JOSIE MATAPOS KONG mapanood sa tv ang balita tungkol sa insidente sa Toricelli Heights at sa mismong palapag kung saan naroon ang unit ni Sancho at dali-dali akong nagpaalam na umuwi. Mabuti na lang ay agad akong pinayagan ni Head Chef Lucas at Sir Napoleon na mag undertime dahil wala rin naman kaming VIP customer ngayong araw. Hindi ko rin kasi mapigilan ang mag-alala kay Nathalie at kay Sancho na alam kong sariwa pa ang sugat. “Josie? P’wede ba tayong mag-usap?” salubong sa akin ni Sancho nang makalabas ako ng kwarto matapos kong ilapag ang natutulog na si Nathalie sa kama. Seryoso ang mukha ni Sancho dahilan para bahagya akong makaramdam ng kaba. “Anong pag-uusapan natin? May problema ba?” tanong ko at sumunod sa kaniya nang maglakad siya papunta sa kusina. Nang marating namin an

