CHAPTER:13

2018 Words
"Hindi ka lalabas!" agad naman na napigilan ito ni DIC. Dahil si Triztan ay binitawan talaga ang dalaga ng sabihin nito na bitawan s'ya. "UNCLE, ano ba! Bitawan mo ako! Magsusumbong ako sa mga pulis. Mga manyakis kayo!" "Hindi ako manyakis Ganda, binitawan na nga kita d'yan!" Ani pa ni Triztan. "Gago ka talaga! Bakit mo binitawan?" "Sabi n'ya kasi bitawan!"sagot ng kaibigan ni DIC. "Uncle,bakit ba ayaw mo akong bitawan?" "Dahil masakit itong ginawa mo sa akin, bakit mo ako tinuhod? Alam mo ba na marami ang naghahangad nito!" Inis na sagot nito sa kan'yang pamangkin habang hawak-hawak pa din nito ang braso ng dalaga na nagpupumiglas. "Kasi hinalikan mo ako, at kung hindi ako nagising ay baka nga hindi lang halik ang gawin n'yo sa akin! Mga manyak kayo? At bakit nandito ako? Ibalik n'yo ako kay Mama!" "Alizhah! Huminahon ka nga! At paano mo naman nasabi na manyakis kami? Ni hindi mo nga alam kung paano kami mag-alala sa'yo kanina,, tapos ito lang ang gagawin mo sa akin? Kapag talaga ako nabaog!" "Tama ang Uncle mo, kanina lang halos sabihin n'ya na sa akin na paliparin ko na itong kotse. Dahil sa pag-aalala n'ya sa'yo!"paliwanag naman ni Triztan. "Bakit kayo mag-aalala sa akin? Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Bakit nandito ako sa kotse mo Uncle. Saan ba tayo pupun__," hindi na natapos ni Alizhah ang kan'yang sasabihin dahil tinakpan na ng Uncle n'ya ang bunganga nito na matindi kung rumatrat at magtanong. Para itong armalite na hindi man lang ata humihinga sa sunod-sunod na tanong n'ya. "Hhhmmmp!" Impit na ungol nito na pilit kumakawala. "Kapag hindi ka nanahimik ay talagang hindi ko tatanggalin itong kamay ko sa bibig ko. Maging itong mga kamay ko. Kaya kung gusto mo na bitawan kita ay mangako ka na makikinig muna sa paliwanag namin ni Triztan. Kasi kung panay ka daldal. Wala kang maiintindihan sa sasabihin namin tungkol sa nangyari sa'yo kanina at kung bakit wala na tayo sa sementeryo ngayon." Dahil sa nakakaramdam ng takot sa kung anung maaring gawin sa kan'ya ng Uncle n'ya at kaibigan nito ay napatango-tango na lamang ito na tanging magiging sagot n'ya. Dahil nakatakip pa din ang kamay ni DIC sa bibig n'ya. Malakas ito kaya kahit anong pagpupumiglas n'ya ay balewala lang din ito. Kaya inisip n'ya na kailangan ay makuha n'ya muna ang loob nito bago s'ya mag-iisip kung paano tatakasan ang dalawa. Hindi n'ya akalain na sa likod gwapong mukha ng mga ito ay mga manyakis pala. At mapapatunayan n'ya yun. "Sigurado ka ba na makikinig ka na sa amin? Baka naman kapag tinanggal ko itong kamay sa bibig mo ay magtatalak ka na naman agad at hindi makikinig." Tumango-tango muli ang dalaga. Tinititigan naman s'ya ni DIC na animo sinusuri ang mga mata n'ya kung nagsasabi ba s'ya ng totoo. "Ang ganda pala ng mga mata n'ya." Isip pa ni DIC habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. Hindi n'ya lang ito maisatinig. Dahil baka isipin na naman nito ay pinagnanasaan s'ya. "Okay tatanggalin ko na." dahan-dahan naman na tinanggal nito ang kamay sa bibig ng dalaga. "Makinig ka sa sasabihin ko. Una hindi kami manyakis ni Triztan. At isa pa ay hindi ako pumapatol sa bata na mahilig uminom ng gatas. Kaya nagkakamali ka sa iniisip mo na may gagawin akong hindi maganda sa'yo." Habang nagpapaliwanag si DIC ay iniisip n'ya na nakikinig ang pamangkin. "UNCLE, p'wede ba na lumabas ako."pakiusap ng dalaga. "Bakit?" "Naiihi na kasi ako." "Naiihi ka ba talaga? Hintayin mo muna matapos ko na maipaliwanag sa'yo ang lahat." "Palabasin na natin s'ya Captain, mas mahirap naman kung magkasakit si Ganda sa kakapigil ng ihi n'ya." "Hindi ba maaring sa mansyon ka na lang umihi?" "Hindi na ito aabot sa mansyon ang Uncle, lalabas na talaga!" "Saan ka naman iihi dito? Nasa gitna tayo ng kalsada." "Ako na ang bahala, basta igilid mo ang kotse o gusto n'yo na dito ko na ito ilabas?" Pinagmasdan naman ito ni DIC. Nagdadalawang isip s'ya kung maniniwala ba sa pamangkin. "Ihinto mo sa gilid triztan." Utos nito. Huminto nga ito sa pagmamaneho. Binuksan naman agad ni Alizhah ang koste. At saktong makalabas s'ya ay may dumaan naman na kotse. "Tulong! Tulungan n'yo AKO!" Sigaw nito at napahilamos naman sa kan'yang mukha si DIC dahil sa inis sa dalaga. "Lagot na!" Mabilis na lumabas ng kotse si DIC. "Alizhah!"madiin na tawag n'ya dito,agad na nahablot n'ya ang braso nito ng akmang tatakbo ito. Tila hindi ata nito alam na s'ya ay isa sa magagaling na tumakbo. Na maging sa mga palaro noon ay palagi s'yang idinadayo dahil sa bilis n'yang tumakbo.. "Boss, may problema ba?" tanong ng may-ari ng kotse na pinara ni Alizhah. "Sir, tulu--," agad na muling tinakpan ni DIC ang bibig nito. Dahil baka kung anu na naman ang sabihin nito. "May misunderstanding lang kami nitong girlfriend ko. Nagtatampo, dahil hindi ko pinagbigyan sa b*****g. Kaya ayaw ng sumabay sa akin pauwi. Alam mo naman Boss ang mga babae. Masyadong matampuhin. Ee,pinapaliwanag ko sa kan'ya na hindi namin pwedeng gawin sa kotse ang gusto n'ya. Lalo pa at nasa gitna kami ng highway." Sagot ni DIC sa driver ng kotse na pinara ng pamangkin n'ya. Lumabas na din ang kasama nito n narinig din ang sinabi n'ya. "WOW! Ang sweet naman nila. b*****g talaga ang pinagkakatampuhan nila." Nangingiti na sabi ng babaeng kasama ng lalaki. Tila na naaaliw ito kila DIC at Alizhah. "Halika na hon, hayaan na natin sila. At ikaw Sir, p'wede naman ang b*****g sa loob ng kotse. Madalas namin ginaga____," hindi na din natapos ng babae ang sasabihin n'ya. Hinila na kasi ito ng lalaking kasama n'ya. "Sandali lang naman, bakit mo ba ako hinihila?" "Sakay na!" Agad naman na sumakay ang babae. "Sige boss, sana mawala na ang tampo sa'yo ng girlfriend mo. Pagbigyan mo na kasi, para parehas na kayong makarating sa langit. "natatawang sabi ng lalaki sa kanila. Si Alizhah naman ay parang gusto na lamang maglaho dahil sa mga pinagsasabi ng Uncle n'ya. Kahit naman na sa probinsya lumaki ay naiintindihan n'ya naman ang ibig sabihin ng b*****g na sinasabi ng Uncle n'ya. Habang si Triztan naman ay mas pinili na lamang manatili sa kotse. Dahil alam n'ya naman mabilis lang mahahabol ng kaibigan n'ya ang dalaga. Natatawa na lang ito sa naririnig na sagot ng kaibigan. Ramdam n'ya na kunti na lang ang natitirang pasensya sa kaibigan. "Oo Boss, mamaya lang ay hindi na ito makakalakad dahil sa parusa ko sa kan'ya." Pabirong sabi ni DIC na ikinatawa ng lalaking hindi n'ya na tinanong pa ang pangalan. Naiintindihan nito ang kan'yang ibig sabihin. Mahigpit din ang pagkakahawak n'ya sa braso ng pamangkin. Hanggang sa makasakay muli ang lalaki. Bumusina pa ito bago tuluyan na umalis. "H'wag mo ng tangkain pa na tumakas sa akin Alizhah!" Binitawan n'ya ang bibig nito at mabilis kinarga ito na parang nagbuhat lang ng isang sakong bigas. Nakasampay ang katawan nito sa balikat n'ya. Kaya naman malaya itong nakakasigaw. Kaya mas binilisan pa ni DIC ang paglalakad pabalik sa kotse. Ibinalya n'ya ang dalaga sa loob nito at nagpupumilit pa talaga ito na makalabas. Kaya lang ay napigilan s'yang muli. "Hindi mo na ako matatakasan. Naupo na din ito. "Nakakainis ka Uncle! Mga manyak talaga kayo? Bakit sinabi mo sa lalaki kanina na b*****g ang dahilan kung bakit mo ako hinahabol?" "Manahimik ka! Ang sabi mo sa akin ay iihi ka lang kaya gusto mo na lumabas! Naniwala ako sa'yo Alizhah! Pero anong ginawa mo? Gumawa ka ng eksena sa gitna ng daan! Sa tingin mo hahayaan kitang sabihin sa kanila na manyakis kami? Kung bakit kasi hindi mo muna patapusin ang paliwanag ko sa'yo! Ang akala ko nakikinig ka na sa amin." Natahimik naman ang dalaga. Mataas na kasi ang tono ng boses ni DIC. "Ayan! Ginalit mo! Makinig ka kasi muna Ganda, masisira ang magandang image ko kung sasabihin mo lang na manyakis ako! Sa edad ko na ito ay wala pa akong namanyak na kahit na sinuman. Madalas pa nga ako ang naabuso."sabi ni Triztan na inaangat na naman ang kan'yang sarili. "Ikaw naman bakit hindi ka man lumabas ng kotse at tinulungan akong habulin s'ya." "Dahil kaya mo naman. Ni hindi ka nga hiningal sa paghabol sa kan'ya." "Ano ba kasi ang ipapaliwanag n'yo sa akin?" "Bilisan mo na kasi ang pagpapaliwanag sa kan'ya Captain,para naman hindi na s'ya matakot sa atin. Tingnan mo nanginginig na." Napatitig naman si DIC sa pamangkin at tama nga ang kaibigan n'ya. Nanginginig ito. Naramdaman n'ya din ang mainit na likido sa bandang pwetan n'ya. "Umihi ka!?"inis na tanong nito. "Sorry po! Naiihi na kasi talaga ako kanina. Kaya lang nakita ko yung kotse. Kaya pinara ko muna. At dahil din sobrang takot ko sa in'yo ni Kuya Triztan kaya hindi ko na napigilan ang ihi ko." Si Triztan naman ay humagalpak na lang ng tawa dahil sa nangyari. "Uuwi tayo ngayon na mapanghi!" Sabi pa nito. "Bilisan mo na ang pagpapatakbo ng kotse. Umuwi na tayo sa mansyon." "Bumalik muna tayo sa sementeryo Uncle, gusto ko na balikan si mama." "Uuwi muna tayo! At alam mo ba kung bakit wala na tayo sa sementeryo? Yun ay dahil nahimatay ka lang naman. Dahil sa pag-aalala namin sa'yo ay taranta na kami kung saan hospital ka dadalhin. Kanina naman bago ka magkamalay ay bibigyan sana kita ng CPR. Kaya lang itong tinatawag mo na Kuya ay bigla na lang noagpreno. Kaya nauntog ako sa'yo. Hindi kita minamanyak! Nagkataon lang na may isang tao dito na hindi ko malaman kung bakit biglang magpreno."mahabang paliwanag ni DIC na ikinabigla ng dalaga. Wala kasi s'yang matandaan sa nangyari kanina kung hindi pa ito ipaalala sa kan'ya ngayon. Ang huling naalala n'ya ay iyak s'ya ng iyak kanian. Hindi n'ya akalain na gusto lang pala s'yang iligtas ng mga ito. Ngayon ay mas lalong nakakahiya ang nangyari sa kan'ya na naihi sa shorts sa sobrang pagpipigil at takot. "May kuting kasi na tatawid. Alam mo naman na animal lover ako. Kahit na may allergy ako sa kanila. Kaya bigla akong nagpreno. Malay ko ba na ganoon ang mangyayari!" "Alam mo naman nandito kami sa likuran." "Sorry na," Hindi ko naman talaga sinasadya. Ikaw naman kasi ganda. Tinakot mo kami kanian. Tapos pinagbintangan mo pa talaga kami na manyakis. Nakakasakit ka ng damdamin." kunwaring nagtatampong sabi pa ni Triztan sa dalaga. "Bilisan mo na, tama na ang kakadaldal mo d'yan!" "Mabilis na tayo." Habang si Alizhah naman ay isiniksik na lamang ang kan'yang sarili sa gilid. Para kasing mangangain ng buhay ang Uncle n'ya kapag may sasabihin at titingin ito sa kan'ya. Hanggang sa makarating silang muli sa mansyon. "Manang nandito na po sila Sir!" tawag ni Lourdes sa matanda na nag-aalala din sa kan'yang alaga. Kaya ng matapos ang libing ng Ina nito ay umuwi na din sila. Agad na bumaba naman si DIC at ganoon din si Alizhah. "Señorita, mabuti naman at nakauwi na din kayo. Ano ang sabi ng doktor? May sakit ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Manang Merly. "Bakit mapanghi?" tanong naman ni Lourdes. "Mamaya na po ako magpapaliwanag Manang, ang masasabi ko lang sa ngayon ay okay na po ako." Sagot ng dalaga sa tanong ng kan'yang tagapangalaga. Naglakad na ito papasok ng mansyon. Dumiretso ito sa kwarto n'ya para makaligo na din. Naamoy n'ya na din kasi ang sarili. "Sir DIC, anong nangyari sa in'yo?" "Mahabang kwento po Manang, pagod na din ako." "Sir, ikaw ba 'yung naamoy ko na mapanghi?" hindi na napigilan ni Lourdes ang magtanong sa amo.. Natawa naman ng pigil si Triztan. Pinandilatan naman ito ng mga mata ni Manang. "Pasensya na po Sir, nagtatanong lang."agad na hinging tawad nito. "Aakyat na muna ako sa kwarto." Paalam ni DIC na naglakad na din papunta sa dati n'yang kwarto. "Ako din po magpapahinga na muna. Para kasing ang dami-daming nangyari ngayon." "Sige po Sir, tatawagin na lamang namin kayo kapag hapunan na." "Salamat Manang, h'wag n'yo na munang isipin ang kasungitan ng Sir DIC n'yo. Alam naman natin na pagod din sila." "Naiintindihan po namin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD