Ang Paglilihim

1448 Words

INIWAN NI JESSON NA NAGKUKWENTUHAN SA BALKONAHE SI JADA AT MARIZ. Ang ibang mga guests ay nasa iba’t ibang panig ng bahay at may kanya-kanyang ding pinagkakaabalahan simula nang matapos ang hapunan kanina. Tinunton ni Jesson ang pababang hagdan sa likod ng bahay. Ang daang iyon ay off limits na sa mga guests kapag gabi na. Pero dahil doon siya pinapapunta ng kanyang boss ay lalabagin niya ang rule na iyon. Napapailing siya habang iniilawan ang daanan gamit ang flashlight. Nakakailang baitang na siya nang may matutukan ang flashlight niya sa ibaba. At kung hindi alam ni Jesson na matangkad na tao ang amo ay iisipin niyang kapre iyon dahil sa taas ng anino nito. Nang makalapit siya dito ay binati niya ito. “Sorry to drag you into this, pal. I know you have a lot on your plate already.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD