JOSIE “WHAT DO you want, eyepatch?” tanong ni Sancho sa lalaking nakasout ng eyepatch. Ramdam ko ang malalim na paghinga niya na sa tingin ko ay kinokontrol niya ang kaniyang galit. Sa halip na sumagot ay tumawa lamang ito nang malakas at bigla ring huminto saka itinuon ang tingin sa akin, particular na sa batang buhat-buhat ko. Humigpit ang hawak ko kay Nathalie at pasimpleng tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang aking palad dahil kahit hindi sabihin ng lalaking iyon ay alam ko na ang nasa isip niya. “I want the kid—“ “Hindi p’wede!” mabilis kong sigaw at tinapunan nang masamang tingin ang lalaki. “Mamatay muna ako bago ninyo makuha sa akin si Nathalie.” Muli na namang tumawa ang lalaking may eyepatch at binalingan ng tingin ang mga tauhan niya saka tumango. Sa simpleng signal na i

