JOSIE NAPAIGTAD AKO nang bigla na lang may humalik sa aking pisngi habang nagluluto ako ng Sinigang na baboy na siyang request ni Madam Susana. Nanlalaki ang mga mata ko na nilingon ang may gawa niyon at napangiti habang napapailing nang makita ang poging mukha ni Sancho sa tabi ko. Matapos ang nangyaring halik sa pagitan namin kagabi ay sa balkonahe pa rin siya natulog pero ang pakikitungo niya sa akin ay ibang- iba na. Para siyang malambing na nobyo na first time magka-girlfriend. Pero girlfriend niya ba ako? Wala naman kaming maayos na usapan maliban sa halikan na nangyari. “Baka may makakita sa ginawa mo,” saad ko habang abala sa aking ginagawa. Kagat-kagat niya pa ang French toast na ginawa ko para sa kaniya dahil tanghali na siya nagising. “Wala namang tao dito sa kusina,” sagot

