JOSIE KAKAUWI KO lang ng condo at tulad ng mga nakaraang gabi ay nag-book lang ako ng masasakyan dahil hindi pa rin kami nagkikita ni Sancho o sadyang iniiwasan niya ako dahil sa halik na nangyari sa pagitan namin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip kung kumakain ba siya o nakakatulog nang maayos dahil mukhang nagalit siya sa akin nang sampalin ko siya. “Josie! Kakarating mo lang—“ “Carmina, umuwi ba si Sancho?” salubong kong tanong kay Carmina na kakalabas lang ng banyo. Kailangan kong sabihin kay Sancho ang tungkol sa pagkikita namin ng kaniyang ina at ang tungkol sa alok nito sa akin na maging personal chef. Hindi p’wedeng malaman ni Madam Susana na nagpapanggap kaming mag-asawa ni Sancho dahil kailangan ko ng proteksyon mula sa mga gustong manakit sa amin ni Nathalie. “Actuall

