JOSIE PABAGSAK AKONG naupo sa kama nang matapos ang araw ko bilang personal chef ni Madam Susana. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa mga papuri na natanggap ko sa ginang dahil nasarapan siya sa mga hinanda kong pagkain. Hindi ko naman nakita si Sancho boung araw maliban kaninang umaga nang kausapin niya si Clifford na huwag akong istorbohin. Mukhang masyado niyang na-miss ang kaniyang kwarto dahil hindi na siya lumalabas doon na ultimo lunch at dinner ay hindi siya bumaba. Napabuntong-hininga ako at kinuha na lamang ang aking tuwalya saka dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Ako pa lang ang nasa quarters dahil nasa labas pa si Mercedes na naghuhugas ng pinggan at ang isa pang kitchen staff na si Lina na abala naman sa paglilinis kitchen. Pagpasok ko ng banyo ay agad akong n

