MAGKABABATA sila ni Miles. Magkaibigang matalik naman ang mga magulang nila at inaanak ng Mommy niya si Miles sa nag iisang subdivision sa San Ignacio sila parehong nakatira si Arnel ang ama ni Miles ay personnel manager sa textile mills sa San Ignacio Si Zeny ang mama nito ay professor sa San Ignacio college ang pinaka malaking pribadong co-educational school sa buong San Ignacio at mga karatig bayan. doon nag aaral si Miles at Nadia mula kindergarten
Dati at silang dalawa ang magka laro at magkasama kahit ba matanda sa kanya si Miles ng limang taon. Si Miles ang nagturo sa kanyang magbisekleta si Miles din ang nag turo sa kanyang mag scooter.
ng umuwi ang daddy niya ay nag wave runner mula sa ibang bansa ay magkakasama sila ni Miles ba gumamit niyon habang tinuturuan siya nito kung paano mag drive dahil wla naman kaibahan ang scooter niya ang paraan ng paggamit niyon
Maliban sa ang wave runner ay sa dagat ginagamit.
Si Miles din ang nagtatanggol sa kanya sa tuwing tinutukso siya ng mga kalaro na Olive Oil noo
Until Arlyn..
Ang tagapag tanggol niya mula sa panunukso ng ibang mga batay ipinagtatanggol ang isang bagong salta at bagong kaibigan mula sa kanya
Nitong nakaraang taon ay lumipat mismong subdivision na tinitirahan nila ang pamilyang peralta sa mismong di-kalakihang corner lot di kalayuan sa bahay ng pamilya ni Miles at siyang pasimula ng phase 2ng subdivision kung saan mga lot cost housing ang nakatayo Ang solar nina Miles ang katapusan ng executive phase ng lupa lang ang ina acquire at ang mga nakabili ng ang mag papatayo ng bahay Tila kubo ang bahay nina Arlyn kung ikukumpara sa malalaking bahay sa kalyeng iyon At lalo pang nagmumukhang alangan ang bahay na iyon sa ibang mga naroroon dahil corner lot ba iyon at pader ng subdivision ang kasunod at ang kabila ng pader ay niyugan At dalawang magkaka sunod na low cost housing ang katabi ng solar ng mga peralta bago ang susunod na bahay
Ang dalawang palapag na malaking bahay ng mga magulang ni Miles ay tila kastilyong naka tunghay sa bahay nina Arlyn
Matagal ng na award sa mga magulang ni Arlyn ang propriedad na iyon sa pamamagitan ng government low cost housing . Nitong nakaraang taon lang inayos any propiedad at nilipatan .
Dahil president ng home owners association si Mrs Zeny Sta Romana ay agad na naroon ito at si Miles upang tulungan ang dalawa pa nitong nakababatang mga kapatid Dahilan iyon upang mag kamalapit sina Miles at Arlyn
Si Mr. Mario Peralta ay natanggap na guro sa pampublikong high school sa San Ignacio Nasa late 30 's nito na mukhang artista kaysa guro sa kabila ng edad Si Mrs. Perla Peralta naman ay isang ordinaryong plain housewife Hindi nalalayo ang edad nito sa asawa
Tita Zeny bati ng bata sa ina ni Miles nariyan poba si Miles
Ikaw pala Nadia binitawan nito ang gunting pangahalaman . Aba magandang tuta iyang dala mo ah Iyo ba iyan ?
She smiled Lumitaw ang dimple sa magkabilang pisngi Niyuko ang tuta at hinaplos haplos ang ulo
Opo Dala po ni Daddy noong friday
sa maynila nag tatrabaho si Benedict tuwing Friday ng gabi umuuwi sa San Ignacio at lumuluwas uli kina lunes ng madaling araw ipapakita ko nga po kay Miles ai goerge
Humakbang patungo sa labas ng bakod si Mrs Sta Romana sumunod si Nadia kipkip ang tuta Naroon si Miles hija
itinuro nito ang bahay sa dulo ng kalye katapat parin ng kadugtong ng lote ng mga Sta Romana
a.. ano ho ang ginagawa ni Miles roon ?
may lumipat sa bakanteng bahay doon kamakalwa hija mag asawang may tatlong anak . Magkasama kami ng kaibigan mong tinutulungan ang mga bagong lipat. kaninay natanawan nagbubuhat ng paso iyong panganay na anak tutulungan daw niya puntahan mo kung gusto mo
Sige po
Nasa tapat siya ng bahay na wlang bakod sa may tapat ng pinto ay dalawang bata ang naglalaro tiyak ba hindi ang mas malaki ang panganay dahil sa tantya niya ay nasa anim na taon palang ang batang babae at mas bata pa ang isa
Bumaba ang mga mata niya sa mga laruan ng mga ito gawa sa plastic iyong mga nakikita niya sa palengke aa bayan sa tuwing sumasama siya sa mommy niyang mamalengke
Nag angat siya ng tingin sa may pinto ng makarinig ng isang pinong halakhak papalabas ang batang babae kasunod si Miles na nakangisi bigla ang pag bangon ng hindi niya maunawaang damdamin sa batang puso niya
Nadia si Miles ng makita siyang nakatayo sa kalsada halika ipapakilala ko sa iyo si Arlyn
Humakbang siya palapit subalit hindi lumampas sa sidewalk Nakita niya ng mawala ang ngiti sa mga labi ng batang babae ng makita siya at nanlaki ang mga mata niya ng hawakan ni Miles sa kamay si Arlyn at hilahin palabas ng hindi siya tuminag sa kinatatayuan niya
ipinakilala sila bi Miles sa isat isa muling lumitaw ang pinong ngiti sa mga labi ng batang babae And Nadia instant knew it was indeed for Miles
ano iyang hawak mo Tuta si Arlyn ng medyo makita ang may kalakihang tuta sa braso niya tila diring diri ang anyo nito sa mabalahibong hayop
lihim na nagiti si Nadia here hawakan mo sa isang iglap ay nilipat sa mga braso ni Arlyn ang tuta. ayoko alisin mo kilig na kilig nitong sabi
Natawa si Miles It's a cute Arlyn hawakan mo
kumahol ang tuta marahil ay nanibagong iba ang may hawak at nararamdamang hindi ito gusto
ibinagsak ni Arlyn ang tuta sa lupa sa panlalaki ng mata ni Nadia Akma niya itong dadamputin ng muling kumahol ang tuta kay Arlyn at kinagat ang laylayan ng damit nito at hinila
Miles ang tuta awatin mo baling nito sa binatilyo sa paraan na tila takot na takot
Subalit bago pa maka kilos ai Miles at nahila na ng tuta ang lace sa laylayan ng damit nu Arlyn at napunit iyon
Tajw your dog Nadia Miles commanded sternly when Arlyn cried helplessly kauna unahan sa buong buhay niyang ginamitan siya ng ganoong tinig ng kababata
She was stunned at naka titig lang sa binata Lumambot ang mukhan Miles
Please sweet .... Nadia she said gently Bumitaw ang tuta sa laylayan ng damit ni Arlyn at nagpakalong sa kanya. subit sira na ang lace ng damit
Arlyn was horrified Lumakas ang iyak at humilig sa dibdib ni Miles Pagaglitan ako ni Inay Miles pababayaran ko kay Mommy ang damit mo si Nadia na nag pupuyos ang batang puso sa galit sa ginawang Iyon ni Arlyn Sa murang isip niyay wala siyang natatandaang galit siya tulad ng sandaling iyon
and when one was hurt one was tend to hurt back mura lang naman iyang damit mo ah nakasabit iyan sa tindahan sa palengke ... she said cruell Nadia ! si Miles
nakita ni Nadia ang iglap na pagkislap ng poot sa mata ni Arlyn Subalit sandali lang iyon at inakala niyan guni guni lang niya
Pahikbing nagsalita si Arlyn ng banayad na tinig Mahirap lang kame Nadia Instantly felt so guilty ng tumingala siya kay Miles ay naron sa mata ang galit pero hindi niya iyon ininda
Let's go Miles anyaya niya sa kababata sa mababang tono. You promised to show me your aquarium this afternoon
Mauna ka ng umuwi Nadia susunod ako
Sabay tayong umuwi sa inyo .
Don't break your promise dahil pag umuwi ako akong mag isa hindi kuna titingnan ang aquarium mo ahe threatened
nag buntong hininga si Miles All right but you apologize to Arlyn first wika neto sa seryosong tono
Tumaas ang dibdib ni Nadia bilang paghinga ng malalim hindi naman siya nang uuri ng tao katunayan ang pinaka malapit na kaibigang babae si Pia ay higit na mas mahirap kesa kay Arlyn na ito dahil sa bukid nakatira ang kaibigan at mag bubukid ang ama
And it wasn't that easy to say she was
sorry at lalo sa unang pagkikita pa lang niya kay Arlyn ay mabigat na agad ang loob niya
lalo at nakita niyang magaan ang loob dito ni Miles lalo ng humilig sa balikat ni Miles at umiyak gayong bago pa lamang itong kakilala
but she did anyway . I'm sorry Arlyn halos bulong na iyon
Nilingon ni Miles si Arlyn sumama ka sa amin sa bahay kung gusto mo anyaya nito Ipapakita korin sayo ang aquarium ko it's salt water kaya makikita mung ibat ibang kulay ng mga isdang nakalagay roon may corals pa pagmamalaki ng binatilyo
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Arlyn Sinulyapan si Nadia na nanlakaki ang mga mata at natitiyak ni Nadia na basang basa ang laman ng isip niya na sanay tumanggi ito sa anyaya ni Miles but to Nadia's dismay ay sumang ayon ito
Sige Miles Pero sandali lang at walang kasam ang mga kapatid ko rito