JOSIE TULALA LAMANG akong nakaupo sa maliit na dining table sa kitchen habang hawak ang aking cellphone at nagdadalawang-isip na tawagan si Sancho. Bigla na lang kasi siyang umalis nang hindi man lang kumain matapos niyang malaman ang tungkol sa arrange marriage na plano ni Madam Susana. Napabuntong-hininga ako at akmang pipindutin ang call button sa tabi ng numero ni Sancho nang bigla na lang may pumasok sa kitchen kaya agad ko ring pinatay iyon at ibinulsa. Nang lingunin ko ang pumasok ay nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko inaasahan na ang dalagang si Francine pala iyon. Nang umalis si Sancho kanina ay akala ko uuwi na rin sila pero matapos niyang sabihin ang balak niya sa ginang ay muli silang naupong mag-ama at pinagpatuloy ang pagkain. Ngayon nga ay kasama ng ginang si Miste

