CHAPTER: 7

1500 Words
"Sandali lang." Inilayo ko ang dalaga sa akin. "Bakit po?" "Anak ka ni Ate Cassandra?" Imbes na sagutin ko ang tanong n'ya ay tinanong ko din ito. "Opo." "Paanong may anak si Ate?" "Sir DIC, halos dalawampung taon ka na hindi umuwi dito sa atin. Kaya naman maraming mga nangyari mula ng mamatay ang inyong ama. Isa na dito si Alizhah, s'ya ang nag-iisang anak ng nakakatanda mong kapatid."paliwanag ni Manang. "Bro, hinaan mo naman ang boses mo. Natatakot na sa'yo ang pamangkin mo."sabi ni Triztan ng pabulong sa akin. Lumayo na din sa akin ang anak ni Ate. "Sir DIC, ang mabuti pa ay magpahinga muna kayo ng inyong kasama." "Hindi ko kailangan ng pahinga Manang, at kaya ako umuwi dito ay para kumpirmahin ang totoong nangyari sa ate Cassandra." "Ako na po ang magpapaliwanag sa in'yo." "Hindi ikaw ang kinakausap ko. Kaya p'wede ba na h'wag kang makisali sa usapan."masungit na sabi ko sa anak ni Ate. Mukha naman itong mabait. Pero may kakaiba sa kan'ya na parang ayaw kong lumapit s'ya sa akin. "Pumasok ka na muna sa kwarto mo Alizhah, ako na ang bahala sa Uncle mo."mahinahon na utos dito ni Manang, hindi ko alam kung ilan taon na ang anak ni Ate. At kung sino ang ama nito. Agad naman itong sumunod at tumingin pa sa akin. Ngumiti ito ng pilit. Naglakad ito papunta sa hagdan. "Sir DIC, maari ba na h'wag mo naman sungitan si Alizhah, mabait na bata ang anak ng Ate mo." "Tama si Manang, bakit naman ang init agad ng ulo mo sa kan'ya. Buti nga niyakap ka agad pagdating natin." "P'wede ba Triztan, manahimik ka din. Kahit ngayon lang please." "Bakit pati sa akin badtrip ka na din?"nagtatampong sabi nito. "H'wag mong idaan sa init ng ulo ang problema Sir." "Ano po ba ang nangyari sa ate Cassandra?" "Halika at maupo." Sumunod naman ako dito. "DIC, sa labas na muna ako." Paalam ni Triztan sa akin na tinanguan ko lang din. "Sir DIC, simula ng mamatay ang ama n'yo ay iyon din ang huling pagpunta mo dito sa mansyon. At kung hindi ka pa kinulit ni Ma'am Cassandra ay hindi ka uuwi." "Manang, ang gusto ko na malaman ay kung anung nangyari kay Ate?" "Ang ate mo ay may matagal na pa lang ini-inda na sakit na hindi n'ya man lang sinasabi sa akin. O maging kay Alizhah ay itinago n'ya din ang kan'yang sakit." "Sakit?" "May leukemia kapatid mo. At itinago n'ya ito sa amin sa loob ng maraming taon. Ang akala n'ya kasi ay magagamot pa s'ya. Pero huli na din ang lahat ng malaman n'ya ang sakit n'ya. Kaya naman ang mga natitirang oras n'ya ay kan'yang inilaan sa farm maging sa kan'yang nag-iisang anak na alam na lahat ang trabaho dito."mahabang paliwanag ni Manang. "Ang akala namin na simpleng mga pasa n'ya ay normal na palagi n'ya din sinasabi sa amin. Ang madalas na pagkahilo na palagi n'ya din sinasabi na pagod lang s'ya at kailangan lang ng pahinga. Pero nitong nakaraan ay bigla na lamang s'yang nawalan ng malay. Isinugod namin s'ya sa hospital. Pero huli na ang lahat. Kaya maging kami man ay hindi matanggap ang pagkawala n'ya. Marami ang umaasa sa kapatid mo. Lalo na kaming mga naging malapit talaga sa kan'ya. Itinuring n'ya kami na hindi ibang tao. At ngayon ay umuwi ka nga pero wala ng buhay ang kapatid mo na palaging kakampi mo noon. Sir, hindi naman kita sinusumbatan. Pero sana man lang ay naisipan mo din na umuwi noon pa dito sa atin." Dugtong pa ni Manang. Sa mga ipinaliwanag nito sa akin ay wala akong masabi. Dahil tama naman s'ya. Wala akong ibang hinangad kun'di ang mapatunayan ang aking sarili. Kahit pa nga wala na si Dad. "H'wag ka na din magtaka Sir,kung bakit simula ng mamatay ang daddy n'yo ay hindi na din kumuntak pa sa'yo ang Ate mo. Ayaw n'ya kasing makaabala. Kaya wala ka din alam sa mga nangyari sa buhay n'ya." "Si Alizhah, sino ang ama n'ya? Nasaan ang asawa ng Ate Cassandra?" "Hindi ko masasagot ang tanong mo na 'yan." "Bakit hindi? Kayo ang nakakasama ni Ate sa loob ng mahabang panahon, kaya paanong hindi n'yo alam kung sino ang ama n'ya?" "Sa usapin na 'yan ay wala na akong maiisagot pa sa'yo Sir." mahinahon na sagot nito. "Ilang taon na s'ya?" "Kakatapos lamang ng eighteen birthday ni Alizhah. May iba pa na itatanong kayo sa akin. Dahil kung wala na ay babalik na ako sa labas. Marami ang mga taong nandito at nakikiramay sa pagkawala ng inyong kapatid." "Wala na po." "Sir, ang tanging pakiusap ko lamang sa'yo ay h'wag mo naman sungitan si Alizhah, halos hindi nga nakakatulog ang batang 'yun. Lagi na lang ay umiiyak. Pinipilit ko na nga lang din s'ya na pakainin." Tumango ako sa kan'yang sinabi. Sa totoo lang ay hindi ko pa din alam kung paano ba pakikisamahan ang anak ni Ate. Lumapit ako sa kabaong ni Ate. Pinagmasdab ko ito. At aking napansin na namayat din ito. Pero kahit payat s'ya ay sobrang ganda pa din n'ya. "Ate, bakit naman hindi ka tumawag sa akin? May nararamdaman ka na pala?" naiiyak na tanong ko sa kan'ya. Gusto ko na buksan ang kabaong at yakapin s'ya ng mahigpit. Sabihin sa kan'ya na nandito na ako. "Bakit naman iniwan mo ako?" "Nakauwi ka na pala Mr. Herrera."mula sa pagkakatingin kay Ate ay nabaling ang aking atensyon sa nagsalita. "Siguro naman ay kilala mo pa din ako?" "Oo, anong kailangan mo attorney?" S'ya ang family lawyer ng aming pamilya na s'yang tumawag sa akin. Para sabihin ang nangyari kay Ate. "Ang akala ko ay hindi ka talaga maniniwala sa mga sinabi ko sa'yo." "Kung wala kang sasabihin attorney, maari ba na iwan mo muna kami ni Ate." "May mga ilang sasabihin lamang ako sa'yo, pero marunong naman akong rumespeto. Kaya hahayaan muna kitang magluksa sa pagkawala ng Ate Cassandra mo na matagal na panahon mong kinalimutan na kumustahin at bisitahin." "Masyado atang matalas ang dila mo attorney, wala kang karapatan para sabihin sa akin ang mga sinabi mo!"inis na wika ko sa kan'ya. "Mr. Herrera, sinasabi ko lamang ang totoo. Dahil kung hindi mataas ang pride mo na 'yan ay uuwi ka pa din dito. Masakit ba na ni katiting na mana ay wala kang nakuha mula sa namayapa mong ama? Kaya ba umalis ka agad ng malaman mo ang nakasaad sa kan'yang last will and testament?" "Family lawyer ka lang attorney! Pero kung makapagsalita ka d'yan ay parang apektadong-apektado ka sa pag-alis ko noon? Ayaw mo ba ng ginawa ko. Masosolo mo si Ate Cassandra? Or baka nga ikaw ang ama ng anak n'ya?" "Family lawyer na handang gawin ang lahat para maging maayos ang lahat ng properties ng mga magulang n'yo. Dahil ito ang bilin ng inyong ama. Alam mo ba kung bakit sa akin n'ya pa ito kailangan ihabilin?" "Tumahimik ka! Tigilan mo ang mga sinasabi mo na 'yan!" "Ayaw mo marinig ang katotohanan na walang tiwala sa'yo ang namayapa mong ama? Takot ka pa din hanggang ngayon Mr. Herrera. At sana totoo ang sinabi mo na ako ang ama ni Alizhah. Kaya lang mali ka ng iniisip mo!" "Hindi ako takot! Kailanman ay hindi ako natakot." "Okay, hindi mo naman kailangan sabihin ng paulit-ulit 'yan! Pero alam mo din na walang kinalaman ang Ate Cassandra mo sa last will and testament ng daddy mo. Gusto ko na sapakin ang mukha nito. Pero pinipigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong gumawa ng gulo sa lamay ni Ate. Gusto ko na maging mapayapa ang bawat gabi ng lamay n'ya. Ito na lamang ang mapapabaon ko sa kan'ya. Marami akong pagkakataon na sinayang. Dahil ayaw ko man tanggapin ay tama ang lahat ng sinabi ni attorney. Hindi ko matanggap na wala ni katiting na mana na iniwan si dad sa akin. At yun din ang panahon na kinamuhian ko si Ate Cassandra. "Maiwan na muna kita, sa susunod ay sasabihin ko sa'yo ang lahat ng gustong mangyari ng Ate mo." Hindi ko na ito tiningnan pa. Naramdaman ko na lang ang yabag ng mga paa nito na papalayo. "Bro,sino ba 'yung kausap mo?" Tanong ni Triztan na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na sa akin. "Ang family lawyer namin."tipid kong sagot dito. "S'ya ba ang tumawag sa'yo para sabihin ang nangyari sa ate mo?" "Oo!" "Maangas ah!" "Narinig mo ba ang usapan namin?" "Oo, pero hindi ko naman sinasadya na pakinggan kayo." "Ang sabihin mo tsismoso ka lang talaga!" "Pinaparatangan mo na naman ako d'yan! Pero ang lalim ng usapan n'yo." "H'wag na s'ya ang pag-usapan natin. Kung gusto mo ay magkape ka na lang d'yan. Di ba kape is life ka, ngayon manawa ka sa kakape!" "Umiiwas ka lang sa usapan." "Please lang, hayaan mo muna ako." "Sorry Bro, alam ko na hindi madali ang lahat sa'yo. Pero ito lang ang sasabihin ko sa'yo na palagi lang akong nandito." "Alam ko, at salamat." Itutuloy........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD