Ang Pagkakulong

1501 Words

“HINDI KA NAKAKULONG DITO, JADA,” mahinahon ang boses ni Dra. Clara nang sinabi iyon. Hindi pa din magawang makapagsalita ni Jada sa gulat nang mabungaran niya ito sa kwartong iyon. Katulad ng una niya itong makilala ay taglay pa din ng ginang ang mapang-unawang bukas ng mukha at kahinahunan. Nararamdaman din niya ang sinseridad sa tono nito. Hindi nga lang niya masundan ang mga nangyari at ang katotohanan na sinasabi ng presensya nito, na ito ang nag-utos na dalhin siya sa lugar na iyon… “Pasensya ka na at hindi ko naipalinis ang bahay na ito para sa pagbabalik mo, hija.” Sinasabi nito iyon habang tinutulak ang bintanang capiz. Pumasok mula doon ang malamig na simoy ng hangin sa umagang iyon. “H-Hindi ko maintindihan, Doc…” isinatinig niya ang gumugulo sa isip. Ngumiti ito sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD