Habang kumakain kami ay wala ng imikan. Hanggang sa makaramdam ako ng pagkabusog. "Grabe, ang sarap talaga nitong niluto mo Ganda." "Salamat naman at nagustuhan n'yo, ang akala ko talaga kanina ay hindi masarap." "Ito kasing Uncle mo, ang daming pa suspense kapag may sasabihin. Muntik ka na tuloy umiyak." "Uy, hindi ko naman iiyakan 'yun Kuya. Pero syempre sasama ng kunti lang naman ang loob ko. Pinaghirapan ko kayang magluto. Tapos sasabihin lang na hindi masarap! Kahit naman sino siguro ay ganoon ang mararamdaman." "Salamat sa luto mo na halos maubos na natin." Sabi ko dito. Ngumiti naman ito. Ang sarap n'yang pagmasdan sa simpleng ngiti lang n'ya at napakaganda n'ya kahit na walang kahit anong kolorete sa mukha. Kung ganito ba naman kaganda ang makikita mo araw-araw ay gaganda t

