CHAPTER: 6

1103 Words
Naalimpungatan ako dahil sa tapik sa aking pisngi. "Captain!" Tawag sa akin ni Triztan,maliban sa tawagan namin na bro ay ito din ang madalas n'yang itawag sa akin. Napatingin ako sa may bintana. Madilim pa din. "Hindi ko na alam itong daan. Baka maligaw pa tayo kung didiretso ako." "Anong oras na ba?" "Alas-tres na ng madaling araw. Kahit nga nakakaramdam na ako ng gutom ay hindi kita ginising,kasi alam kong pagod ka." "Nagugutom na din ako, hanap muna tayo ng maaring kainan." "Tama talaga ang desisyon ko na gisingin ka na. Makakain na din ulit sa wakas ng libre!"natutuwang sabi nito. "Bilisan mo ng magmaneho d'yan." Naghanap nga muna kami ng maaring kainan. "Parang masarap ang pares." Sabi ko. "At tamang tama naman ang cravings na gusto mo ay matutupad." "Bakit?" "Ayan oh! Paresan at lugawan." Sagot nito sa akin. Kapag pagkain talaga mabilis ang mga mata ng kaibigan ko na ito. Ipinark nga nito ang kotse. Lumabas kami at ngayon pa lang ay ramdam ko na ang malamig at sariwang hangin sa probinsya. Pumasok kami sa loob at nag-order naman agad ito. Alam n'ya na din naman kung anung gusto ko sa ganitong mga pagkain. "Goto ang sa akin. Ang inorder ko sayo ay tapsiloh na paborito mo." Tumango lang ako sa sinabi nito. Nang maihatid ang order namin ay kumain na din kami nito. "Gutom na gutom?" Tanong ko sa kan'ya. Para kasing mabubulunan na ito sa dami ng nasa bibig n'ya. Parang kahit na mainit init pa ang goto na kinakain n'ya. Lumunok muna ito. "Talagang gutom! Ang huling kain natin ay kahapon pa ng ala-una. Kung tutuusin ay nakatipid ka na nga sa akin. Biruin mo ba naman na pinagsama mo ang hapunan at breakfast ko!" "Sir,ito na po ang kape n'yo." "Salamat miss ganda." Sabi ni Triztan sa babaeng naghatid ng mainit na kape sa amin. Nag-order din pala ito ng kape. Hindi nga ata talaga s'ya mabubuhay ng hindi nakakainom sa loob ng isang araw. Mula sa ilalim ng mesa ay sinipa ko ito sa may bandang tuhod n'ya. Dahil baka mamaya ay mapahamak na naman kami sa ginagawa n'ya. Baka mamaya ay may asawa na pala itong babae. Napatingin naman ito sa akin. "Glenda,umiiyak na ang anak mo. Padedehin mo nga muna." "Nand'yan na po Nay."sagot ng babae. "Wala na po ba kayong order?"magulang na tanong pa nito sa amin. Wala din naman ibang costumer maliban sa amin. "Wala na miss." Sagot ko sa kan'ya. "Ikaw talaga Triztan, tigilan mo ang pagiging babaero mo! Tingnan mo may anak pala yung babae!" "Aysus! Nagselos na naman ang babe ko!" "Loko! Tigilan mo ako!" "Ito naman hindi na mabiro. At isa pa ay hindi ko naman nilalandi ang nagserve sa atin." "Hindi daw! Kumain ka na d'yan at bilisan mo na. Mga isang oras na lang ang byahe natin at nasa Santa Fe na tayo." "Talaga, malapit na tayo?" "Oo nga! Kaya bilisan mo na!" Nang matapos nga kami na kumain ay muli na kaming bumalik sa kotse. Sumakay na ako sa driver seat. "Sa wakas makakarating na din ako sa lugar kung saan ka lumaki!" "Excited?" "Sobra!" Sagot nito sa akin. Nagmaneho na ako at mahigit isang oras pa pala ang naging byahe. Binagalan ko lang Kasi ang pagpapatakbo. Hanggang sa makarating kami sa HERRERA'S FARM. Ang farm na pagmamay-ari ng pamilya ko. Ito