"Ano kaya pa? Ang yabang yabang mo kasi, hindi mo naman pala kaya." pang-aasar ko pa kay Triztan. Nakakarga na sa truck ang mga dala namin. "Hindi lang ako sanay sa dami. Pero kaya naman makatulong." "Sa sunod kasi h'wag masyadong para hindi napapahiya. Nadadamay pa ako." "Oo na! Malay ko ba na sobrang bigat pala ng mga 'yan!" "Sasama ba talaga kayo Sir, sa pagdedeliver?" "Sasama ho kami." "Sa likod ka na Philip para may maupuan d'yan sila Sir." Utos ni Mang Ben na s'yang driver ng truck. Sumakay sa likod ng truck ang isang tauhan para makaupo kami ng maayos. Habang nasa byahe ay pinagmamasdan ko lang ang mga nadadaanan namin. Sa kabilang bayan pala ang deliver ng mga gulay. "Mang Ben, kailan pa tayo nagdedeliver sa kabilang bayan?" "Matagal na po Sir, mga nasa mahigit sam

