SA MGA SUMUNOD NA ARAW NA MAGKASAMA SILA ni Sebastian ay lalong tumitindi ang nararamdaman ni Jada sa binata. Kapag naaalala din niya kung paano ito magpakita ng pag-ibig sa kanya ay parang hindi siya makahinga sa sobrang saya. Nahiling niya na sana ay ganoon na lamang ang maging buhay nila. Mula sa pagtanaw sa ibaba ng bangin ay awtomatikong lumapat ang kamay niya sa kanyang sinapupunan. Ilang beses na niyang napapansin na palaging inaabot ng kamay niya ang sinapupunan lalo na kapag nagigising siya sa madaling araw. Hindi niya maintindihan kung ano ang dinadama ng mga kamay niya at kung magiging totoo siya ay nahiling niya na sana ay magbunga ang pagmamahalan nila ni Sebastian. Pero alam niyang imposible iyon ayon sa narinig niya mismo sa doktor na umopera sa kanya ilang taon na ang naka

