Ilang araw matapos maospital ni Flor ay unti-unti na itong naka-recover. Kasalukuyan itong pinapakain ni Danica habang nakaratay pa rin sa kama nito sa ospital. Alam ni Danica na hindi niya pwedeng pasamain ang loob ni Flor kaya minabuti nitong ilihim sa ina ang pagkikita nila ni Az. Ang tangi lang nitong sinabi ay tinulungan niya ang kapwa guro sa paaralan nang gabing hindi siya nakauwi. Ngunit hindi naniwala si Flor sa alibi nito, pero mas minabuti na lang nilang hindi pag-usapan 'yon upang hindi na pagmulan ng susunod nilang problema. Minsan mas mainam na lang na hindi pag-usapan ang mga bagay na siyang nagiging bunga ng panibagong problema. Isa pa alam ni Flor na may tampo sa kanya ang anak dahil inilihim nito sa kanya ang pagkakaroon niya ng sakit. Naging malamig ang pakikitungo nila

