Sa isang bar sa Makati madalas tumatambay ang magbabarkadang sina Az, JC, Junnie at Marvin. Si JC ang pinakamatanda sa grupo at lider nila. Madalas siya ang nahihingan ng tulong ng grupo sa mga problema nito, may-ari si JC ng isang advertising company. Si Junnie naman ang madalas nilang nahihingan ng tips sa pagkain dahil siya ang chef sa grupo. Si Marvin naman ay isang haciendero. Ang pamilya nila ay may-ari ng isang farm sa Quezon. Si Az naman ang pinakabata sa grupo at itinuturing nilang bunso. Isang app developer si Az ng isang kumpanya sa Maynila. Nagkakila-kilala ang apat sa pinasukan nilang eskwelahan sa Maynila.
Simula noon ay madalas na silang magkakasama at ang bansag sa kanila ay 'Elite Four'. Pero simula nang makatapos ang apat sa pag-aaral ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang buhay. Si JC ay nakapag-asawa ng isang HR Manager, si Gezelle. May isa silang anak na ngayon ay limang-taong gulang na. Si Junnie naman ay wala pang naging nobya simula nang iwan siya ng kasintahan niya noong college sila. Sa halip, nagpursige siyang maitayo ang pangarap niyang restaurant ang 'Junnie's Cuisine' na may mahigit isang daang branches sa bansa. Si Marvin naman ay nagkapamilya na rin pagkatapos nilang magcollege, si Chelle. Isang principal sa isang eskwelahan sa probinsya nila. May dalawa silang anak at parehong nasa elementarya na sa pribadong paaralan sa Maynila. At si Az naman ay nagbabalak na ring mag-asawa dahil pinaplano na niyang magpropose sa girlfriend niyang si Rosalyn. Mahigit dalawang taon na rin sila ng kaniyang kasintahan kaya nagdesisyon na siyang papakasalan na niya ito.
"So, what's the plan? Anong gagawin namin sa proposal mo, pare?" tanong ni JC kay Az pagkatapos lumagok ng iniinom nitong alak.
"Hindi ko nga alam pare, e. Kaya ko nga kayo tinatanong kasi I don't have any idea." paliwanag ni Az.
"What if yayain mo sa beach tapos doon ka magpropose?" suhestyon naman ni Junnie.
"Good! I have a friend in Batangas na pwede kong kausapin about that," wika naman ni Marvin.
"Okay, sagot ko na ang engagement ring," anunsyo naman ni JC.
"Ako na sa food and drinks," wika naman ni Junnie.
"And ako na sa accomodation," saad naman ni Marvin.
"Talaga, mga pare? Thank you!" nakangiting tugon ni Az.
"Pero ikaw na bahala sa set-up. Since you're an app developer bakit hindi mo gawan ng simple app na pasasagutin mo siya," suhestyon naman ni Junnie.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni JC.
"Sure," wika naman ni Az.
"Let's cheers for that, men," masayang tugon ni Marvin at sabay-sabay nilang itinaas ang mga bote ng alak na iniinom.
"Cheers!" sabay-sabay nilang sigaw at nag-toast.
"Maiba tayo, pare. That girl you've met before na kinukwento mo sa amin na muntik mo nang mabundol dahil naglalakad sa gitna ng daan... balita ko nagkita ulit kayo?" tanong ni Marvin.
"How did you found out?" nagtatakang tanong ni Az.
"Sorry, pare. Sinabi ko na that girl was my son's teacher. At naikuwento mo rin sa akin 'yong mga incidents na nagkita kayo sa restaurant," pahayag naman ni JC.
"Anyway, I just accidentaly met her, for the third time, at the restaurant in Pasig. Well, she's nice but crazy," paliwanag ni Az.
"So, is she the new flavor of the month?" makahulugang tugon ni Marvin.
"Don't treat me like a douche! Tapos na ako riyan, pare. You know how mature I am right now," depensa ni Az.
"Hindi 'yan ang narinig namin six years ago when we were in college," natatawang wika ni Junnie.
"Ano nga 'yong sinabi mo noon? Girls are like my toy cars when I was a kid, kapag ayaw ko na papalitan ko," pang-aasar naman ni Marvin at sabay-sabay silang nagtawanan.
"Tigilan n'yo nga ako! Syempre nagbago na ako ngayon kasi I met the one," wika ni Az na tila kinilig sa sinabi.
"Ang korni mo, ugok!" sigaw ni Marvin at muli silang nagtawanan.
"But you know, pare. That teacher Danica is so nice naman. Favorite nga siya ni Jacob, e. Maybe if there is someone for her, hindi ang kaibigan natin," wika naman ni JC.
"Tama ka riyan, pare," pangsang-ayon naman ni Marvin.
"E, babaero 'to,e ," muling pang-aasar ni Junnie kay Az. Napailing na lamang siya sa pang-aasar ng kaibigan.
"By the way, pare. It's 9pm na. I need to go home kasi family day bukas," wika naman ni JC.
"Ha? Ang aga pa, a," angal ni Az.
"Sorry, pare. Family first," tugon ni JC at kinuha ang susi ng kotse niyan sa table.
"Ako 'din, pare. Mauuna na ako. May event kasi ako bukas na ike-cater. Kailangan ko na ihanda 'yong mga menu," wika naman ni Junnie sabay lagok ng huling laman ng kaniyang iniinom.
"Ikaw din?!" gulat na tanong ni Az kay Junnie na tumango na lang sa kaniya at sumabay kay JC palabas.
"Don't tell me pare aalis ka rin?" tanong naman ni Az sa natitirang si Marvin.
"It's weekend, pare. I need to make plans for my family, also," paliwanag ni Marvin na kinuha rin ang susi ng sasakyan niya sa mesa at sumunod sa dalawa papalabas.
"Okay, Az. Here you go again. Alone," wika ni Az sa sarili.
Inubos na lamang niya ang natitirang alak sa mesa at pagkatapos niyon ay nagdesisyon na ring umuwi. Alas diyes na ng gabi pero marami pa ring tao sa labas. Habang nagmamaneho si Az ay may napansin siyang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan. Tila babae na naghihintay ng kung ano at nang mamataan niya ito ay unti-unti niya namukhaan kung sino 'yon — si Danica. Tumigil ito sa harap niya at binuksan ang bintana sa passenger seat ng sasakyan niya.
"Teacher Danica?" tanong nito.
"Oh! Hi, Az! Kumusta?" nakangiting tugon ni Danica na nagulat sa nakita.
"What are you doing here? Gabing-gabi na, a?" tanong ni Az.
"Ahh... may teacher's conference kasi akong pinuntahan E, malapit lang dito," wika naman ni Danica.
"Are you waiting for someone?" tanong ni Az.
"Nag-aabang ako ng jeep. E, mukhang walang dumadaan," tugon naman ni Danica.
"Hop in! I'll take you home," anyaya ni Az kay Danica.
"Naku! Huwag na... nakakahiya," pagtanggi ni Danica.
"No! I insist... besides, pauwi na rin naman ako," wika ni Az.
"Sure ka, okay lang?" nahihiyang tanong ni Danica.
"Yeah! Sure! Come on!" wika naman ni Az at inabot ang pinto ng kotse niya para buksan.
"P-puwede bang sa likod na lang ako?" nahihiyang tugon ni Danica.
"Ayaw ko naman magmukhang driver mo. Tsaka bukas na 'yong pinto so sumakay ka na," paliwanag naman ni Az.
"O-okay... sorry," wika ni Danica habang sumasakay sa sasakyan ni Az.
"Wait... before we go." Dahan-dahang lumapit si Az sa mukha ni Danica kaya napatitig siya dito at naamoy niya na medyo nakainom ito pero nangibabaw ang pabango nito na very masculine ang amoy. Napapikit siya sa pag-aakalang hahalikan siya nito pero inabot ni Az ang seatbelt sa kinauupuan nito at inayos iyon. Namula si Danica sa hiya dahil tila hipnotismo sa kaniya ang amoy ni Az.
"Thank you," wika ni Danica.
"Sure," wika naman ni Az.
Ilang minutong tahimik lang dalawa sa biyahe. Medyo nakaramdam ng antok si Az kaya nagpatugtog siya ng music. Pero hindi pa rin ito naging sapat.
"Ahm, teacher... would you mind if we stop somewhere to drink some coffee?" anyaya naman ni Az na ikinagulat ni Danica.
"Why?" tanong naman ni Danica.
"Medyo tipsy kasi ako tonight at inaantok na. Para lang matanggal 'tong pagka-tipsy ko." paliwanag ni Az.
"Yeah, sure. Maaga pa naman, e. Tsaka Sunday naman bukas so okay lang sa akin," wika naman ni Danica.
"Thanks," tugon ni Az.
Sa isang coffee shop sa malapit sila nag-stop over. Um-order lang sila ng kape at cheese cakes.
"Thank you sa paghatid, ha? Wala bang magagalit kasi ako ang kasama mo?" tanong ni Danica.
"Bakit? May balak ka bang masama sa akin?" tanong ni Az.
"Assuming ka masyado. I mean, hindi ba magagalit ang girlfriend mo?" muling tanong ni Danica.
"She's out of town. Tsaka hindi naman niya kailangan ng assurance kasi alam naman niyang siya lang ang babae para sa akin," wika naman ni Az.
"Alam mo... ang malas ng girlfriend mo," wika naman ni Danica na may halong pang-aasar.
"After what I said, malas pa siya para sa iyo," wika ni Az.
"Oo, kasi alam kong puro yabang lang ang sinasabi mo," tugon ni Danica.
"Don't compare me to your ex. Hindi ako siya. I'm a changed man," pagyayabang ni Az.
"Changed man? So, you mean you're a cheater before?" tanong ni Danica.
"Not until I met my girlfriend," pagkaklaro ni Az.
"Whatever... you still became a cheater. Mga lalaki nga naman," buntong hininga ni Danica.
"Bakit hindi mo na lang tingnan 'yong positive side, teacher? Hindi ba you as a teacher need to be optimistic inside your class." wika ni Az.
"Wala tayo sa classroom ngayon, Az? Huwag mo ako paandaran ng mga ganyan mo," irap ni Danica.
"Okay teacher," wika ni Az.
"And puwede bang huwag mo muna akong tawaging teacher for once? Hindi ka estudyante dito at wala akong balak maging teacher mo," paliwanag ni Danica.
"Then what do you want me to call you?" tanong ni Az.
"Danica! Iyon lang," wika nito.
"Okay! Danica," wika naman ni Az.
Matapos nilang magkape at makapagpahinga ay nagpasiya na silang umuwi. Inihatid muna ni Az si Danica sa harap ng bahay nila.
"Thank you," wika ni Danica.
"No problem," sabi naman ni Az.
"Since we are friends na naman, can I get your phone number," wika naman ni Danica.
"Kakililala lang natin na-fall ka na agad sa akin," pang-aasar ni Az.
"Kung ayaw mo... e, 'di huwag," irap ni Danica.
"Just kidding! Akin na phone mo! I'll save my number," wika naman ni Az at inabot naman ni Danica ang cellphone niya kay Az.
"Bababa na ako! Goodnight," wika naman ni Danica sabay bukas ng pinto ng kotse at walang lingon na pumasok ng gate ng bahay nila. Napailing na lang na may halong ngiti si Az habang pinapanood si Danica papasok ng bakuran nila bago nito pinatakbo ang sasakyan.