ako ipinanganak at nagkaisip. "WOW! Parang ang ganda naman talaga dito sa lugar n'yo! Ang sarap langhapin ng sariwang hangin." Sabi ni Triztan na inilabas na ang kan'yang ulo sa may bintana. Bumusina ako para may magbukas ng malaking gate na gawa lang naman sa kahoy. Pero halata naman na bagong palit pa lamang ito. Hindi din mumurahin lang na kahoy ang ginagamit sa paggawa nito. Ewan ko ba kung bakit ganito ang gusto ni dad. Kung tutuusin ay mas maganda sana kung magpagawa na lamang s'ya ng gate na gawa sa metal. Pero wala naman akong pakialam kung anung gusto n'ya. Kahit mag-suggest kasi sa kan'ya ay hindi din naman n'ya pakikinggan. Kapag gusto nito ay s'ya talaga ang masusunod.. Nakailang busina ako bago unti-unti ay nagbubukas na ang pinto. Noong huling uwi ko dito. Hindi pa ito tuluyan na binuksan. At alam ko naman kung bakit. Naninigurado lamang ang bantay. Lumapit ito sa amin. Bukas naman ang bintana. "Mga Sir, ano po ang kailangan n'yo?" "Magandang umaga Mang Ernie, ako po ito." "Sir DIC?" Patanong na tawag nito sa akin. Tila hindi na ata ako nakilala nito sa tagal ko ba naman na hindi nakauwi sa lugar namin. "Ako nga po, hindi n'yo na ata ako nakilala?" Napakamot naman ito sa kan'yang ulo. "Pasensya na po Sir, tumatanda na din kasi, at matagal na panahon din mula ng huling nakita ko kayo." Hinging paumanhin nito sa akin. "Okay lang po." "Sandali lamang Sir,at bubuksan ko ang gate para makapasok na kayo ng kasama n'yo." Mabilis itong naglakad at binuksan ang gate. Ipinasok ko sa loob ang aking kotse. "Maraming tao? Parang totoo ata ang sinabi sa'yo ng family lawyer n'yo." Malungkot na sabi ni Triztan. Maging ako man ay nakakaramdam na ng kakaibang kaba. Bumaba kami sa kotse. Naglakad papunta sa mga taong nandito sa labas ng mansyon ng bahay. "Sino s'ya?" "Si Sir DIC, siguro 'yan?" Usapan ng mga tao habang papalapit kami. "Sir DIC! Ikaw nga!" Tawag sa akin ni Manang Merly,s'ya ang taong mula pagkabata ko ay aking kinamulatan ng nagsisilbi sa aming pamilya. At hanggang ngayon ay nandito pa din pala s'ya. Yumakap ito sa akin na ginantihan ko din naman ng yakap. "Mabuti at nakauwi ka, ang buong akala ko ay titikisin mo talaga ang kapatid mo." "Manang, ano po ba ang nangyari sa ate Cassandra? At bakit maraming tao dito?" Tanong ko dito. Lumayo ng bahagya sa akin. "Ang sabi ng family lawyer n'yo ay tumawag na daw s'ya sa'yo." "Bro!" Tapik sa balikat ko ni Triztan, napayuko na lamang kasi ako. Hindi ko kayang tanggapin ang nangyayari ngayon. "Nasa loob ang Ate mo." Pinipigilan ko ang maiyak sa harapan nila. Kaya naglakad kami papasok ng mansyon. "Manang, sino po sila?" Napaangat ako ng aking ulo,dahil sa tinig ba na aking narinig. "S'ya ang UNCLE DIC mo, Alizhah." "Ikaw ang Uncle DIC ko?" ngumiti ito pero halata sa kan'yang mga mata ang lungkot. Para akong naestatwa ng lumapit ito sa akin at yumakap. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang may naghahabulan na kabayo dito. Hindi ko maintindihan kung ganito ang aking nararamdaman sa kan'ya. Tumingin ako kay Manang ng may pagtataka,dahil hindi ko alam na may anak si Ate Cassandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD