Chapter 05

2174 Words
Sheena’s POV Habang naglalakad ako sa patungo sa banyo ay hindi pa din matanggal sa aking isipan ang nangyari kanina. Nanatili akong nakatingin sa kamay ko habang naglalakad ako. Kakaiba ang feeling ko nung hinawakan ko kanina si Enzo pakiramdam ko may kakaibang kuryente ang dumaloy sa dugo ng madaplisan ng kaniyang mga labi ang kamay ko. Ginawa ko lang naman ang bagay na iyon para hindi siya makita ng mga tao pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Napatingin naman ako sa direction na mga nakadikit sa dingding ng restaurant upang makita ko ang lugar papunta sa banyo. Matapos kong magbanyo dali-dali akong pumunta sa faucet at naghugas nang aking kamay ganon na din ang aking mukha sabay napatingin sa salamin. “Ano bang nangyayari sa ‘yo Sheena. Kanina ka pa nagkakaganyan,” sambit ko sa aking sarili. