MASAYA SI MARIZ NA MAPABILANG SA GRUPONG MAG-OORGANISA NG GALA DINNER EVENT NG CALIDA. Pambihirang oportunidad ang mapabilang sa grupong iyon dahil napakalaking event iyon ng organisasyon. Ang mga full-time na nagtatrabaho at maging ang maiimbitahang mga volunteers ay kinasasabikan ang event na iyon dahil kaiba sa napakaraming programa ng organisasyon na naglalayong tumulong sa mga nangangailangan, ang CALIDA Gala Dinner ay isang fundraising event na dinadaluhan ng maraming prominenteng tao sa lipunan na sumusuporta sa organisasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga donasyon. Isang pagkakataon din iyon para mas maipakilala ang layunin ng CALIDA. Ngayon pa lamang ay iniisip na ni Mariz kung ano ang susuutin sa Gala at kung saang salon magpapa-ayos. Habang nasa biyahe ay nagse-search na

