JOSIE MALALAKI ANG hakbang ko papasok sa restaurant dahil late na ako ng halos sampung minuto dahil sa babaeng iyon. Medyo nahirapan pa ako sa pag-book ng masasakyan at traffic pa dahil may banggaan sa daanan. Nang makapasok ako ng King Napoleon’s restaurant ay nakasalubong ko pa ang si Manager Berna na nakataas ang kilay sa akin. “Good morning po—“ “Walang good sa morning kung ikaw agad ang nakikita ko,” anito at inirapan ako. “Your late, Miss Alejo.” “Pasensya na po,” mabilis kong sagot. “Hindi mababawi ng pasensya mo ang late mo,” mataray niyang sabi at tinalikuran ako. Napanguso na lamang ako at dumiretso sa locker para ilagay ang aking bag at magsout ng puting chef’s uniform. Sa pagpasok ko sa locker ay naabutan ko pa si Danica kasama ang dalawa pang chef na sina Juliet at Pea

