JOSIE NAPASINGHAP AKO at mabilis na naghabol ng hininga nang maghiwalay ang labi namin ni Sancho. Nakatitig lang ako sa mukha niyang bakas pa rin ang pagtataka dahil sa bigla kong paghalik ng kusa. Dahan-dahan naman akong bumitaw sa kaniyang leeg nang mapagtanto ko ang ginawa ko. Tumikhim ako at marahan na umatras saka mabilis na nag-iwas ng tingin. “What was that for?” takhang tanong ni Sancho habang salubong ang kilay. “Anong pinag-usapan ninyo ni Mama? May nangyari ba?” Napalingon naman ako sa kaniya at umiling. “H-Ha? Ano… W-wala. Teka, bakit ka nandito?” Pinanliitan niya lang ako ng mata na para bang naniniguro at nang ngumiti ako ay napabuntong-hininga na lamang siya saka sunod-sunod na tumango. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong titigan ang gwapo niyang mukha na kahit sin

