WALANG PAGMAMADALING BUMABA SA HAGDAN SI AMBROSE KAHIT NAUULINIGAN ANG TILA KULOG NA BOSES NG KANYANG BISITA. “I’m bringing Jada back!” nag-uutos ang tono ni Sebastian sa kanya at hindi niya gusto iyon lalo na at nasa pamamahay niya ito. Tumigil si Ambrose sa gitna ng grand staircase. Gusto niyang literal na mataas ang posisyon niya kay Sebastian. “Then bring her to wherever you want, hindi kita mapipigilan kung gagawin mo iyon dahil wala dito ang hinahanap mo.” Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. “Saan mo siya dinala?” Mula sa kinatatayuan niya ay nararamdaman niya ang enerhiyang inilalabas ng katawan nito. Ang palatandaan na pinaburan ito ng sagradong lupa at ibinigay ang mga kakayanan na dapat taglayin ng higit pa sa isang dakilang lakmuos ng tribung Ugjayon. Hindi niya

