CHAPTER:12

2003 Words
"Hindi pa ba bumababa ulit si Alizhah?" tanong ni DIC. "Sandali lang Sir, at pupuntahan ko sa itaas." "Ako na po, saan ba banda ang kwarto n'ya?" "Malapit lang sa kwarto ng in'yong kapatid. Sa may bandang kaliwa." "Baka naman sungitan mo na naman." paalala pa ng kaibigan nito. "Manahimik ka d'yan Triztan." "Nagpapaalala lang ako. Hindi na nito pinansin ang kaibigan. Umakyat na s'ya at dahil alam naman n'ya kung saan banda ang kwarto ni Alizhah. Nang tumapat sa pinto na sinabi sa kan'ya ng kasambahay ay hindi pa n'ya alam kung kakatok ba s'ya. Parang nakaramdam tuloy s'ya ng hiya. "Nandito ka na, kaya kumatok ka na!" kausap nito sa kan'yang sarili. Dahan-dahan n'ya na kinatok ang pinto. Pero walang sumasagot o nagbubukas man lang. Kaya inulit-ulit n'ya pa ito. Hanggang sa mapansin n'ya na bukas pala ang pinto ng kwarto ng kan'yang kapatid. Kaya naman dito nabaling ang kan'yang atensyon. Lumapit s'ya at binuksan pa ng bahagya ang pinto. Iniisip n'ya din na baka galit pa sa kan'ya si Alizhah kaya hindi nito binubuksan ang pinto. Nang tuluyan makapasok sa loob ng kwarto ng kapatid ay napadako agad ang tingin n'ya sa queen size na kama. Nakahiga doon si Alizhah. Nakayakap ito sa litrato nilang mag-ina. Dahan-dahan s'yang naglakad papunta sa kama. Pinipilit n'yang h'wag makalikha ng ingay. Maingat s'yang naupo sa kama. Pinagmasdan n'ya ang maamong mukha nito. Pinahid n'ya ang butil ng luha sa gilid ng mga mata nito na naging dahilan para maramdaman ng dalaga na may ibang tao sa kwarto ng mama n'ya. "Uncle,"mahinang tawag ng dalaga. Napaupo din ito sa kama. "Naistorbo ko ang pagtulog mo." "Hindi naman po, pero anong ginagawa mo dito UNCLE DIC?" "Kumakatok kasi ako sa kwarto mo. Kaya lang ay walang sumasagot. Napansin ko na bukas ang pinto ng kwarto ni Ate Cassandra. Kaya pumasok ako dito. Hindi ko naman alam na dito ka pala natutulog." "Bakit n'yo naman po ako hinahanap."takang tanong pa nito. Dahil nanibago ata s'ya sa Uncle n'ya. Ngayon lang ito lumapit ng ganito sa kan'ya. Sa tuwing lalapit kasi s'ya dito ay para bang may kung anung sakit s'ya na umiiwas ito. "Umaga na, mamaya ay ihahatid na natin ang Mama mo." Kitang-kita sa mga mata ng dalaga ang lungkot. "Alizhah, magready ka at lalabas na ako." "Opo," tipid na sagot nito. Tumayo naman mula sa pagkakaupo sa kama si DIC at naglakad na papunta sa may pinto. Para kasing hindi n'ya kaya na kasama ang dalaga na sila lang dalawa. Nang makalabas ay napahinga ito ng malalim. Bumaba na ito. "Ano nakita mo ba s'ya?" "Oo, nakatulog pala s'ya sa kwarto ni Ate Cassandra.." Sagot n'ya sa kaibigan. "Mabuti na din na nakatulog s'ya. Baka kasi mamaya ay hindi n'ya kayanin ang paghahatid sa mama n'ya. Mas okay na nakapagpahing s'ya kahit kunting oras lang. May magandang dulot din pala ang pagsusungit mo." "Kagabi lang pinapangaralan mo ako. Ngayon naman pinupuri. Ano ba talaga Triztan." "Pero seryoso ako sa mga sinabi ko sa'yo kagabi. Sana ay isipin mo din s'ya." "Oo na,kaya nga hinanap ko ngayon di ba? Para sana makahingi ako ng sorry sa kan'ya. Kaya lang__," "Kaya lang ano?" pag-uulit nito sa hindi natuloy sasabihin ni DIC. "Hindi ko nasabi." "Ayun lang! Simple lang naman kasi ang sasabihin mo, hindi pa talaga nasabi! Bro naman, yung pride kasi ang ibaba mo." "Magso-sorry na lang ako kapag nagkaroon ng pagkakataon. Sa ngayon ay si Ate muna ang importante." "Ewan ko sa'yo. Hindi naman kailangan ng perfect timing para humingi ng sorry. Bakit kailangan mo pa na patagalin? Mas tumatagal mas lalong iisipin ni Alizhah na wala kang pakialam sa nararamdaman n'ya." "H'wag mo na lang muna akong kulitin sa ngayon Triztan, hindi naman kasi ikaw ang nasa sitwasyon ko." "Kung magpapalit tayo, madali lang para sa akin na humingi ng sorry. Lalo na kung alam ko na may mali ako." "Ee, hindi nga kasi ako ikaw." "Sir, nakita n'yo na ba si señorita Alizhah?"tanong ni Lourdes. "Oo, nasa kwarto s'ya ni Ate Cassandra. Pakidalhan n'yo na lang s'ya ng makakain. Kagigising n'ya lang kasi." "Opo, ipinakuha na din s'ya sa akin ni Manang ng fresh milk na paborito n'ya." "Fresh milk?" "Opo Sir Triztan, ito dala ko ay fresh milk galing sa alagang baka dito sa farm." "P'wede ba makahingi ng gan'yan? Ilang araw na ako dito. Bakit ngayon n'yo lang sinabi na may fresh milk pala kayo. Masarap din kasi na ihalo sa kape 'yan." "Hindi naman kasi kayo nagtatanong Sir." "Saan ba p'wede kumuha ng gan'yan?" "Sa kusina po may ilang bote pa na available. Halos sold out kasi ito palagi. Kaya talagang nagtitira lang kami ng kaunti para kay señorita Alizhah. Ikukuha na lang kita. "Ako na lang kukuha." "Ikaw po ang bahala. Dalhin ko na po ito sa itaas." Naglakad ito paakyat sa hagdan. "Ikaw ayaw gusto mo din ba ng fresh milk?" "Maghati na lang tayo sa isang bote." "Sige, yung akin ilalagay ko na sa kape." Napapailing na lang si DIC habang pinagmamasdan ang kaibigan. ************ Makalipas ang ilang oras ay dumating na din ang mga tauhan ng punerarya. May banda din at dahil ayaw ng kapatid n'ya ng kanta na malungkot na nakasaad din sa huling sulat na iniwan. Sinunod nila ang gusto nito. "Alizhah, okay ka lang ba?" "Kung sasabihin ko na hindi ay sarili ko lang din ang aking niluluko Uncle. Kaya magiging totoo na lang ako. Sino ba naman ang magiging okay agad kung mawala sa akin ang taong magbigay ng buhay ko. Ang taong nag-alaga, nagmahal, nagpasensya sa akin. Hindi ko alam kung KAKAYANIN ko ba talaga? Pero sabi nga ni Kuya Triztan at Manang,may dahilan ang lahat."sagot ng dalaga habang pinagmamasdan nito ang mga taong naglalagay sa mama n'ya sa loob ng karo. Pinipigial n'ya ang kan'yang sarili na h'wag umiyak. Mas ramdam na ang lungkot ng mga taong nakikiramay at maghahatid sa huling hantungan ni Cassandra. Nang maisakay ito sa karo ay kan'ya kan'ya na din na sakay sa mga motor at sasakyan nila ang mga tao. May nakasakay din sa kabayo na pagmamay-ari din ng mga Herrera. "D'un ka na sa kotse ko sumakay Alizhah."Alok ni Alex. "Sa kotse ko s'ya sasakay Attorney."sabi naman ni DIC. "Si Alizhah na lang siguro ang magdesisyon." "Sa kotse na lang po ako ni Ninong,sasakay Uncle." Naglakad na ito papunta sa kotse ng family lawyer nila. "Ay, dinedma ka!" "Tigilan mo nga ako Triztan!" Naglakad na si DIC papunta sa kotse. Nainis s'ya kung bakit hindi tinanggap ng pamangkin ang alok n'ya. "Hoy,hintay naman. Iiwan mo talaga ako?" "Bilisan mo na kasi!!" "Ito na nga sasakay na." Nasa unahan nila ang kotse na lulan ang dalaga. "Siguro close din s'ya sa family lawyer n'yo. Tingnan mo nag-alok ka din naman na dito na s'ya sumakay sa kotse mo. Pero mas pinili n'ya si ninong." "Anong iniisip mo Triztan?" "Baka lang kasi, alam mo na?" "Anong ibig mong sabihin? Diretsahin mo na lang kasi ako!" "Baka may lihim na pagtingin si Alizhah sa ninong n'ya or mas tamang sabihin ay baka inlove sila sa isa't isa. Marami ng gan'yan ngayon na naiinlove ang inaanak sa ninong." Napahawak ng madiin si DIC sa manibela ng kotse. Hindi n'ya gusto ang narinig na sinabi ng kaibigan. "DIC, bagalan mo ang pagmamaneho. Hindi tayo maaring mauna sa karo!" Paalala sa kan'ya ni Triztan. Hindi din nito napansin na bumibilis na pala ang takbo nila. "Ang dumi naman ng isip mo. Baka talagang mas panatag lang s'ya na kasama ang ninong n'ya. Alam mo din naman na ngayon pa lang n'ya ako nakikilala ng personal." "Hindi ko naman sinabi na totoo ang sinabi ko. Kaya nga BAKA DI BA? Pero kung me'ron man silang relasyon. Ano ang gagawin mo Captain?" "Wala!"walang gatol na sagot n'ya. "As in hahayaan mo lang?" Hindi na nagawa pa na sagutin ni DIC ang tanong. Dahil tumigil na sila sa may simbahan. Ilang minuto din ang itinagal nila hanggang matapos ang pari. ********* Nang nasa sementeryo na sila ay muling binuksan ang kabaong nito. Pero si Alizhah simula ng dumating at umalis sila sa simbahan ay iyak na lamang ito ng iyak. Mugtong-mugto na ang mga mata nito. "Ate Cassandra, hayaan mo na ako mag-alaga sa anak mo. Hindi ko s'ya pababayaan." sabi ni DIC ng pabulong na tanging s'ya lang ang nakakarinig. "Maaaaaaaaaa!" hiyaw na tawag ni Alizhah. Kung sa loob ng mansyon ay puro patago lamang ang kan'yang pag-iyak. Ngayon ay saksi ang maraming tao sa sakit na nararamdaman n'ya. "Sasama na ako Ma! Sasama na ako sa'yo!" Sabi nito habang umiiyak na nakayakap sa kabaong. Agad naman na inalalayan ito ni DIC. "Alizhah, halika na." Madiin na sabi nito. "Uncle, ayaw ko na umalis dito,sasama na ako kay Mama." "Alizhah nandito ako. Marami kaming nagmamahal sa'yo dito. Kaya please lang halika na Hija." Nakikiusap na wika naman ng ninong nito na awang-awa dito. "Señorita, tama na please! H'wag mo ng pahirapan ang mama mo."pero "Tumigil ka na Alizhah, sa tingin mo ba magiging masaya ang mama mo sa nangyayari sa'yo ngayon? Nakikita mo ba ang lahat ng mga taong nandito ngayon na nagmamahal sa in'yo? Lalo na sa'yo! H'wag puro sarili mo ang isipin Alizhah! Lahat sila dito ay nag-aalala sa'yo. Mag-isip ka din!" Hindi na napigilan ni DIC ang kan'yang sarili. Kung hindi n'ya kasi ito pagtataasan ng boses ay hindi ito matatauhan. Nakikita n'ya kasi na parang ayaw talaga nitong bitawan ang kabaong ng mama n'ya. Natigilan si Alizhah sa mga sinabi ng Uncle n'ya. "Tama ang Uncle mo señorita, tama na po please." "Ibaba n'yo na si Ate." Utos ni DIC sa mga tauhan ng punerarya. Habang si Alizhah naman ay yumakap na sa kan'ya. Hindi nito magawang tingnan ang ina. "Tingnan mo ang Ate Cassandra. Ito na ang huling araw na makikita mo s'ya." Utos nito sa pamangkin. "Hindi ko kaya Uncle." "Kayanin mo! Nandito ako! Hindi kita pababayaan." Malambing na utos nito. Muling tumingin ang dalaga. Pero halos wala na din naman s'yang makita. Dahil sa nanlalabo na ang kan'yang mga mata. Hanggang sa mawalan ito ng malay. Agad naman na nasalo ito ni DIC. "ALIZHAH!" pasigaw na tawag n'ya. Nagkagulo ang lahat. Nag-aalala sa nangyari dito. Binuhat ito ni DIC, ang mga taong nasa paligid nila ay agad na nagbigay ng pamaypay at tubig. "Señorita, ito na nga ba ang sinasabi ko!" Mabilis naman na naisakay ito sa kotse. "Manang, kayo na po ang bahala dito." "Opo Sir, kayo na din ang bahala kay señorita Alizhah." "Triztan bilisan mo! Wala talaga s'yang malay kaya balewala din itong tubig." "Sandali lang naman, gusto mo ba na mabangga tayo. Mabilis na tayo. At kung bibilisan ko pa ay baka tayo naman ang mapahamak." Malakas na ang aircon,pero todo paypay pa din si DIC sa dalaga. "CPR mo kaya s'ya." "Ha?" "CPR, hindi mo alam? Kung hindi mo kaya ay ako ang gagawa." "Kaya ko!" mabilis naman na kumilos ito at inihiga ang pamangkin. Maingat s'ya dahil umaandar pa din ang kotse. "H'wag mo lang s'yang titigan! Kailangan n'ya ng hangin!" Sigaw ni Triztan na patuloy pa din na nagmamaneho. Akmang lalapat na ang labi sa labi ni Alizhah ng bigla naman ay magpreno ang kaibigan. Dahilan para mauntog s'ya sa noo ng dalaga at ang kanilang mga labi ay tuluyan na maglapat. Dahil sa pagkakauntog ay nagkaroon ng malay ang dalaga. Dahil sa gulat ay naitulak n'ya ang kan'yang Uncle na muling nauntog naman sa lakas ng pagkakatulak n'ya. "Manyak! Manyak!" sigaw nito na napaupo na ng maayos.Nasa gitna pa naman sila ng kalsada kaya agad na tinakpan ni DIC ang bibig nito. "Hhmmm!" nakorner n'ya ito at nagpupumilit na tanggalin ang kamay na nakatakip sa bibig. Umigkas naman ang binti nito.Sapul sa mukha ang Uncle n'ya. Kaya nabitawan nito ang bibig n'ya. "Aray!" "Sandali! Saan ka pupunta ganda?" Agad na nahawakan ni Triztan sa braso si Alizhah. "Lalabas dito! Mga manyak kayo." "Uyy, hindi ako manyak! Gwapo lang. "Bitawan mo ako! Lalabas ako!" Sigaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD