ONE WEEK LATER
"s**t!" mahinang mura ko. Hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili kapag nasa malapit ang anak ng stepsister ko. Umuwi ako para asikasuhin ang libing nito. Dahil wala naman ibang gagawa nito. Wala din naman s'yang ibang kapatid maliban sa akin. At ang kan'yang huling sulat na iniwan ay gusto n'ya talaga na nandito ako.
"Uncle,okay ka lang po ba?" malambing na tanong pa nito sabay haplos sa aking mukha. Ang kan'yang maamong mukha na siguro ay sa ama nito nakuha na hindi ko naman kilala. Ni hindi ko nga alam na may anak pala ang stepsister ko. Dahil simula ng ikasal ang mga magulang namin ay tuluyan na din akong lumayo sa kanila. Natuto akong tumayo sa sarili Kong mga paa hanggang nakatapos ng college. At ngayon ay may stable at maayos na akong trabaho. Mas kilala din ako sa tawag na Captain,dahil edad ko na 35 ay naabot ko na ang aking pangarap.
"Okay ako." masungit na sagot ko dito. Mahigit isang linggo pa lang buhat ng umuwi ako. Pero parang gusto ko ng bumalik na lamang ulit sa s'yudad. Sa mga nakalipas na taon ay itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral. Nagkaroon man ng ilang mga karelasyon ay hindi din naman nagtatagal. Kaya umabot ako sa edad na ito na wala pa ding asawa.
"Ang sungit mo talaga!"sabi nito bago tuluyan na tumalikod. Lumapit ito sa kabaong ng mommy n'ya.
Naawa ako sa kan'ya. Lalo na kapag ganitong tinititigan n'ya ang wala ng buhay ko na kapatid. Naging close naman kami nito kahit na malayo ako sa kanila. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit itinago n'ya sa akin na may anak pala s'ya.
"Captain,matunaw 'yan!" napatingin ako sa nagsalita na walang iba kundi ang bestfriend ko na si Triztan.
"Gago! Pamangkin ko 'yan."
"Yung titig mo kasi!"
"Anong me'ron sa titig ko?"imbes na sagutin ang tanong ko ay ngumisi lang ang loko.
"ANO nga?"
"H'wag mo ng pansinin ang sinabi ko, ano na pala ang plano mo sa kan'ya?"
"Hindi ko pa alam."
"P'wede mo naman s'ya na isama sa bahay mo. Hindi mo naman maaring iwan mo s'ya dito sa probinsya. Ikaw din baka multuhin ka ng kapatid mo."
Sabi nito na may halong pananakot pa.
"Hindi s'ya p'wede sa bahay ko."
"Oh! Iiwan mo talaga s'ya dito? Sabagay, mabubuhay naman s'ya dito. Pero sa'yo s'ya inihabilin ng kapatid mo.
"Hindi din."
"Ang gulo mo kausap?"
"Paano ako naging magulo kausap?"
"Sabi mo hindi s'ya p'wede sa bahay mo,pero hindi mo din s'ya iiwan?"
"Ikukuha ko na lang s'ya ng apartment,kung saan maari s'yang manatili at mamonitor ko."
"Ayun naman pala! Pero hindi ka ba natatakot na baka kung anu ang gawin n'ya sa kan'yang sarili?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Baka lang naisipan ng isang 'yan na tapusin na din ang kan'yang sariling buhay. Dahil wala na din naman ang kapatid mo, hindi mo din naman alam kung sino ang ama n'ya. Kunsensya mo na lang Captain,kung sakali man na may gawin s'ya na hindi maganda."
Napaisip ako bigla sa sinabi nito, paano nga kaya kung may gawin ito na hindi maganda? Paano kung sakali nga na Iwan ko s'ya dito ay hindi n'ya naman kayanin ang pagkawala ng kan'yang Ina?
"Bahala na! Ang importante sa ngayon ay matapos at maayos na mailibing ang stepsister ko."
Tinapik naman ako nito sa aking balikat.
"Tulungan ko lang sila,at ikaw naman magpahinga ka din. Wala ka ng pahinga simula ng umuwi tayo dito."
"Kaya ko pa,babawi na lang kapag nakabalik na sa trabaho.".
"Trabaho na naman ang iniisip mo. Hindi ka ba napapagod? May maayos ka naman na buhay. Kahit nga hindi ka na magatrabaho ay mabubuhay naman kayo,Malawak pala ang farm ng mga magulang mo dito. Kaya ka din naman pala nilang pag-aralin. Pero nagtataka ako kung bakit mas pinili mo na pag-aralin ang sarili mo? Kung ganito na kayang-kaya ka naman nilang pag-aralin?"
Napatingin ako sa langit habang nakalagay ang mga kamay ko sa bulsa ng aking pantalon. Hindi madali ang lahat sa akin. Pero kinaya ko naman. Pinatunayan ko sa aking ama na kaya kong mabuhay,kahit na wala ang tulong n'ya.
"Ang hirap talagang kausapin ang taong misteryoso na kagaya mo. Dapat talaga hindi na ako nagtanong,Wala din naman akong makukuha na sagot."
Ibinalik ko ang tingin sa itinuring ko na bestfriend. Naging kasangga ko mula pa noong college at hanggang ngayon ay maasahan ko sa lahat ng oras.
"Okay lang,sanay na ako na gan'yan ka. Kapag ayaw mo na pag-usapan ang isang bagay ay tahimik ka lang talaga."
Ngumiti pa ito at naglakad na papunta sa mga taong nakikiramay sa amin. Napabuntong hininga naman ako.
Sa totoo lang simula ng dumating ako dito ay parang ayaw ko na manatili sa loob ng bahay. Naalala ko lang ang lahat-lahat ng nangyari noon. Kung bakit nawala si mommy sa amin? At kung bakit lumayo ng lubusan ang loob ko sa aking ama. Tumatak lahat sa akin. Kaya hanggang sa aking pagbibinata ay dala-dala ko ang sama ng loob sa namayapa ko na ama.
Ayaw ko man na sinungitan s'ya ay ito lang ang paraan para uniwas s'ya sa akin. Kaya lang ay sobrang malambing n'ya talaga. Simula ng dumating kami dito ay palagi n'ya akong tinatanong kung okay lang ba ako. Or kung may kailangan ba ako.
"Mr. Herrera, bukas na ang libing ng in'yong kapatid. Siguro naman ay maari na kitang makausap."
"Ano ba ang sasabihin mo, p'wede mo naman sabihin sa akin ngayon. Bakit ipagpapabukas pa 'yan!"
"Bukas na lamang,dahil kailangan ko kayong makausap ni Alizhah."
"Bakit pati s'ya ay kailangan mo na kausapin?"
"Dahil isa din s'yang Herrera at nag-iisang anak s'ya ng kapatid mo."
Napangisi ako.
"Magpapaalam na muna ako at babalik na lamang bukas para sa libing."
Naglakad na ito ay hindi naman ako nagsalita pa.
"Sir DIC, ito po ang kape." Napalingon ako ng lumapit si Manang na may dalang kape.
"Salamat po."sabi ko at hindi naman ito umalis na para bang maliban sa pagdadala nito ng kape sa akin ay may iba pa s'yang gustong sabihin.
"Manang,may sasabihin ka pa ba?" tanong ko dito. Si Manang Merly ay matagal ng naninilbihan sa amin. At isa s'ya sa pinagkakatiwalaan ni Dad maging ni Mom noon. Kaya nga nagpapasalamat ako na hanggang ngayon ay nandito pa din s'ya at nagsisilbi sa pamilya namin.
"Sir, hindi naman po sa nanghihimasok ako. Pero ano po ang plano n'yo after ng libing ni señorita?"
"Babalik sa trabaho ko Manang." sagot ko dito na walang pagdadalawang isip.
"Paano po itong farm? Sino ang namahala dito?"
"Maari n'yo naman itong pamahalaan Manang, marami naman ang tapat na tauhan ni dad. Kaya hindi kayo mahihirapan."
"Sir, sana ay mapag-isipan mo ang lahat ng iyong desisyon. Sige at aasikasuhin ko na muna ang mga nakikiramay."