SANAY SI SEBASTIAN NA MAG-DRIVE NANG MALAYO. May mga pagkakataon na halos malibot niya ang buong bansa gamit lang ang sariling sasakyan. Sa mga lugar na kailangang tawirin ang dagat ay isinasakay niya ang kotse sa mga barko at saka lilibutin ang mga probinsya nang nasa sasakyan. Kapag narating niya ang malalawak na kagubatan ng mga probinsyang pinupuntahan ay iniiwan ang sasakyan sa ligtas na lugar at ang kagubatan naman ang lilibutin niya nang yapak lamang at mamumuhay katulad ng sinaunang tribung Ugjayon. Ginagawa niya iyon nang mag-isa lang at ang paglalakbay niya ay minsan nang umabot ng halos isang taon. Walang problema iyon dahil napakarami niyang oras bilang isang imortal. Kung sa ibang bansa man siya naglalakbay ay ganoon din ang ginagawa niya. Sa ngayon ay nararamdaman na ulit n

