HINDI ALAM NI JADA KUNG PAANO SIYA NAKABABA SA LOBBY HABANG BINABAYO ANG DIBDIB dahil sa matinding takot na naramdaman sa paghaharap nila ni Ambrose. Hindi matigil ang leeg niya sa paglingon para matiyak na wala ito sa paligid. Nang may madaanan siyang salamin sa isang bahagi ng hotel ay tumigil si Jada at tiningnan ang sariling repleksyon. Napalitan na ang kanyang suot ng mas eleganteng gown na kulay madilim na dugo at may mga detalye sa neckline na mga brilyante. Maganda ang bagsak ng gown at humahakab din sa katawan niya. Ni-retouch din ng mga tauhan ni Ambrose ang make-up niya at walang bakas na kanina lang ay umiyak siya nang umiyak. Pero mas gusto ni Jada ang ayos kanina. Hindi niya ipagpapalit ang kasimplehan ng suot at simpleng ayos ng mukha kanina dahil katibayan iyon ng pagkaka

