Chapter 22

1668 Words

JOSIE INILIBOT KO ang tingin ko sa lamesa kung saan ay naroon ang mga pagkain na inihanda ko para sa pagbisita ng mga anak ni Madam Susana. Anim na putaheng pinoy ang niluto ko at lahat iyon ay request ng ginang pero ang isa na siniguro kong pinakamasarap ay ang bulalo na paborito naman ni Sancho. Huminga ako nang malalim nang lumapit sa akin si Ate Naneth at tumayo sa tabi ko. Nang lingunin ko siya ay sakto rin na nakatingin siya sa akin. “Papunta na si Madam at ang mga bisita, Josie. Ngumiti ka,” utos niya sa akin. Tumango ako at kahit labag sa loob ko ay pinilit kong ngumiti. Tumayo naman ako nang tuwid nang mula sa entrance ng dining ay pumasok si Madam Susana na may malaking ngiti sa labi. Sa likod niya ay nakasunod ang kaniyang mga anak, mula sa panganay na si Thaddeus, ang bise

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD