Ang Pagkabihag kay Ygban

1558 Words

TUMAMA ANG KATAWAN NI YGBAN sa lupa nang bumagsak siya mula sa pagkarga sa kanya ng mga kasamahan. Iyon ang nagpabalik ng malay niya. Hindi pa man tuluyang nauunawaan ang nangyayari sa kanya at kung nasaang bahagi na sila ng kagubatan ay naramdaman niyang muli ang pag-angat ng katawan at pagsampay sa likod ng isang kasamahan. Sa loob ng dalawang araw ay salita-salitan siyang dinadala ng mga kasamahan sa likod ng mga ito.  Hindi niya magawang makakilos dahil sa mga sugat na tinamo mula sa mga kasamahan na ang bilang ay nadagdag pa nang matagpuan sila ng iba pa. Ang mga galos niya sa mukha at katawan ay iba’t iba ang lalim dahil sa kasukalan na nadadaanan nila.  May katotohanan ang sinabi nila Ahyabu Ymian tungkol sa pagsubok, siya ang kailangang mapaslang at madala ng mga ito sa bangin up

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD