Enzo’s POV
Habang nasa loob kami ng sasakyan ni Sheena, nanatiling tahimik ang buong paligid na tila ba maririnig mo na pati ang hangin dahil sa sobrang katahimikan. Hindi ko naman ginusto ang ginawa ko kanina, sadyang may tao lang talaga sa labas ng restaurant ni Tito Felix kaya kailangan kong gawin ang mga bagay na iyon. Hindi ko naman alam na iba pala ang magiging reaksyon ni Sheena doon.
I want to talk to her to explain what happened earlier but as the time I talked to her, she always made some excuses. Hindi ko naman alam kung paano ko siya kakausapin dahil nung nakita ko ang itsura niya kanina alam ko may mali sa mga ginawa ko.
Napahinga na lang ako ng malalim sabay napatingin sa aking gilid kung saan siya nakaupo. Nanatili pa din siyang nakatingin sa labas ng sasakyan ko at pilit na iniiwasan ako. Alam ko naman mali ang ginawa kong iyon dahil lalaki ako at babae siya, alam ko na iba ang mararamdaman niya.
“May tanong ako,” lakas loob kong sabi sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin upang malaman ang aking sasabihin.
“Bakit?” seryosong tanong niya sa akin.
“Saan pala yung UST dito?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatngin sa labas sabay turo niya sa kaliwang bahagi.
“Kumaliwa ka lang tapos diretsuhin mo,” seryoso niyang sambit sa akin. Napalunok na lang ako sabay napatabgo-tango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi, kahit na hindi niya ito nakita.
Nagpatuloy na lang ako sa aking pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa lugar na aming pupuntahan. Napahinto ako sa harapan ng university kung saan makikita doon ang malaking mga letra ng UST.
“Salamat,” malamig lang niya na sabi sa akin sabay labas niya sa aking sasakyan ng hindi man lang humaharap sa akin. Napahawak na lang ako sa aking mga labi habang tinitignan siya na pumapasok sa loob ng university.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagkakaibigan namin dalawa ni Sheena. Noon lagi na lang si Sheena ang hinahanap ko matapos ang shoot ko kasi alam ko naman na lagi niya akong iniintay. Sobrang dikit namin sa isa’t isa na tipong hindi kami mapaghiwalay, pero ngayon pakiramdam ko hindi ko na siya mahawakan kasi ang layo na ng loob niya sa akin. Pakiramdam ko meron akong nagawa sa kaniya na malaking pagsasala na naging dahilan ng paghihiwalay ng loob naming dalawa. Sheena was my friend at sana magkaroon ako ng pagkakataon na malaman ang side niya kung bakit talaga niya ako nilalayuan at sana bumalik yung dati naming pagkakaibigan. She is the one that I trusted the most.
Agad kong ini-start ang aking sasakyan at napag-isipan ng umuwi. Sinundan ko lang ang mga direction sa aking cellphone kung saan tinuturo nito ang daan pauwi sa bagay namin.
---
Ilang oras din ang nakalipas bago ako makauwi dahil sa sobrang traffic sa lugar na dinaanan ko.
Pagdating ko agad kong pinarada ang sasakyan ko sa parking lot ng bahay bago ako bumaba. Pagbaba ko ay agad sumalubong sa akin si Dad na siyang kadadating lang din niya sa bahay.
“Oh, Enzo saan ka nanggaling?” tanong niya sa akin.
“Sinamahan ko lang si Sofia kanina Dad,” sambit ko sa kaniya.
“Pero sabi ng Mom mo sa akin na nandito na daw si Sofia at ikaw ang wala pa,” sambit niya sa akin.
“Hinatid ko lang si Sheena sa university niya,” sambit ko sa kaniya, “may pupuntahan din kasi si Ate Emma, isa pa malapit-lapit lang din naman ang university niya dito sa bahay natin kaya hinatid ko na din,” wika ko.
“Si Sheena? Yung kaibigan mo noon?” tanong niya sa akin. Napangiti ako sa kaniya sabay napatango-tango.
“Yeah, pero mukhang hindi na. Ang layo na din kasi ng loob niya sa akin ngayon,” tugon ko sa kaniya.
“It’s a girl thing anak,” sambit ni Dad sa akin, “baka may nagawa ka kaya nagtampo sa iyo, palipasin mo muna,” wika ni Dad sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napatango-tango dahil sa kaniyang sinabi.
Agad niya akong hinawakan sa aking likuran sabay tinapik-tapik ako sa likuran ko habang papasok kami sa loob ng bahay.
Pagpasok namin sa loob ni Dad agad naman namin narinig ang boses ni Mom na siyang nag-aayos sa dining area.
“Anjan na pala kayong dalawa,” sambit ni Mom sa amin. Agad naman niyang nilapag ang kaniyang hawak-hawak sabay sinalubong si Dad ng mahigpit na yakap sabay halik. Napangiti na lang ako dahil sa aking nakikita dahil kahit matagal na sila Mom at Dad na mag-asawa at magkasama hindi pa din natatangal sa kanilang dalawa ang sweetness.
“Oh, ikaw Enzo saan ka naman galing?” tanong sa akin ni Mom. Napahinto naman ako sa aking pagngiti sabya napatingin sa kaniya.
“Hinatid ko lang po si Sheena sa university niya,” nakangiti kong sabi sa kaniya.
“Speaking off, nakausap na ni Kuya kanina yung management at pumapayag sila sa gusto mo,” sambit ni Mom sa akin. Napangiti naman ako ng marinig ko ang balita na sinabi ni Mom sa akin.
“Abangan mo na lang din yung mga updates sa iyo ng manager mo pati na din ng management kung paanong process ang pwede mong gawin,” saad ni Mom sa akin. Napatango-tango ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.
“Okay po Mom,” sambit ko sa kaniya.
“Oo nga pala kanina nakausap ko ang P.A mo na si Emma,” sambit ni Mom sa akin, “sakto pala na nakapagkita din kayo kanina. Tinanong ko kasi siya kanina about sa pinapasukan na university ni Sheena, naisip ko na doon ka na lang din pumasok tutal andoon naman si Sheena matutulungan ka niya,” saad ni Mom sa akin. Napahinto naman ako dahil sa kaniyang sinabi dahil hindi ako makapaniwala sa mga desisyon na kaniyang ginawa.
“Seryoso ka ba Mom, na gusto mo akong papasukin sa school?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin sabay napatango-tango.
“Diba ‘yun naman ang gusto mo,” sambit niya sa akin.
“Maganda na din iyon experience Enzo sa labas ng bahay natin,” sambit ni Dad, “kasi lagi ka na lang nag-aaral dito sa loob ng bahay natin minsan dito ka na din sinasabitan ng medal. Hindi mo man lang nasubukan na umakyat sa stage para tanggapin ang award na ginawa mo sa school,” saad ni Dad.
“Magandang opportunity na din ito para masubukan mo kung paano maging normal na teenager, kagaya ng pinaka gusto mo,” saad ni Mom sa akin, “pumayag naman si Emma sa sinabi namin kaya habang wala ka pang balak sa gagawin mo, ‘yun muna ang atupagin mo. Isa pa sinuportahan na din namin ang pag-aaral ni Sheena dahil wala naman ngayong trabaho si Emma dahil wala ka naman sa showbiz kaya habang para tulong na din pag-aaralin namin si Sheena at si Sheena naman ang magiging bantay mo sa loob ng school.” Napahinga na lang ako ng malalim sabay inisip ang sinabi ni Mom sa akin.
“Enzo, isa pang paalala, pumayag lang ang manager mo about sa gagawin mo pero hindi pa din nila tinitigil ang contract dahil umaasa sila na babalik ka pa din sa showbiz,” sambit niya sa akin.
“Pag-iisipan ko muna ang mga bagay na iyon mom,” saad ko sa kaniya, “for now gusto ko munang unahin ang sarili ko,” dagdag ko sa kaniya. Napangiti naman si Mom sa akin sabay napatango-tango bilang pagsang-ayon sa aking sinabi.
“Tara na kumain na tayo,” saad ni Mom sa amin, “Sofia baba na dito,” tawag niya kay Sofia. Napahawak na lang ako sa aking labi at sumunod sa kanila patungo sa lamesa.
Dali-dali namang bumaba sa hagdan si Sofia dala-dala ang kaniyang cellphone.
“Andito ka na pala Kuya,” sambit niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya sabay umupo sa upuan at kumuha ng plato.
“Enzo mag-ayos ka na ng gamit mo para makapag-enroll ka na bukas,” sambit ni Mom sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay tumango-tango.
“Sige po Mom,” saad ko sa kaniya at nagsimula na sa pagkain.
---
Matapos naming kumain ay umakyat na ako sa aking kuwarto at hinanda ang mga kailangan ko. Habang nag-aayos ako nagulat ako ng biglang may nagbukas ng aking pintuan. Napatingin naman ako dito upang makita ko kung sino ang pumasok sa aking kuwarto.
“Dad ikaw pala,” sambit ko sa kaniya. Napangiti naman si Dad sabay inabot sa akin ang susi. Napakunot ang aking noo dahil sa aking nakita.
“Dad ano ito?” tanong ko sa kaniya.
“Susi ‘yan ng condo ko malapit sa doon sa university na papasukan mo,” sambit niya sa akin. Agad naman niyang inihagis sa akin ito at ako naman ay dali-daling sinalo ang susi na kaniyang hinagis sa akin.
“Bakit ninyo binibigay sa akin ito Dad?” tanong ko sa kaniya.
“Alam ko naman na mahirap sa iyo ang laging umuwi dito sa bahay lalo na’t traffic den pauwi,” wika ni Dad sa akin, “kaya habang may pasok ka doon ka muna tumuloy at umuwi ka na lang kung wala kang pasok sa school,” sambit niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa kaniyang sinabi sabay inilagay ang susi sa aking bulsa.
“Salamat Dad,” ngiting sambit ko sa kaniya.
“Enzo, hindi porket wala ka dito sa bahay kung ano-ano ng mga bagay ang gagawin mo,” saad ni Dad sa akin. Natawa naman ako dahil sa kaniyang sinabi sa akin.
“Dad naman hindi naman ako ganong klaseng tao,” sambit ko sa kaniya.
“Alam ko, pero ang sinasabi ko sa iyo na hindi ka dapat laging nakakulong sa loob ng condo,” sambit ni Dad sa akin, “subukan mo ng makipaghalubilo sa mga kasing edad mo para maranasan mo kung gaano kasaya ang mga narasanasan namin,” wika ni Dad sa akin.
“Hindi ka na bata Enzo, kaya alam ko na alam mo na ang mga tama’t mali sa buhay. Wala na akong paalala na sasabihin sa iyo dahil alam ko naman na matalino ka at kaya mo naman ang sarili mo,” dagdag ni Dad, “Basta ‘wag mo lang kami bibigyan muna ng apo dahil hindi pa kami handa ng Mom mo sa ganong bagay,” tawa niyang sabi. Natawa naman ako dahil sa kaniyang sinabi sa akin sabay napailing-iling na lang.
“Dad wala pa sa akin ang mga bagay na iniisip mo,” sambit ko sa kaniya, “kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin dahil mas behave pa ako sa inaakala mo,” saad ko sa kaniya.
“Enzo, naalala mo yung sinabi ko sa iyo noon?” tanong ni Dad sa akin. Napatigil naman ako at nagtataka na tumingin sa kaniya.
“Alam ko na hindi ka din iba sa amin, dahil kagaya ka din namin magkakapatid. ‘wag mo nang gayahin ang mga bagay na ginawa namin noon dahil hindi tama ang mga bagay na iyon,” dagdag ni Dad. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napatango-tango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.
Alam ko kung ano ang tinutukoy ni Dad at malakas ang loob ko na iyon ang dahilan kung bakit ganon ang reaksyon ni Sheena kanina. Hindi ko naman kasalanan iyon in the first place, pero kailangan ko din siguro na mag-ingat sa mga ganong bagay lalo na’t hindi lang naman si Sheena ang babae na pwede kong makasama sa university. Dahil madami pang iba at iyon ang dapat kong iwasan.
“Sige na Enzo, lalabas na ako. Mag-ayos ka na ng gamit mo diyan para bukas makapunta na tayo sa condo,” sambit ni Dad sa akin. Napatingin ako sa kaniya sabay napangiti at napatango-tango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.
Agad naman lumabas si Dad sa loob ng aking kuwarto habang ako ay naiwan na nag-aayos sa aking gamit.
Habang nag-aayos sa aking gamit, bigla akong napatingin sa isang litrato na nakatago sa aking aparador. Napakunot ang aking noo sabay kinuha ito sa aking aparador.
Napangiti na lang ako ng makita ko ang litrato naming dalawa ni Sheena noong mga bata pa kaming dalawa. Ito ang una kong award na nakuha ko sa ibang bansa as best child actor.
“Sobrang close pa natin dito ah, pero ngayon ang layo mo na sa akin.”
Napangiti ako sabay napahiga sa aking higaan at tinignan lang ang litrato namin.
Flashback…
“Enzo,” tawag niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya habang mini-make up-an ako ng make-up artist.
“Ikaw pala Sheena,” masaya kong bati sa kaniya.
“Nag me-make up ka na naman,” tanong niya sa akin. Agad naman tinapos nang make-up artist ang aking make up sabay umalis.
“Sabi ni Mama pinapapunta mo nanaman ako dito,” saad niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay hinawakan ang kaniyang mukha.
“Sheena, magkaibigan tayo diba. Ayaw mo na ba ako makita?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin sabay hinawakan niya ang aking kamay.
“Enzo, hindi naman sa ganon pero wala ka ba talagang kaibigan?” tanong niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay niyakap siya.
“Sheena ikaw lang ang kaibigan ko diba,” masaya kong sambit sa kaniya.
“Eh paano naman yung mga kaibigan mo na mga artista?” tanong niya sa akin. Napakalas naman ako sa pagkakayakap sa kaniya sabay napatingin sa kaniya ng seryoso.
“Sheena hindi ko sila kaibigan,” saad ko sa kaniya, “ikaw lang ang kaibigan ko diba,” wika ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin sabay napatango-tango.
“Sige, pero okay lang talaga sa iyo na ako lang ang kaibigan mo?” tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya sabay napatango-tango.
“Syempre naman, kahit ikaw na lang kaibigan ko hanggang paglaki natin ayos lang sa akin eh,” saad ko sa kaniya.
“Sabi mo iyan ah pag ako talaga inaway mo. Hindi na tayo bati,” saad niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya sabay pinisil ang kaniyang ilong.
“Hindi mangyayari iyon,” sambit ko. Bigla naman niyang hinawakan ang aking kamay sabay pinilit na tanggalin ito sa paghawak ko sa kaniyang ilong.
“Aray ko naman Enzo,” sambit niya sa akin. Natatawa naman ako habang pinagmamasdan siya na hinahawakan ang kaniyang ilong.
“Alam mo minsan nakakainis ka dahil sa ginagawa mong ganyan, ang sakit kaya. Kung sayo ko kaya gawin,” sambit niya sa akin sabay lapit niya ng kamay niya sa mukha ko pero agad ko naman itong hinawakan ang kaniyang kamay upang ilayo ito sa aking mukha.
“Hindi mo kaya,” asar ko sa kaniya.
“Alam mo nakakainis ka lagi ka na lang nang-aasar ng ganiyan,” saad niya sa akin. Natatawa naman akong tinitignan siya habang pinipilit na hawakan ang mukha ko. Agad ko naman hinawakan ang dalawang kamay niya ng mahigpit sabay itinaas ito. Pilit naman niyang kinakawala ang kaniyang sarili sa pagkakagapos sa kamay ko pero hindi niya magawang makawala dito.
Napatingin naman siya sa akin ganon din naman ako sa kaniya dahilan upang kami ay magkatitigan. Nanatili kaming nagkatinginan sa isa’t isa hanggang sa napangiti na lang ako.
“Crush mo ako no?” pang-aasar kong tanong sa kaniya. Bigla naman siyang napaiwas nang tingin sa akin dahilan upang mapatawa ako ng malakas.
“Talo ka na naman sa titigan Sheena,” pang-aasar ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay hampas niya sa aking braso.
“Alam mo napakadaya mo talaga Enzo,” saad niya sa akin, “lagi mo na lang akong tinatanong nang ganong bagay,” inis na sabi niya sa akin.
“Kasalanan ko ba na kapag tinatanong kita ng ganong bagay lagi ka na lang umiiwas?” saad ko sa kaniya, “edi ginamit ko iyon para matalo ka,” natatawa kong sabi sa kaniya.
“Ang daya mo talaga, pag ako talaga hindi na pumunta dito,” wika niya sa akin. Napatigil naman ako sa pagtawa ko sabay hawak sa kaniyang ulo dahilan upang mapatingin siya sa akin.
“Ito parang biruan lang gagawin pang seryoso,” seryoso kong sambit sa kaniya, “huwag kang mag-alala magkaibigan naman tayong dalawa kaya alam kong wala naman iyon,” ngiti kong sabi sa kaniya. Bigla naman kaming napatingin sa pintuan ng makarinig kami ng katok sa pintuan.
“Sige mamaya na lang,” nakangiti kong sabi sa kaniya, “picture tayo mamaya pag tapos ng event ah,” paalam ko sa kaniya. Nyumiti naman siya sa akin sabay napatango-tango.
“Papanoorin kita doon na tatanggap ng award mo,” ngiti niyang sambit sa akin.
Napalabas naman ako sa dressing room at sumunod na sa staff.
---
Matapos ang awarding, dali-dali kong hinanap si Sheena at ipinakita sa kaniya ang nakuha kong award.
“Ang galing mo ah,” nakangiti niyang sambit sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya sabay ipinakita sa kaniya ang award ko.
“Hindi ko alam na mananalo ako doon,” sambit ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sabay napatingin sa akin.
“Ikaw pa ba? Syempre kaya mo ‘yun,” saad niya, “ang galing mo kayang mag-acting kaya bakit hindi ka nila bibigyan ng award diba,” wika niya sa akin. Napangiti naman akk sa kaniya sabay hinawakan ang trophy na nakuha ko habang hawak-hawak niya. Napatigil naman siya sa kaniyang pagtingin dito sabay napatingin sa akin dahil sa aking ginawa.
“Pag tumanda na tayo at sikat pa din ako. Pagkatapos meron akong trophy na makukuha, ikaa yung isa sa mga tao na isasama ko sa taas ng stage,” nakangiti kong sabi sa kaniya. Napakunot naman ang kaniyang noo dahil sa aking sinabi.
“Bakit naman ako?” tanong niya sa akin.
“Bakit naman hindi? Kaibigan naman kita eh at gusto ko na malaman ng buong mundo na meron akong kaibigan na katulad mo,” ngiti kong sambit sa kaniya.
“Sige ah, promise mo ‘yan sa akin,” sambit niya. Ngumiti ako sa kaniya sabay napatango-tango.
“Oo naman,” nakangiti kong sabi sa kaniya.
End of Flashback…
Hindi ko alam na ganon ko pala ka-close si Sheena. Pitong taon din iyon Sheena simula ng ipakilala kitang pinaka matalik kong kaibigan kala Mom at Dad. Naalala ko pa noon na masaya sila Mom na naging close tayong dalawa dahil kahit papaano meron akong isang tao na naging kaibigan ko.
“We will be friends soon st lahat ng mga promise ko sa ‘yo noon tutuparin ko na,” nakangiti kong sambit.