“HANGGANG NGAYON AY PINAPATUNAYAN NINYONG HINDI KAYO DAPAT PAGKATIWALAAN,” napapailing si Ambrose habang sinasabi iyon at habang tinitingnan ang ginagawa ng magkapatid na babaylan sa maliit na sitio na iyon. Tinapos muna ni Dra. Clara ang pag-iintindi sa batang ginagabayan sa pagkain bago humarap sa kanya. Samantalang si Inang ay tinitigan lamang siya na parang hindi man lang natatakot sa presensya niya at tuloy sa paglilista ng kung ano habang tinatanguan ang ibang volunteers na malapit sa kanila. Iniwan sila ng mga ito na nakuha ang mensahe ng matanda. Hindi niya gusto ang nakikitang kahinahunan ng magkapatid samantalang alam niyang hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na ang kompanya niya ang dahilan kung bakit nawalan ng tirahan ang maliit na pamayanan na nasa kabundukan. “Ibig sab

