Chapter 45

1230 Words

Tinunton ni Rosalyn ang paaralan kung saan nagtuturo si Danica. Nalaman niya ito nang makita niya ang pangalan ng paaralan sa school ID ni Jacob kung saan ito nag-aaral. Hindi siya nagkamali. Nakita niya si Danica kasama ang dalawa nitong kaibigan na nakaupo sa kani-kanilang teacher's table sa faculty. Malapit lang kasi sa entrance ng school ang faculty kaya kaagad niya 'yung napansin. Ngunit hindi si Danica ang pakay niya, kundi ang punungguro ng paaralan. Diretso lang siyang naglakad patungo sa pintuan ng opisina nito at kumatok. "Yes? Bukas 'yan, you can come in," rinig niyang tugon ng isang tinig mula sa loob ng opisina. Sigurado siya, ang principal na 'yon ang nasa loob. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi bago niya ipininid ang seradura ng pinto. Sa wakas, mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD