Matapos magdesisyon ang doktor ni Flor na pauwiin na ito ay ganoon na lamang ang pagkasabik ng mga anak niya. Ngunit tila ganoon pa rin ang pakikitungo ni Flor kay Danica. Bagama't nag-uusap naman sila ay pormal lang at hindi gaanong nagsasalita si Flor sa tuwing nakaharap ito kay Danica. Gustuhin man ni Danica na kausapin nang masinsinan ang ina ngunit mas iniisip na lamang niya ang kalagayan nito. Darating din naman ang tamang oras para maipaliwanag ni Danica ang kanyang saloobin tungkol sa hindi niya malamang hinanakit ng ina. Naghanda nga kaunting salu-salo sa bahay nina Flor bilang pa-welcome home party sa kanya matapos ang ilang araw na pamamalagi nito sa ospital. Lulan ng isang taxi, bumaba ang mag-iina. Inalalayan ni Danica na makababa ang ina na nasa passenger seat sa likuran at p

