Sa isang condominium unit sa Quezon city namamalagi si Az. Dito na rin niya napagdesisiyonang mamalagi simula nang magtrabaho siya. Alas otso na ng umaga nang magising siya. Linggo ngayon at wala naman siyang gaanong ginagawa. Bukas pa niya maitutuloy ang kaniyang ginagawang project para sa Japanese investor niya kaya naisipan niyang bumangon muna at magtimpla ng kape. Tanging boxer shorts lang ang suot niya at walang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang hubog ng kaniyang katawan. Mula sa balkonahe ng kaniyang unit ay kitang-kita niya ang mga tao sa kabilang building. Ngunit may isang kwarto sa kabilang gusali ang nakapukaw ng atensyon ni Az. Isang babae na nakatwo-piece at naka-legging shorts na nagyo-yoga ang nakita niya sa isang kuwarto sa kabilang b

