SA ORAS NA TUMALIKOD SI JADA AY NARAMDAMAN NIYA ANG PAGKAWALA NG PAMILYAR NA KALAMIGAN. Tanda iyon na wala na rin sa lugar na iyon si Sebastian at hindi niya kailangang lumingon para mapatunayan iyon. Sa paglipas ng mga araw ay nasanay siyang malaman kung nasa paligid ito o wala. Mula sa marahang paghakbang ay sinubukan niyang tumakbo sa kabila ng suot na heels. Iyon na yata ang pinakamabilis na ginawa niyang pagtakbo, mas mabilis pa kaysa sa ginawa niya noong tumakas siya sa bahay ni Ambrose. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi siya tumatakas. Gusto niyang sagupain ang malamig na panggabing hangin dahil baka mabubura niyon ang nararamdaman niya. Pero sa paglayo niya sa lugar na pinag-iwanan sa kanya ni Sebastian ay mas lalo niyang nararamdaman ang sakit. Hindi siya makapaniwala na hang

