THIRD PERSON P.O.V
"Alizhah, kumain ka na muna Hija, hindi ka na naman kumain ka kanina. Baka naman ikaw ang magkasakit dahil sa ginagawa mo sa iyong sarili."Nag-aalalang sabi ni Manang Merly sa kan'yang alaga na ngayon ay nakita n'ya na namang nakatingin sa buhay na mommy nito. Alam n'ya kung gaano ito malapit sa kan'yang Ina. Kaya naman ngayong wala na ito ay sobrang hirap para sa dalaga na tanggapin ang lahat. Naalala pa ng pinagkakatiwalaan na kasambahay kung anu ang nangyari noong araw na bigla na lamang ay nawalan ng malay ang kan'yang amo. Maging s'ya ay hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon na sa isang iglap ay iiwan sila nito.
FLASHBACK'S ONE WEEK AGO
"Señorita, may iuutos pa po ba kayo?"
"Wala na Manang, ipagtimpla mo na lamang ako ng masarap na tsaa na palagi mo na itinitimpla sa akin."
"Sige po. Kumusta na po ang in'yong pakiramdam?" Muling tanong pa ng kasambahay kay Cassandra. Madalas kasi ay nahihilo ito.
"Okay po ako, wala kayong dapat na ipag-alala sa akin. Nagpacheck up naman ako. At ang sabi ni doc ay dala lamang ito ng pagod. Pahinga lamang ang aking kailanganz."
"Masyado n'yo naman kasing pinapagod ang in'yong sarili. Maari naman na kami na lamang at ang mg tauhan n'yo dito sa farm ang kumilos."
"Hindi naman p'wede 'yun. Kailangan ko pa din na ma-monitor ang lahat para maging maayos ang daloy ng lahat dito pati na din ang sahod n'yo Manang."
"Pero h'wag mo naman sagadin ang iyong sarili sa trabaho."
"Hindi naman po."
"Mama,tama si Manang, dapat po ay may sapat ka pa din na pahinga. Minsan kasi ay sumasama ka pa sa pagdeliver."sabi naman ng anak ni Cassandra na narinig pala ang pinag-uusapan nila ng kanilang kasambahay.
"Anak, sa ganitong trabaho ay dapat alam natin ang lahat ng pasikot. Paano kung biglang magkasakit si Mang Ben. At marami tayong deliver ng mga gulay at seafood. Hindi kakayanin ng ibang drivers kung lahat ay sa kanila. Dahil may kan'ya kan'yang area sila. Hindi din maaring madelay ang deliver ng mga fresh milk natin. Dahil importante ang mga 'yun. Kaya naman anak, sana maintindihan mo kung bakit lahat ay inaral ko."
"Pati pagiging driver at delivery Ma"
"Anak, dapat ay lahat alam natin,kahit gaano pa kahirap. Dahil ito ang negosyo ng Lolo at Lola mo na hindi ko maari pabayaan. Kaya nga bata ka pa lamang ay ipinapakita at itinuturo ko na sa'yo ang lahat ng dapat mong matutunan."
"Ayan ka na naman Ma, kapag gan'yan ka ay nakakaramdam ako ng kaba."
"Maiwan ko na muna kayong dalawa at magluluto pa ako ng mga pagkain ng trabahador." paalam ni Manang Merly sa mag-ina.
"Sige po Manang, maraming salamat dahil hanggang ngayon ay hindi ka napapagod na pagsilbihan kami."
"Parte na kayo ng aking buhay señorita,kaya naman hangga't kaya ko pa ay magsisilbi ako sa in'yo. Sa katulad n'yo na amo ay maraming magtatagal na trabahador. Tingnan mo maging ang mga trabahador natin sa farm ay hindi umaalis dahil sa patas na pasahod n'yo. Maayos ang buhay ng mga taong nagtratrabaho sa pamilya n'yo. Kaya paano kami aalis? Kung sapat naman kahit paano ang kinikita namin sa paninilbihan sa pamilya n'yo."
Napangiti si Cassandra sa mga itinuran ng kanilang kasambahay.
"Oh, baka naman mag-iiyakan pa kayo ni Manang, Ma!"
"Ano ba ang gusto mo na almusal Alizhah?"
"Sinangag po Manang,at fresh with fresh na gulay na din. At pakisamahan na din ng tuyo."agad na sagot ng dalaga. Dahil nga ilang araw din itong hindi nakauwi dahil sa nag-aaral ito sa bayan ng Santa Fe. Doon ay may apartment lamang ito na tinutuluyan. Dahil nga ayaw din ni Cassandra na mapagod ito sa araw-araw na byahe. First year college na si Alizhah sa kursong early childhood education. Mahilig kasi ito sa mga bata. Kaya naman hinayaan na ito ng mama na kunin ang kurso na gusto n'ya.
"Ako din Manang,ganoon din ang gusto ko."
"Masarap talaga 'yun Ma, halos puro lutong ulam lang kasi ang nakakain ko sa apartment."
"Kaya nga kapag nandito ka ay kumain ka ng kumain. Tingnan mo ang iyong sarili. Namamayat ka na. Baka naman hindi ka talaga kumakain Alizhah?"
"Ma, kumakain po ako sa tamang oras. Tulad ng palagi n'yo na paalala sa akin ay hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko."
"Alam mo naman na ayaw ko sa lahat ay nagpapabaya ka sa sarili mo."
"Opo, halika ka Ma, maglakad-lakad na lang tayo. Para naman ma- exercise itong katawan ko."
"S-sige!"
"Ma okay lang ba?"nag-aalalang tanong ni Alizhah sa kan'yang Ina. Napansin n'ya kasi na hinawakan nito ang kan'yang ulo."
"O-okay lang, med'yo nahilo lang."
"Sigurado ka ba d'yan Ma, baka naman may hindi ka sinasabi sa akin? Palagi mo akong pinapaalalahanan na nngatan ko ang aking sarili. Pero baka naman ang sarili mo ang napapabayaan?"
"Señorita,okay ka lang ba talaga?" tanong din ni Manang na hindi pa nakakalayo sa kanila. At dahil narinig nito ang nag-aalalang tinig ni Alizhah ay nagpabalik ito.
"Okay lang po a__," hindi na natapos ni Cassandra ang kan'yang sasabihin pa dahil sa tuluyan ng nagdilim ang paligid nito.
"Ma! Ma!" sigaw ni Alizhah habang tinatawag ang kan'yang Ina.
"Señorita! Señorita!" tawag din ni Manang Merly natataranta na sa nangyayari sa amo n'ya na ngayon ay wala ng malay.
"Manang, tawagin mo Mang Ben, kailangan natin madala agad si Mama hospital."
"Sandali lang at tatawagin ko." mabilis itong kumilos lakad takbo ang ginawa nito.
"Ben! Ben!" tawag nito sa driver na matagal na din na namamasukan sa mga Herrera.
"Manang Merly, nandito ako. Bakit naman kung makasigaw ka ay parang emergency na?"
"Emergency talaga Ben, si señorita Cassandra ay hinimatay. Bilisan mo at baka kung anung mangyari sa amo natin."
"Sandali lang at kukunin ko ang susi." sabi pa ni Mang Ben na nagsusuot ng kan'yang damit pang-itaas. Tila kakagising lang din nito.
Nang makuha nito ang susi ay mabilis silang bumalik kung nasaan ang mag-ina.
"Ma,gumising ka please!" umiiyak na pakiusap ni Alizhah. Hindi n'ya alam kung anung nararamdaman ng kan'yang Ina sa mga nakalipas na buwan,dahil abala din s'ya sa kan'yang pag-aaral. Ang tanging alam n'ya ay okay lang ang kalusugan nito. Katulad ng palagi nitong sagot sa kan'ya.
"Alizhah."
Tawag ni Manang Merly dito.
Agad naman na kumilos si Mang Ben para kargahin si Cassandra.
"Manang, si Mama."
"Ssshh! Tahan na Hija, magiging okay ang mama mo."
Pag-aalo nito sa kan'yang alaga. Kahit na maging s'ya ay nag-aalala at kinakabahan sa nangyayari.
Naglakad sila papunta sa kotse.
"Mauna kang pumasok sa loob Alizhah,para ang ulo ng mama mo ay alalahayan." UTos ni Mang Ben sa dalaga na agad naman tumalima.
Maingat naman na inihiga ni Mang Ben sa loob ng kotse ang walang malay na amo na pakiramdam n'ya ay mahina na din ang pulso nito. Ayaw n'ya lang sabihin sa anak nito.
Sumakay na ito sa kotse at mabilis na pinaandar.
"Manang, ano po ba ang sakit ni Mama?"
"Hindi ko din alam Hija, kapag tinatanong ko ang mama mo ay palagi n'ya lang na sinasabi sa akin. Nitong nakaraan ay nagpa check up na naman s'ya."
"Kailan? Bakit hindi ko alam?"
"Dahil ayaw n'ya na mag-alala ka pa sa kan'ya Hija, dahil nga gusto ng mama mo ay magpukos ka lamang sa iyong pag-aaral. Alam mo naman ugali n'ya."
"Mang Ben, pakibilisan po."
"Señorita Alizhah, binibilisan ko na po."
"Baka mamaya ay may sakit na si mama na hindi n'ya sinasabi sa atin."samu't saring emosyon ang nasa isip ni Alizhah.
Nang makarating sa private hospital ay agad na kumilos si Mang Ben. Kinarga nitong muli si Cassandra.
Ang nurse na nakasalubong nila ay mabilis din ang naging kilos. Agad na tinawagan ang nakaduty na doktor sa hospital.
"Ma'am,hindi na po kayo maari sa loob."
"Bakit hindi? Kailangan ako ni Mama." umiiyak na sabi ni Alizhah na nagpupumilit na makapasok sa emergency room.
"Ma'am, kami na po ang bahala sa mama n'yo." pakiusap pa ng nurse.
Si Mang Ben naman at Manang Merly ay pinigilan na si Alizhah na makipagtalo pa sa nurse. Naaawa sila sa kalagayan nito. Pero wala silang magagawa kun'di ang maghintay.
"Hija, huminahon ka."
"Manang, paano ako hihinahon? Walang malay si mama. At hindi natin alam kung bakit s'ya nagkakaganito!"
Niyakap ni Manang Merly ang kan'yang alaga.
**********
Habang sa loob ng emergency ay agad naman na chineck si Cassandra.
Pero napailing na lang ang doktor at nurse,dahil kahit anong gawin nila ay hindi na kinaya pa ng katawan ni Cassandra. Mahina na ang pulso nito ng madala sa hospital.
Lumabas ang doctor.
"Doc, kamusta po Mama?" Agad na tanong ni Alizhah na gusto ng makita ang mama n'ya.
"I'm sorry, pero hindi na kinaya ng pasyente."
"Anong ibig mong sabihin Doc? Buhay naman si Mama di ba?"
Pasigaw na tanong ni Alizhah dito.
Napayuko ang doktor dahil ramdam n'ya ang bigat na nararamdaman ng dalaga.
"Doc,may record na pala sa atin ang pasyente. Regular patient s'ya ni Doctor Salazar."
Sabi ng nurse na may hawak ng medical records ni Cassandra.
Pero wala ng pakialam sa kanila si Alizhah, diretso itong pumasok sa loob ng emergency room.
"Ma! Mama!" Umiiyak na tawag nito ng makalapit sa wala ng buhay na si Cassandra.
"Ma gumising ka! Hindi ka pwedeng mawala sa akin! Ma!"
Habang sila Mang Ben at Manang Merly naman ay hinayaan na lamang ang dalaga. Dahil maging sila ay nanghihina na din sa nangyari sa kanilang amo.
"Ben,alam mo na gagawin mo. Umuwi ka muna sa farm. Ako na ang bahala dito. At ibalita mo na din ang nangyari kay señorita." Hindi na din napigilan ni Manang Merly ang kan'yang emosyon. Hindi n'ya kayang tanggapin ang nangyari sa kan'yang amo.
"Manang Merly, bakit kay señorita Cassandra pa nangyari ito? Napakabuti n'yang tao."
"Hindi ko masasagot ang tanong mo Ben, pero sundin mo na lang muna ang utos ko."
"Opo."
Lumapit naman si Manang Merly kay Alizhah at niyakap ang dalaga.
"Manang,bakit si Mama pa? Marami naman iba d'yan na masasamang tao? Bakit ang mama ko pa? Wala naman s'yang ibang ginawa kun'di ang tumulong sa kapwa n'ya at maging mabuting ina sa akin. Pero bakit s'ya pa?"
"Sino po sa in'yo ang kamag-anak ng namatay na pasyente?" malungkot na tanong ng nurse.
Kahit na ayaw pa bitawan ni Alizhah sa pagkakayakap si Cassandra ay hinarap pa din nito ang nurse..
"Ako ang anak n'ya." tipid na sagot ng dalaga.
"Gusto daw po kayong makausap ni Doctor Salazar."
"Sino s'ya? S'ya ba ang doktor kanina na walang kwenta. Dahil hindi n'ya man nagawa na isalba ang buhay ni Mama?"
"Si Doctor Salazar ay isang espesyalista sa dugo at cancer.
"Bakit doktor sa dugo at kanser?"
"Opo, Hematologist- oncologist si Doctor Salazar. At hindi ko po masasagot ang tanong n'yo. Dahil tanging si Doc ang makakasagot sa mga tanong na gusto n'yo na magkaroon ng kasagutan. Maari po kayong sumunod sa akin sa opisina n'ya.
Paliwanag ng nurse na naglakad na palabas.
"Ako na muna ang bahala sa mama mo."
"Saglit lang ako ma, babalik agad ako."
Kausap pa ni Alizhah sa walang buhay na Ina. Para bang buhay pa din ito kung kausapin n'ya..
"Malalaman na natin ang totoong sakit ng mama mo na tila itinago n'ya lamang sa atin. Ganito kabuti ang iyong Ina na kahit nahihirapan na s'ya ay hindi n'ya ipinapakita sa atin."
"Babalik po agad ako Manang."
"Tatagan mo ang loob mo Hija."
"Opo." sumunod na ang dalaga sa nurse na naghihintay sa labas ng emergency room.
ITUTULOY......