"Ikaw na naman?!" sabay nilang sigaw. Ang lalaking hindi sinasadyang mabato ni Danica ay ang lalaking muntik nang makabundol sa kaniya sa daan at pumunta sa eskwelahan na pinapasukan niya — si Az.
"Sinusundan mo ba talaga ako." angil ni Danica dahil sa pangatlong pagkakataon nagkita na naman sila.
"And what makes you think na sinusundan kita." tanong ni Az.
"Kanina sa school and now here," tugon ni Danica na biglang napatakip sa bibig dahil naalala niya na hindi nga pala siya nakilala ni Az nang magkita sila kanina sa school.
"Wait! What?! School." Biglang napaisip si Az sa mga sinabi ni Danica, "Oh! I get it, ikaw 'yong teacher na halos ingudngod sa mukha 'yong class record! Kaya pala pamilyar 'yong boses mo. Ikaw pala 'yong baliw na teacher ni Jacob," wika ni Az na lalong ikinainis ni Danica dahil bumusangot ang mukha nito.
"Excuse me, hindi ako baliw. Baka ikaw ang baliw!" ani Danica.
"Iyon lang ba sasabihin mo pagkatapos mo akong batuhin? Hindi ka man lang ba mag-so-sorry." paliwanag naman ni Az.
"Ang sensitive mo naman! Kapirasong papel lang naman 'iyon, bakit? Nasaktan ka ba? May sugat ka ba." wika naman ni Danica.
"Alam mo hindi ka lang baliw napaka-insensitive mo pa? Dahil sa ginawa mo nagulat ako at bumagsak itong—" nabitin sa ere ang sasabihin ni Az nang maalala niyang laptop niya ang nasa loob ng bag na dala niya. "Oh my God! No!" kaagad niyang kinuha ang laptop sa loob ng bag at binuksan ito.
"Bakit ba? Ano ba kasing mayroon sa laptop na 'yan." tanong ni Danica dahil napansin niyang hindi mapakali si Az.
Paulit-ulit niyang binuksan ang power button ng laptop. Nabuhay naman ito ngunit basag ang LCD kaya sa halip na mabuksan ang windows ng laptop niya ay parang rainbow na lang ang nakadisplay dito at puno na ng lamat.
"Now, look what you've done!" Nanlilisik na hinawakan ni Az ang braso ni Danica.
"Ano ba?! Ang sakit, ha." wika ni Danica nang makawala siya sa pagkakahawak ni Az. "Kung nasira man 'yang laptop mo babayaran ko na lang para tapos na usapan. Magkano ba 'yan?!" wika naman ni Danica.
"Sa tingin mo ba may oras pa para maayos 'tong laptop ko dahil sa ginawa mo?! Isang linggo kong pinagpuyatan ang app na 'to tapos ganun lang para sa iyo?!" galit na tugon ni Az.
"Ano bang sinasabi mo? App? Anong app." nagtatakang tanong ni Danica.
"Look! I'm an app developer! At itong laptop na sinira mo, nandito ang presentation ng application na ginawa ko na ipi-present ko sana sa new investor namin! Pero dahil nga sa ginawa mo, wala akong mai-pe-present ngayon!" paliwanag ni Az na pilit inaayos ang laptop.
"Oh E, anong gagawin ko? Wala ka bang back-up? Dapat may back up file ka!" wika naman ni Danica.
"Sa tingin mo ganun kadali makakakuha ng back-up file! Ngayon ang meeting ko with the client. Now! Sasama ka sa akin para magpaliwanag sa kliyente at sabihin lahat ng nangyari," paliwanag ni Az.
"What?! Hell no! Anong akala mo? Sasama ako sa iyo? No way!" tugon naman ni Danica.
"Oh E, 'di sige! Bayaran mo na lang 'yong app na ginawa ko," wika naman ni Az.
"Magkano ba." tanong ni Danica habang dumudukot ng pera sa wallet.
"50 million," wika ni Az
"50 mil... seryoso ka?!" gulat na tanong ni Danica.
"Mukha ba akong nagbibiro." wika naman ni Az.
"Saan naman ako kukuha nga ganung kalaking pera E, 'yong sweldo ko nga kulang pa pambayad sa gastusin namin sa bahay," paliwanag ni Danica.
"Hindi ko alam sa iyo? Pero madali lang naman ako kausap E, ... nakikita mo ba 'iyon." wika ni Az sabay turo sa isang police station na nasa malapit lang.
"Ay wala namang ganyanan! Sige sasama na lang ako para magpaliwanag pero siguraduhin mo na after nito tapos na usapan natin ha." hiling ni Danica.
"Deal!" tugon naman ni Az.
"Oh, E, saan ba ang meeting ninyo ng kliyente mo." tanong ni Danica.
"Diyan oh," kaagad namang itinuro ni Az ang restaurant kung saan may meeting si Az.
"What? No way!" biglang nanlaki ang mata ni Danica dahil sa restaurant kung nasaan si Paul makikipagmeeting si Az.
"Oh sige. Police station tayo," wika ni Az na akmang hahakbang pero kaagad na nahawakan ni Danica sa braso.
"Ah hindi. Sige dito na," wika naman ni Danica na mabilis humakbang papasok sa restaurant.
Habang nasa loob naman ng restaurant ay panay ang iwas ng tingin ni Danica sa direksyon kung nasaan si Paul habang si Az naman ay kinakausap ang kaniyang ka-meeting. Initial meeting pa lang naman iyon kaya sa restaurant sila nagkita upang kumbinsE, in ang kausap niya.
"I am so sorry, but I can't make it up to you," wika ng isang Japanese na ka-meeting ni Az.
"But, Sir! Please give me some more time for this," pakiusap ni Az.
"Sir, it's all my fault. I broke his laptop and I don't really mean it. Please give him a chance to prove to you that he is good and you won't regret it," wika naman ni Danica na tila nakukumbinse naman ang Hapon na kausap nila.
"Okay, I will give you one more week but if you can make it... I'm sorry," wika naman ng Hapon at tila lumiwanag ang mukha ng dalawa.
"Thank you, Sir. I will make it as soon as possible," wika naman ni Az at kinamayan ang Hapones.
"So, that's it for tonight. See you next week," wika naman ng Hapon na kaagad tumayo at inayos ang coat sabay nakipagkamayan kina Danica at Az.
"Thank you, Sir," muling pagpapasalamat ni Az bago umalis ang kliyente niya.
"Oh paano? Bawi na ako sa kasalanan ko, ha." wika naman ni Danica.
"Oo na. Tara na at aayusin ko pa 'tong sinira mong laptop," anyaya ni Az.
Tatayo na sana si Danica nang mapansin niyang papalapit sa kinauupuan nila si Paul.
"Wait! Saglit lang," wika naman ni Danica at hinatak si Az paupo sabay kapit sa balikat nito at inilapat ang mukha sa dibdib ni Az.
"Anong problema mo." nagtatakang tanong ni Az dahil parang nakakita si Danica ng multo at kumapit ito sa kabilang balikat niya na parang bata.
"'yong boyfriend ko kasing manloloko papalapit," bulong ni Danica kay Az.
"Sino, itong lalaking naka-white T-shirt na parang nagbebenta ng nakaw na cellphone," natatawang wika ni Az nang makita niya ang isang lalaking papalapit sa kanila pero bigla itong lumiko papunta sa rest-room.
"Alam mo napakayabang mo talaga. Wala na ba siya." tanong naman ni Danica.
"Wala na, pwede ka nang bumitaw," wika ni Az.
"Tara na! Bilisan mo," utos naman ni Danica sabay tulak kay Az sa upuan na parang nagmamadali.
"Teka! Bakit parang ikaw ''yong nagtatago? E, hindi ba siya 'yong nanloko? Bakit hindi mo sugurin ''yong mokong na 'iyon." wika ni Az nang makalabas sila sa restaurant.
Nasa harap niya lang si Danica dahil una itong lumabas ng restuarant kaya hindi niya napansin na tumutulo na pala ang luha nito dahil nakatalikod ito sa kaniya.
"Kasi... kasi hindi naman ako ganung klaseng babae E, . Oo! Ako 'yong nasaktan pero hindi ko ugali na makipagpatayan para lang ako ''yong ipaglaban. Kung ayaw sa akin E, 'di ayaw na," humagulgol na ng iyak si Danica pagkatapos ng mga sinabi niya. Kaagad naman siyang nilapitan ni Az at hinawakan ito sa balikat.
"Mas malala pa pala ang problema mo sa akin," wika naman ni Az.
"Ikaw naman kasi 'tong simpleng bagay lang akala mo gumuho na mundo mo," paliwanag ni Danica habang pinupunasan ang mga luha.
"Alam mo, may alam akong lugar na pwede mong paglabasan ng sama ng loob," wika naman ni Az.
"Saan naman." tanong ni Danica.
"Basta sumama ka na lang." wika naman ni Az sabay hawak kay Danica at isinakay sa kotse niya. Ilang oras lang ang nakalipas ay nakarating na sila sa kanilang patutunguhan.
Tumigil ang sasakyan ni Az sa isang lugar na ani mo'y beach pero hindi pa napupuntahan ng kahit na sino dahil walang katao-tao at kahit isang bahay ay walang nakatayo.
"Welcome to my sacred place," pagyayabang ni Az nang makababa sila ng sasakyan.
"Ang ganda," manghang-mangha si Danica dahil kitang-kita niya ang mga bituin at ang bilog na buwan sa kalangitan na nagpakinang sa karagatan.
"Dito ako nagpupunta kapag may problema ako o gusto kong mapag-isa. Ikaw pa lang ang nakakaalam nito ha." wika naman ni Az.
Bahagya namang may kilig na naramdaman si Danica sa sinabi nito.
"Bakit mo naman naisipang dalhin ako dito." tanong naman ni Danica.
"E, kasi mukhang pinagsakluban ka ng langit at Lupa. Tsaka tulong ko na rin sa iyo kasi tinulungan mo ako dun sa kliyente ko," wika naman ni Az.
"Naku. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya kasi kasalanan ko kung bakit nangyari 'iyon," paliwanag naman ni Danica.
"On the brighter side. May natutunan naman ako dahil sa ginawa mo," wika naman ni Az.
"Ano naman 'iyon." nagtatakang tanong ni Danica.
"Ang magdala ng back-up file," wika ni Az sabay tawa nilang dalawa.
"Oo! Dapat palagi kang may back-up kapag nasa ganoong sitwasyon," wika ni Danica.
"Parang fall back? Ganun." wika naman ni Az.
"Well. Not exactly like that pero parang ganun." ani Danica.
"E, bakit hindi ka maghanap ng fall back after your ex did to you." paliwanag naman ni Az.
"Ganun ba 'iyon? Kailangan may fall back din sa relationship kapag hindi nagwork." wika naman ni Danica.
"Why not?! Isipin mo. Kung nagawa kang lokohin ng mahal mo dapat may options ka. Ikaw nga option lang niya E, , dapat fair," wika naman ni Az.
"E, sino naman ang magiging fall back ko kung sakali." wika naman ni Danica.
"Ewan ko. Wala bang ibang nagkagusto sa iyo bukod sa boyfriend mo? Na niloko ka lang naman," wika naman ni Az.
"Wala E, ," malungkot na tugon ni Danica.
"E, mga friends na lalaki," dugtong ni Az.
"Wala naman akong friends na lalaki. Puro girls lang. Dadalawa nga lang sila," wika naman ni Danica.
"Ganun ba? Kawawa ka naman pala," wika naman ni Az habang binubuksan ang beer na hawak niya sabay lagok nito.
"E, kung ikaw na lang kaya," wika ni Danica nang biglang mapabuga si Az ng iniinom niya.
"What?! Are you insane?! Bakit ako?" wika naman ni Az habang pinupunasan ang labi niya dahil.
"E, kasi ikaw lang 'yong kilala kong lalaki na pwede E, , bakit may magagalit ba," wika naman ni Danica.
"Yes, of course! May girlfriend ako, ano?!" paliwanag ni Az.
Napahagugol na lamang sa iyak si Danica dahil parang nawalan na siya ng pag-asa na may lalaking magseseryoso sa kaniya. Pangatlong beses na kasi siyang niloko ng mga naging kasintahan niya kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
"Alam mo, isigaw mo na lang 'yong problema mo," wika naman ni Az habang pinapakalma si Danica.
"Ha? Paano?" nagtatakang tanong ni Danica.
"Isigaw mo lang. Sigawan mo 'yong ex mo na wala siyang kuwenta. Murahin mo!" utos naman ni Az.
"Ha? Magmura? Hindi ko magagawa 'iyon. Teacher ako, e," wika naman ni Danica.
"Porke ba teacher ka, bawal ka na magmura at gumawa ng mga bagay na ginagawa ng ibang tao? It's normal nowadays. 'yong pangulo nga natin nakakapagmura on national television bakit tayo hindi ba natin magagawa to ease our pain?" paliwanag ni Az.
"Sabagay," wika naman ni Danica.
"Oh! Simulan mo na," tugon naman ni Az.
Lumapit si Danica sa dalampasigan at huminga nang malalim bago sumigaw nang napakalakas.
"Manloloko ka. Paul!" sigaw ni Danica habang umiiyak. Halos malagot ang litid niya sa leeg dahil sa galit.
"Sige sigawan mo pa!" bulalas naman ni Az.
"Hayop ka! Magsama kayo ng babae mong mukhang hipon!" muling sigaw ni Danica at naramdaman niyang unti-unting gunagaan ang kaniyang pakiramdam.
"Satisfied?" wika ni Az matapos mailabas lahat ni Danica ang sama ng loob.
"Thank you," nakangiting tugon ni Danica.
"Don't mention it," wika naman nito sabay lagok ulit ng kaniyang beer.
"Danica," wika naman ni Danica sabay lahad ng kaniyang kamay tanda ng pagpapakilala nito kay Az.
"Christopher," pakilala ni Az.
"E, 'di ba tito Az ang tawag sa iyo ni Jacob." nagtatakang tanong ni Danica.
"Ahhh... so ikaw 'yong stalker dito at hindi ako. Paano mo nalaman na 'iyon ang tawag sa akin ni Jacob?" wika naman ni Az na nagpakilalang Christopher.
"Hindi aah, ''yong mga kaibigan ko lang masyadong usisera," palusot naman ni Danica.
"My friends call me Az dahil ang whole name ko ay Christopher Azul. Az na lang daw ang itatawag nila sa akin kasi masyadong mahaba 'yong Christopher," paliwanag naman ni Az.
"Ah okay. So friends." nakangiting wika naman ni Danica.
"Of course and you can also call me Az," tugon naman nito habang nakikipagkamay.
Isang bagong pagkakaibigan ang nabuo. Mas lalalim pa kaya ito sa mga susunod na araw?