"H'wag mong pababayaan si Alizhah." mahinang bulong sa tenga ko. "Ate Cassandra? Oo na, hindi ko naman s'ya pababayaan. Kaya nga gusto ko na lang s'ya na isama sa Manila." kausap ko dito. Kahit na wala naman akong makita. Pero dahil sa aking sinabi ay parang bumalik na sa normal ang hangin dito sa kwarto. Totoo nga ata na kapag may gusto pa na gawin dito sa lupa ang taong namayapa na ay magpaparamdam talaga sila. Mas okay sana kung sa panaginip na lang s'ya nagpakita. Tumingin ako sa cellphone at malapit na pala na mag ala-syete ng umaga. Nagpalit ako ng damit. Parang gusto ko kasing mag-ikot-ikot muna dito sa farm. Nang makapagbihis ay mabilis na akong bumaba ulit. "Bro,saan ka pupunta?" tanong ni Triztan sa akin. "Lalabas lang." "Sama ako." "Bahala ka!" Lumabas na kaming da

