CHAPTER: 11

2004 Words
"Nag-uusap lang naman kami Uncle ni Kuya Triztan." Agad na sagot ni Alizhah sa tanong ng uncle n'ya na napansin pa nito na nakakunot ang noo nito. "Kuya?" "Bakit may masama ba kung kuya ang tawag sa akin ni Alizhah?" Nakangisi na tanong ni Triztan sa kan'yang kaibigan na kitang kita n'ya naman sa reaction nito na hindi n'ya gusto ang tawag ng pamangkin sa kaibigan. "Nag-uusap lang ba talaga kayo? o baka naman iba na 'yan?" "DIC, ano ka ba naman, nag-uusap lang kami ng pamangkin. At isa pa ay sigurado ko lang naman na nakakain s'ya." "Yayo ka na pala ngayon?" sarkastikong tanong nito. "Ano bang nangyayari sa'yo?" takang tanong ni Triztan na hindi maintindihan kung bakit ang init ng ulo sa kan'ya ng kaibigan na kanina ay kinakausap pa lang n'ya ito. "Wala, ang sa akin lang ay igalang n'yo ang BUROL ni Ate Cassandrnooa." Madiin na sabi ni DIC. "Masama na ba ang tumawa UNCLE? Bakit parang ang big deal naman at malaking kasalanan ang ginagawa namin?" "Hindi masama ang tumawa, pero sana lang ay ilugar n'yo. Hindi yung d'yan pa talaga kayo maglalandian." "Bro, anong naglalandian ang sinasabi mo d'yan?"tanong ni Triztan. "Ang kitid naman po ng utak n'yo Uncle, nakipagusap at tawanan lang. Naglalandian na agad? P'wede naman siguro isipin mo na kino-comfort lang ako ni Kuya Triztan." Tanong ng dalaga sa kan'yang Uncle. "Kuya,papasok muna ako sandali sa kwarto ko." paalam ng dalaga at naglakad na hindi man lang tumitingin sa Uncle DIC n'ya. "Ang labo mo naman Captain, bakit biglang ang sungit mo d'yan? Nag-uusap lang naman kami talaga kami ni Alizhah. Tingnan mo nagtampo tuloy s'ya! Ikaw naman kasi bawas-bawasan mo yang pagiging over protective." "Hindi ako over protective sa kan'ya Triztan." "Hindi ka pa over protective sa kan'ya sa lagay na yan. Nag-uusap lang kami. Pero kung anu-ano na agad ang iniisip mo!" "Ang sa akin lang naman ay igalang n'yo si Ate. D'yan pa kayo nagtatawanan." "Ewan ko sa'yo Bro." tanging na sabi na lamang ni Triztan. Kahit anong sabihin naman n'ya ay palaging may alibi ang kan'yang kaibigan. "Oh,saan ka naman pupunta?" "Kukuha ng makakain. Bakit iniisip mo ba na susundan ko ang pamangkin mo?"tanong nito na hindi malaman ni DIC kung paano sasagutin. Hindi n'ya din kasi maintindihan ang kan'yang sarili. Nang makita n'ya na nag-uusap ang dalawa ay para bang hindi n'ya ito nagustuhan. Pero wala din naman s'yang intensyon na pasamain ang loob ng pamangkin. "Hindi." "H'wag kang masyadong mag-isip d'yan ng hindi maganda tungkol sa aming dalawa. Alam mo na naawa ako sa pamangkin mo. Halos pilitin na lang s'ya na kumain kanina ni Manang. Araw-araw nagmamasid ako sa bawat kilos n'ya. At madalas umiiyak o kung hindi naman umiiyak ay nakatulala. Sana naman ay isipin mo din na higit sa ating lahat dito. S'ya ang pinaka apektado dito. Anak s'ya! Nag-iisang anak! Kaya sa tingin mo madali sa kan'ya ang humarap sa atin? Na kahit na nahihirapan s'ya ay nagagawa n'ya pa din na makipag-usap at alalahanin ang ibang tao." Mahabang litanya pa ni Triztan na ipinapaliwanag sa kaibigan na kailangan ni Alizhah ng taong masasandalan nito. Napapansin n'ya din kasi na sa tuwing lumalapit ang dalaga sa kan'yang kaibigan ay para bang palagi din itong irritable. "Halos araw-araw na lang ay pinagsusungitan mo s'ya. Kahit na wala naman s'yang ginagawang mali sa'yo. Madalas pa nga ay nagtatanong s'ya kung okay ka lang ba. S'ya ba simula ng dumating tayo dito ay natanong mo kung okay lang ba s'ya?" Dugtong pa nito na tila napuno na din sa ipinapakitang ugali ng kan'yang kaibigan na kung tutuusin dapat nga ay ito ang maging sandalan ng pamangkin nito. "Sagutin mo nga ako DIC, bakit ba gan'yan ka sa kan'ya. Kung may mali man na nagawa sa'yo ang Dad mo ay h'wag mo naman sanang idamay sa sama ng loob ang mga taong wala naman kinalaman sa kung anuman na samaan n'yo ng loob. Tingnan mo pati ang Ate Cassandra mo ay kinalimutan mong kumustahin. Dahil sa ano? Wala kang alam sa pinagdadaanan n'ya sa mga nakalipas na taon. Bro, sinasabi ko ang lahat ng ito sa'yo para naman matauhan ka. H'wag mong idaan palagi sa pagsusungit ang lahat. At yang pride mo p'wede mo naman ibaba. Wala naman masama na hayaan mong maging malapit sa'yo ang pamangkin mo. Yung mga taong hindi mo naalagaan ang Ate Cassandra mo. Sa anak n'ya na lang. Para kahit paano makabawi ka man lang. Pag-isipan mo lahat itong sinasabi ko sa'yo. Dahil hindi mo lang ako basta kaibigan. Madalas man ay luko-luko ako. Pero marunong naman akong magbigay ng advice lalo na sa sitwasyon mo ngayon. Litong-lito ka na kung paano mo pakikisamahan ang pamangkin mo." tinapik nito ang balikat ng kaibigan at naglakad na papunta sa kusina. Sa loob ng isang linggo na pananatili sa mansyon ng mga Herrera ay kabisado na nito ang lahat. Sa haba ng sinabi ni Triztan ay hindi man lang nagawa ni DIC na makapagsalita. Dahil bawat sabihin nito na kataga ay tumatagos sa kan'ya. Alam n'yang tama ang kaibigan. "Ano ba kasing nangyayari sa akin?" napapatanong pa ito sa kan'yang sarili. Hinawakan nito ang kan'yang buhok at napapikit na para bang kaylalim ng iniisip nito. Hindi n'ya maintindihan kung bakit biglang uminit ang ulo n'ya. Nakita n'ya kasi na tunay ang pag-ngiti ng dalaga. Lumapit ito sa kabaong ng kan'yang kapatid. "Ate, sorry sa lahat ng nagawa ko. Nabasa ko na ang sulat na inihabilin mo na hindi ko alam kung magagawa ko ba alagaan ang anak mo." Kausap nito sa namayapang kapatid. Sa family lawyer nila ay may iniwan itong sulat na agad naman n'ya na binasa ng ibigay ito.At dahil hindi s'ya makapaniwala ay paulit-ulit n'ya itong binasa. Nakasaad sa huling sulat nito para sa kan'ya na inihahabilin nito ang kan'yang nag-iisang anak sa kan'ya. Sulat kamay ng kapatid n'ya ito. "Nasaan na ang dalawa Sir?" "Umakyat po sa kwarto n'ya si Alizhah." "Ganoon ba,may dala pa naman akong paborito n'ya na toasted na mamon. Mabuti nga at kahit paano ay kumain na din s'ya. Pasalamat ako sa matalik n'yo na kaibigan Sir. Napapangiti n'ya din kahit paano ang alaga ko." Nakaramdam ng guilt si DIC sa sinabi ng kasambahay. At dito n'ya mas lalong napagtanto na mali s'ya sa ginawa kanina na sarkastikong pakikipag-usap sa mga ito. "Ikaw Sir, gusto mo ba nito." Alok pa ni Manang. "Sige po, salamat. Manang magpahinga na din muna kayo. Baka naman kayo ang magkasakit. Halos ilang araw na din na wala kayong pahinga." "Okay lang ako Sir, nakakapagpahinga din naman ako kahit paano kapag umaga na walang masyadong tao. Gusto ko lang na ipabaon sa huling araw na nandito pa si señorita Cassandra na pagsisilbihan ko pa din." naiiyak na sagot nito sa amo. Lumapit naman si DIC dito. At niyakap ang matanda na s'yang nag-alaga din sa kan'ya noon. Pero parang mas naging malapit pa ito sa ate n'ya. "Sir, hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap na ganoon lang kami iiwan ni señorita. Mahirap ito lalo na sa mga tauhan n'yo dito sa farm na naging maayos ang pamamalakad n'ya." Hinayaan lang ito ni DIC na magsabi ng lahat ng saloobin nito. Ramdam n'ya kung gaano kamahal ng mga tauhan nila ang kan'yang Ate Cassandra. Mabait naman kasi talaga ito. Kaya nga dito iniwan ng Dad n'ya ang pamamahala sa lahat ng ari-arian nila na naging dahilan din kung bakit lalong lumayo ang loob n'ya sa mga ito. Pakiramdam n'ya ay tuluyan na s'yang kinalimutan ng ama. Kaya din hindi na s'ya muling bumalik pa sa bayan nila. Pinilit n'ya itong kinalimutan. Nang med'yo okay na si Manang ay kusa na itong bumitaw sa pagkakayakap sa kan'yang amo. "Pasensya ka na Sir, ngayon ko lang mas naiisip na bukas ay tuluyan na s'yang lilisan. Wala ng señorita Cassandra na palaging magbibilin sa akin. Wala na ang taong palaging may malasakit sa kapwa n'ya." Hindi malaman ni DIC kung anung sasabihin sa matanda. Dahil maging s'ya ay wala din naman alam sa mga pamamalakad sa farm. "Pero nandito ka naman Sir," "Ako po?" "Wala naman ibang kapatid ang Ate n'yo." "Manang, h'wag na po muna ito ang pag-usapan natin." Pag-iiba na lamang nito ng usapan. "Sapat na ba ang lahat ng pagkain para bukas? Baka kulangin po tayo." "Sapat na po Sir, ako mismo ang nag-asikaso sa lahat. Kaya sigurado ako na sapat at sobra pa nga ang mga pagkain. "Ikaw ang inaasahan namin ngayon Sir, si señorita Alizhah ay bata pa para sa pamamahala dito." Hindi na ito sinagot pa ni DIC. Dahil ayaw n'ya din naman magbigay ng salita na hindi n'ya mapapanindigan. "Manang, nandito po pala kayo. Pinapatawag kasi kayo sa kusina." tawag ng isa sa mga kasamahan nito na naninibilhan din sa mansyon. "Ganoon ba, Sir maiwan na kita dito. May mga niluluto pa din kasi sa kusina." "Sige, may maitutulong ba ako sa in'yo?" "Kaya na po namin." Naglakad na ang dalawang kasambahay papunta sa kusina. At doon naman ay tumutulong din pala si Triztan. "Sir, ano po ang ginagawa n'yo dito?" tanong ni Manang ng makita n'ya ito. "Pinapaalis nga po namin s'ya Manang,pero mapilit po si sir at gusto n'ya daw tumulong sa amin." Sagot ni Lourdes. Ang isa sa mga kasambahay. "Hayaan n'yo na po ako dito Manang." "Pero Sir, bisita po kayo ni Sir DIC. Nakakahiya naman kung tutulong pa kayo dito sa kusina. Kaya na namin ang mga gagawin dito at lulutuin." Sabi pa ni Manang. "Hindi naman po ako manggugulo. Marunong din akong magluto." Pangungulit pa ng binata na kumindat pa kay Lourdes. Napansin din ito ni Manang na napailing-iling na lang. "Bahala ka po Sir." tanging nasabi na lang nito. Dahil sa tingin kahit anong taboy n'ya sa binatang kaibigan ng amo ay hindi din naman ito aalis sa kusina. "Matagal na ba kayong naninilbihan dito?" tanong ni Triztan sa dalagang kasambahay." "Ako po nasa dalawang taon pa lang. At nagpapasalamat ako dahil sobrang bait ni señorita Cassandra,dahil bukod sa buong sahod ko ang ibinibigay sa tuwing sahuran ay pinag-aaral n'ya din ako. Kaya ngayon ay hindi ko na alam kung makakapag-aral pa ba ako."sagot ni Lourdes sa malungkot na tono ng boses nito. "Napakabait talaga n'ya. Kaya naman mahal na mahal n'yo s'ya." "Kung sa mabait ay sobra pa sa sobra ang kabaitan n'ya. Kaya naman mas lalo pa na ibinibigay sa kan'ya ang blessing. Halos doble ang harvest sa mga fond ng seafoods." "Ganoon talaga, kapag mapagbigay ang isang tao ay mas malaki ang balik." "Lourdes, hiwain mo nga ang mga ito sa katamtaman lang na laki." utos ni Manang na agad naman kumilos ito para kunin ang mga gulay na gagayatin. "Tulungan na kita," "Sigurado ka ba Sir na marunong ka? Baka mamaya ay iba-iba ang pagkakagayat mo." "Ito naman parang walang tiwala. Marunong nga ako." Natatawang sabi ni Triztan. "Ito sa'yo Sir, hati tayo ng hihiwain para mabilis." ****** Habang si Alizhah naman ay nagpunta na muna sa silid ng Mama Cassandra n'ya. Halos ilang araw din na hindi s'ya pumasok dito. Dahil nami-miss n'ya lang ang mga araw na kasama n'ya pa ang ina. Sa tuwing uuwi kasi s'ya ay palaging sa kwarto nito natutulog. Naglakad ito papunta sa malaking cabinet. Nandoon pa ang lahat ng gamit nito na ayaw n'ya munang ipagalaw sa kahit na kanino. Pinagmasdan n'ya ito. Umikot s'ya at nakita naman ang litrato ng Ina na kasama ito na nakalagay sa bedside table nito. Lumapit s'ya dito at naupo sa kama. Kinuha n'ya ang litrato nito na nakangiti pa habang nakayakap sa kan'ya.. "Ma,bumalik ka na lang please!" umiiyak na pakiusap nito. Niyakap n'ya ang litrato at dahan-dahan na nahiga sa kama. Iniisip nito kung buhay pa sana ang Ina ay kasama n'ya itong nakahiga sa kama. Naamoy n'ya ang natural na amoy ng ina sa loob ng kwarto nito. Kaya mas lalo s'yang nakaramdam ng pangungulila. Hanggang sa hindi nito namalayan na nakatulog na pala s'ya na may luha sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD