Nahinto sa pag iitsa ng Holen si Nadia ng sa sulok ng mga matay natanaw ang parating na si Arlyn
Ayan na si Tisay Nadia. whew!
Napasipol ang lalaking kalaro ni Nadia pagka kita kay Arlyn parang labanos sa kaputian ah .!
Hello pasali naman nakangising bati ng dose anyos na si Arlyn kay Nadia nasa tabing dagat sila
Binulungan ng batang lalaki si Nadia sasali daw isali naten
Subalit umingos si Nadia at malakas sa na siniko sa sikmura ang batang lalaki na napauklo Alam niyang hindi naman totoong sasali si Arlyn. nag iinis lang ito
Arlyn was 12 pero kung kumilos at mag ayos ay tila dalaga Wala siyang natatandaang nakita niya itong sumali sa laro ng mga ibang bata sa eskwela
Which in her young mind was not normal
She was always prim and proper
Paborito ng mga guro nito sa pagiging tahimik at hindi magaslaw malinis at laging mabangong tila rosas. Maraming ilag na mga kabataang babae subalit maraming kabataang lalaki ang nag kaka crush. Subalit tulad ng bulaklak na inihalintulad niyay may malaking tinik ito .. Tinik na bukod tanging si Nadia lang ang nakaka kita
Tinapunan ng tingin ni Arlyn ang batang lalaki Hoy Popeye hindi ako sinasagot ni Olive oyl. pakisabi mo naman sa misis mo na isali niya ako oh?
. Naningkit ang mga mata ni Nadia kung mayroon man siyang hindi gustong itutukso sa kanya ay ang pagiging payat niya na nagiging obvious dahil may kataasan siya Subalit hindi siya ang uring agad na nag mumukmok kapag ganoong natutukso Niyuko ni Arlyn si Nadia Ano ba Misis Oyl isasali mo ba ako ? tuloy ito sa pangangantiyaw na sinasabayan ng marahang hagikhik
Umangat ang isang kilay ni Nadia binitawan ang hawak na holen at tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik uli sa mukha ni Arlyn
Nagsalita ang maganda ang katawan
Sinabayan niya iyon ng nakaka lokong tawa Kung hindi kopa alam na may malaking peklat sa hita mo '
Agad na pinamulahan ngukha si Arlyn hindi totoo yan ha
anong hindi totoo ? Nakita ko yata ang peklat mo ng minsan kang madapa akala mo siguroy walang naka kita ano ? Dinilaan niya ito . Aber sabihin mong hindi totoo ?
Talaga namang hindi totoo a ? naiiyak na sigaw ni Arlyn
Sinungaling siguroy nagka kurikong ka ng araw tuloy sa pakantiyaw si Nadia. Aleng nag dadalaga dalagahan aleng kinurikong Nilagyan ng tono ang pambubuska at sinamahan pa ng pasayaw sayaw sapat upang tuluyang umiyak si Arlyn
Tuwang tuwa siyang makitang napikon at umiiyak ito Lalo na at ito naman ang nagpasimula ng pambubuska Grade six ito at Grade 5 siya at matanda ito sa kanya ng dalawang taon
Ang sabi ni Aling Perla ang ina nito nahinto raw ng isang taon si Arlyn ng nag kasakit ito noong grade two
Pero dahil mataas si Nadia ay tila siya any mas nakatatanda At sa totoo lang ang cute si Arlyn sa pagiging mestisa nito
Mamula mula ang pisngi idagdag pa ang mapusyaw na kulay ng buhok
Walang wala si Nadia kung itatabi kay Arlyn Payat at mataas siya sa edad na sampung taon Tila siya kawayang tsina Bukod pa roon morena siya kung natatabi ky Arlyn ay nagmumukha siya baluga Ang buhok niyang itim na itim at tuwid ay lalo pa yatang nag papayat sa kanyang tingnan
Tulad ngayon si Arlyn ay tila Barbie doll sa dilaw na damit at ang buhok ay maayos ang pagkaka ponytail at may ribbon pa
Dilaw rin ang kulay ng tsenelas na de gomang suot ba ordinaryo lang kung tutuusin pag ibang bata ang my suot
Subalit dahil maganda maputi at magkaka kulay ang suot ay namumukod tangi si Arlyn
tila anak mayaman gayong kung tutuusin ay guro lang sa pampublikong paaralan nito at plain housewife naman ang ina
Samantalang siya naka porontong ng maluwag na kamisetanh puti ba bagaman mamahalin dahil naka larawan doon ang isang kilalang cartoon characters ay marungis na dahil kalalaro ng holen sa lupa
Tila siya pulubi at si Arlyn ay prinsesa
napaka pintasira mo dyan ani Arlyn kasabay ang pag agos ng luha Negra ka naman
Ba ikaw nga itong naunang mamintas at eh ano kung Negra Hindi naman iyaking katulad mo para kang papayang hilaw na nakanti balik ni Nadia
Nagpasimula kang mamintas tapos pag ginantihan kay wala kang panlaban kundi iyak She made a face at dinilaan niya ito
Tama na Nadia siko sa kanya ng kalaro. niya Umiiyak ba eh.
isusumbong kita kay Miles umiiyak nitong sabi na pumulot ng bato at binato sa kanya
Sumbongera ganti niya gasino ng naka iwas sa bato Talaga namang iyakin ka At tumawa siya ng malakas
Nadia mula sa kung saan ay sumulpot ang kinse anyos na si Miles like a knight in shining armour at ililigtas ang prinsesa nito mula sa dragong nagngangalang Nadia
Naku ayan na nga ang fairy godfather ni arlyn sibat na ako nag mamadaling sinamsam ng batang lalaki ang mga holen nito sa matigas na buhangin at saka tumakbo palayo
si Nadia ay hindi natigatig O ayan mag sumbong kana
Nadia tama na iyan saway sa kanya ni Miles at nilapitan nito si Arlyn at inakbayan tahan na
Pikon naman yang si Arlyn eh Tapos iyakin oa at sumbongera Sige parin siya kahit na tinapunan siya ng matalim na tingin ni Miles siya nga itong -
Tama ba sabi eh. nagbabanta ang tinig ni Miles lagi ka nalang ganyan naningkit ang mata niya Sa kaibuturan ng batang pusoy naroon ang matinding hinanakit dahil tulad ng dati si Arlyn nanaman ang kinakampihan ni Miles siya kontrabida lagi
Ni hindi ito itatanong kung ano ang pi ag umpisahan ng pangangantiyaw niya
Yumuko upang damputin ang mga Holen nakadam ng guilt si Miles sa pagtaas ng boses sa kanya
Wala ka naman kasing alam gawin kundi awayin si Arlyn pabuntong hininga ni Miles sa mababang tinig. akmang yuyuko upang tulungan siyang damputin ang mga holen sa lupa Subalit niyang nasamsam ang mga ito kahit na nagpuro buhangin ang mga kuko niya sa kamay niya
Sige magkampihan kayo at saka malakas n itinulak si Miles patungo kay Arlyn nawalan ng panimbang ang binatilyo at kasama si Arlyn ay bumagsak sa lupa ang dalawa
sinabayan niya iyon ng takbo at iniwan ang dalawa ng malayo na siya at mawala sa paningin ang mga itoy huminto at ibinagsak ang sarili sa buhangin Tinanaw ang dagat atsaka umiyak She'd rather die kasya ipakita sa dalawang iyon na umiiyak siya