NAKIKITA NI SEBASTIAN SA HARAP NIYA si Jada, naririnig ang sinasabi nito pero hindi niya alam kung bakit hindi iyon agad rumehistro sa isip niya na sandaling nagbalik sa nakaraan. Nang hilahin ng dalaga ang kamay mula sa pagkakahawak niya ay na-alarma siya at parang doon pa lang siya nagbalik sa kasalukuyan. Hinigpitan niya ang pagsalikop sa maliit na palad nito, tumatanggi na pakawalan ito. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito at tumutok ang mga mata sa kanya. Sandaling nagpalit ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingala sa kanya, lumamlam ang mga mata na parang nasasalamin ang kanyang kalungkutan. Tumigil ito sa paghila sa kamay habang nakatitig sa kanya at parang mas nagpaabot ng malalim na init mula sa palad nito. Ang tipo ng init na hindi sekswal kundi ang init na gustong kumil

