ANG UNANG NAKITA NI JADA NANG IMULAT ANG MGA MATA ay ang malaking kahoy na sumusuporta sa bubong ng bahay. Walang kisame kung saan man siya naroroon at siguro ay may butas ang haligi o bubungan kaya nakakapasok ang mga ibon. Lumilipad ang dalawang ibon na parang naglalaro paikot sa mga kahoy. Sa pinag-krusan ng mga dalawang kahoy ay may nakasingit na mga d**o na ginawang pugad ng mga ibon. Pamilyar ang ganoong tanawin sa kanya pero hindi niya maisip kung nasaan siya. Dahan-dahang bumangon si Jada, minamasahe ang gilid ng ulo dahil sa hilong nararamdaman. Masakit din ang buong katawan niya at parang ang bigat dalhin kahit konting kilos lang ang ginawa niya para makaupo. Nakatungo siya habang minamasahe ang ulo at parang gustong panatilihing blangko ang isip para mawala ang hilo. Wala si

