CHAPTER: 10

1841 Words
"Dito po, naghihintay na si Doc sa in'yo sa loob."magalang na sabi ng nurse. "Salamat." Naglakad na ang nurse. Habang si Alizhah naman ay kumatok ng marahan sa pinto. Bahagya na din na bukas ito. Kaya naririnig s'ya ng tao sa loob. "Come in!" dinig n'yang sabi ng baritonong boses. Dahan-dahan n'yang tuluyan na binuksan ang pinto. "Pinapatawag n'yo daw po ako?" Nag-angat ng tingin ang doktor na nakatingin sa kan'yang laptop. "Ikaw na ba ang anak ni Ma'am Cassandra?" "Ako nga po." "Maupo ka." "Doc,kung anuman po ang in'yong sasabihin sa akin ay sana pakibilisan. Kailangan pa ako ni Mama." "Mabilis lang ito Ms. Herrera." Naupo naman si Alizhah at hinintay ang mga sasabihin ng doktor ng kan'yang Ina. “I know it’s hard for you because of what happened to your mother. Pero kailangan mo na malaman na halos isang buwan na s'yang lumalaban sa sakit n'ya." "Ano po ba talaga ang sakit ni Mama?" "May acute myeloid leukemia ang Mama mo. Hindi na din talaga kinaya ng gamot. At ayaw naman ng pasyente na dumaan sa chemotherapy."napatingin si Alizhah sa doktor na tila ba hindi makapaniwala sa itinuran nito. "Bakit hindi mo s'ya pinilit Doc? Ikaw ang nakakaalam kung anung makakabuti para kay mama."puno ng panunumbat na wika ni Alizhah. Wala na s'yang pakialam kung doktor pa ang kan'yang kaharap. "Hindi ko maaring gawin 'yun. Ang mama mo pa din ang masusunod." "Ito lang ba ang sasabihin mo doc? Dahil kung wala na ay babalik na ako sa mama ko. Sana lang ay kinaya ng konsensya mo na hayaan ang iyong pasyente na magdusa sa sakit n'ya." "Ms. Herrera, naiintindihan ko na masakit para sa'yo ang nangyari,pero sana naman ay igalang mo pa din ako. Hindi ko naman pinabayaan ang mama mo. Sa tuwing check up n'ya ay ako mismo ang personal na tumingin sa kan'ya. Kaya alam ko kung gaano s'ya kalakas na kinaya n'ya ang sakit. Kita ko sa kan'ya sa bawat pagpunta n'ya dito na lumalaban s'ya." "I know, matapang ang mama ko." naiiyak na sabi ni Alizhah naglakad na ito palabas ng opisina ng doktor ng mama n'ya. "Alizhah, dinala na ang mama mo sa morgue. Kailangan mo na din asikasuhin ang bill ng Mama mo dito sa hospital." "Manang, bakit ganoon? Bakit kailangan na itago ni Mama ang sakit n'ya sa akin? Bakit hindi man lang n'ya sinabi? Sana nung mga panahon na nahihirapan s'ya ay nasa tabi n'ya ako." "Hija, ano ba talaga ang sakit ng mama mo? At bakit may mga pasa s'ya sa katawan?" "May acute myeloid leukemia s'ya. Isang sakit sa dugo. At huli na din ng malaman n'ya ito. Ang hirap! hirap siguro ng mga araw na sinu-survive ni Mama. At sa bawat araw yun ay dapat nasa tabi n'ya sko." Napahawak sa kan'yang bibig si Manang Merly. Hindi n'ya man lang napansin na may malubhang sakit na pala ang kan'yang amo na ini-inda. "Patawarin mo ako Hija,kung hindi ko man lang napansin na may sakit na pala ang Mama mo. Pero lately ay lagi lamang s'ya na nakasuot ng mahabang damit. Yun pala ay dahil may itinatago s'ya sa atin. Hindi naman ako nagtaka sa mga isinusuot n'ya,dahil taglamig naman talaga ngayon." "Hindi mo kailangan na humingi ng tawad Manang,dahil kung ako nga na anak n'ya ay hindi man lang napansin na may sakit s'ya. Dahil sa tuwing nakakasama ko ito ay masigla naman s'ya. Magandang kumain, kaya kahit sino ay hindi iisipin na may sakit ito." "Hija, kailangan mo na kayanin ang nangyari sa Mama mo. Kahit alam ko na mahirap ito para sa'yo." "Manang, hindi ko alam kung saan ba ako nagsisimula? Ang hirap! Para bang gusto ko na lang din ay mamatay ngayon, para magkasama na kami ni Mama." "Alizhah, h'wag mong sabihin 'yan! Hindi gugustuhin ng mama mo ang iniisip mo. Kaya nga mas pinili n'yang itago ang lahat. Dahil ayaw n'yang nahihirapan ka. Kaya h'wag mo iisipin ang mga bagay na 'yan. Lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay may dahilan." Niyakap ni Manang ang dalaga. "Kung hindi mo kayang asikasuhin ang bill ng Mama mo ay si attorney na lamang ang mag-aasikaso." "Gusto ko na makita si Mama." "Halika puntahan natin s'ya." Nang makarating sa morgue ay muling niyakap ng dalaga ang walang buhay na ina. "Mama! Mama, gumising ka na please!" Pagtangis ni Alizhah ang maririnig at dama mo sa bawat binibitawan n'yang salita ang sakit na nararamdaman nito. "Manang!" Napalingon ang kasambahay sa pamilyar na boses na tumawag sa kan'ya. Kayo pala Attorney, salamat at mabilis kayong nakapunta dito." "Nasettle ko na ang hospital bill ni Señorita Cassandra." malungkot na sabi nito. Ramdam ng kasambahay na may pagtingin ito sa kan'yang amo. Dahil sa tuwing may problema sa farm ay palagi itong nakaalalay. Kita n'ya ay sakit sa mga mata nito na nakatingin sa walang buhay na amo n'ya. "Anong nangyari? Bakit hindi n'yo agad ako tinawagan kanina?" "Nataranta na kami Attorney, kaya hindi agad kita natawagan." "Alizhah,nandito na si attorney." Lumingon naman ang dalaga. "Ninong, alam mo ba ang sakit ni Mama?" Tanong ni Alizhah sa kan'yang Ninong Levi." Uniwas ito ng tingin. "Ninong sagutin mo ako? Alam mo ba na may sakit na leukemia si Mama?" Ulit pang tanong ng dalaga. "Oo,nitong nakaraan na linggo ko lang din malaman ang lahat Alizhah. Kinompronta ko ang mama mo. Pero huli na din ang lahat. Agresibo ang sakit n'ya. At ayaw n'ya din na magpa- chemotherapy. Naisip ko na din na maaring magpa bone marrow transplant s'ya. Pero ayaw n'ya talaga." "Bakit matagal mo na pala na alam! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"may hinanakit na tanong nito. "Gustuhin ko man na sabihin ay palagi akong pinipigilan ng Mama mo. Mahal na mahal ka ng Mama mo Alizhah,kaya mas pipiliin n'ya na harapin ang sakit n'ya ng mag-isa. I'm sorry, sinunod ko lang ang gusto ng Mama mo." "Bakit lahat na lang kayo naglilihim sa akin?" "Hija,tama na 'yan. Kailangan ng kunin ng punerarya ang labi ng Mama mo." Inalalayan ito ni Manang Merly. Sumunod sila kumuha kay Cassandra. Hanggang sa maiuwi nila ito sa mansyon. END OF FLASHBACK'S "MANANG, hindi naman ako nagugutom. Dito na po muna ako kay Mama." "Haliyah,kahit sopas ay kumain ka para naman mainitan ang t'yan mo. Gusto mo ba ng gatas? Ipagtitimpla kita? Anu ba ang gusto mong kainin at iluluto ko. Sa tingin mo ba matutuwa ang Mama mo sa ginagawa mo sa'yong sarili?" "Sopas na lang po Manang, alam ko na pagod na din kayong lahat. At nagpapasalamat ako. Dahil hindi n'yo ako pinabayaan. Kasi_ hanggang ngayon ang sakit pa din. Ni hindi ko alam kung paano ako matutulog na hindi naririnig ang boses ni Mama na kahit sa cellphone lang ay tatawagan n'ya ako para ipaalala sa akin na magpahinga na. Kung paanong ipaalala n'ya sa akin ang mga dapat kung gawin na kahit malaki na ako ay nand'yan pa din s'ya. Pero ngayon na iniwan n'ya na ako." Naiiyak na sabi ni Alizhah. Isang linggo na ang lumipas mula ng mamatay ang Mama n'ya. At sa mga nakalipas na araw ay dumating naman at nakilala n'ya ang kan'yang Uncle DIC na kabaliktaran ng ugali ng mama n'ya. Napakasungit kasi nito sa kan'ya na kahit na naglalambing s'ya ay nagsusungit pa din na akala mo ay babaeng may regla. "Sopas, para sa'yo ganda." "Sir Triztan, may dala ka na pa lang sopas." "Opo Manang, para naman hindi na makatanggi itong alaga n'yo sa pagkain." "Nakakahiya naman po sa in'yo Tito." "Ouch!" kunwaring nasasaktan na nakahawak pa sa kan'yang dibdib si Triztan. "Bakit po may masakit ba sa in'yo?"agad na napatayo naman si Alizhah mula sa pagkakaupo nito. "Oo, dito?" "Patingin nga po, bakit masakit? May sakit ba kayo?" "Wala akong sakit, kaya lang ginawa mo naman ako na sobrang tanda." "Nakakainis ka naman po! Ang akala ko talaga ay may kung anung masakit na sa in'yo!" sabay tulak nito na ikinatawa lamang ni Triztan. "Ikaw naman kasi, sa dami ng itatawag mo sa akin ay Tito pa talaga. P'wede naman na Kuya Triztan na lang." Sabi nito na may ngiti sa kan'yang mga labi. Natawa naman si Manang sa kaibigan ng kan'yang Sir DIC. At natutuwa din s'ya na kahit paano ay ngumingiti na ang dalaga. "Ikaw talaga Sir Triztan, halata sa mga galawan mo ang pagiging playboy!" "Ay, grabe ka sa akin Manang, paano mo naman nasabing playboy ako? Porke ba ako ay magandang lalaki na hinahabol-habol ng mga kababaihan?" Natawa ng sabay si Alizhah at Manang,dahil sa kakulitan ni Triztan. "Kakain na nga ako, ito kasing si ti_ I mean Kuya Triztan pala sobrang mapagbiro." "At least napatawag kita ganda. Palagi na lang kasi na umiiyak ka. O kaya naman tulala. Tandaan mo na kung may mga ganitong nangyari man sa buhay mo ay hindi dapat huminto ang buhay mo. Kailangan nga ay maging mas matatag ka para sa mama mo." "Opo, salamat Kuya." "Ayan mas masarap pakinggan kung Kuya lang ang tawag mo sa akin. By the way maiba ako. Nag-aaral ka ba?" "Opo, first year college." Sagot ni Alizhah na itinigil muna ang paghigop ng mainit na sopas. "Maiwan ko na muna kayo. Alizhah ubusin mo ang pagkain mo nangangayayat ka na." "Opo Manang." "Ako na ang bahala sa kan'ya Manang,kapag hindi inubos ay susubuan ko ng sapilitan." Pabirong sabi pa ni Triztan. "Kuya!" "Oh! Bakit ayaw mo ba na subuan kita? Kaya kumain ka d'yan!" Natatawang naglakad na si Manang para asikasuhin ang mga dumadating na nakikiramay sa huling gabi ng lamay ng kan'yang amo. "Ano ba ang kurso mo?" "EARLY CHILDHOOD po." "Seryoso ka d'yan sa kurso mo? Parang ang hirap naman n'yan!" "Hindi naman po mahirap para sa akin. Dahil ito naman talaga ang gusto ko. Mahilig kasi ako sa mga bata. Bakit n'yo naman naisip na mahirap?" "Dahil mga bata pa talaga ang tinuturuan mo sa kursong napili mo. Mahirap kasi kadalasan sa kanila ay mga iyakin pa." "Depende naman po 'yun sa nagtuturo sa kanila. At matyaga ako sa mga bata. Kaya kakayanin ko naman ang trabaho na napili ko." "Matagal na po ba kayong magkaibigan ni Uncle DIC?" "Matagal na since first year college ay magkaibigan na kami. Kaya para na din kaming magkapatid ng Uncle mo na pinaglihi sa sama ng loob." Natawa naman ang dalaga sa sinabi ni Triztan. "Lagot ka Kuya, kapag narinig ni Uncle yang sinasabi mo." "Kahit marinig n'ya ay totoo naman ang sinasabi ko. Bakit sa'yo ba hindi nagsusungit?" "Madalas nga po. Parang allergic nga s'ya sa akin. Akala mo ay may babae kung magsungit. Wala naman akong ginagawa para maging ganoon s'ya sa akin." "Masasanay ka din sa ugali ng Uncle mo. Gan'yan lang talaga s'ya. Pero mabait yan lalo na kapag tulog." Hanggang sa natapos kumain si Alizhah ay nagkwekwentuhan pa din sila ni Triztan. "Bruuhhh." "Oh, di ba nabusog ka!" "Baka naman gusto n'yo na igalang ang BUROL ni Ate Cassandra." masungit na sabi ni DIC na hindi napansin ng dalawa na makalapit na pala sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD