunit ilang saglit lang ay pinilit bumangon upang libangin ang sarili upang saglit na makalimot sa sakit. Pinahid niya ang mga luhang ka

