Chapter 41

1131 Words

Umaga na nang umuwi si Az. Nagpalipas kasi ito ng oras sa bar na madalas nilang puntahang magkakaibigan. Halos pasikat na rin ang araw nang dumating ito sa condo unit niya. Pagewang-gewang itong naglakad patungo sa couch ngunit hindi pa man siya nakakahiga ay kaagad itong hinarap ni Rosalyn. "Saan ka na naman ba galing?!" galit nitong wika kay Az ngunit tila bingi itong humiga sa couch at nagtaklon ng mata gamit ang kanyang braso. "Sumagot ka kapag tinatanong kita!" dugtong niya. Blangkong mukha ang isinalubong ni Az sa kanya bago magsalita. Dala na rin siguro ng kalasingan at pagod. "Rosalyn, not now. Pagod ako," walang gana nitong wika at muling tinakluban ang mata ng kanyang braso. Tila nainis si Rosalyn sa naging asta ni Az. Buong gabi niya kasi itong hinintay. Tinawagan at tinext na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD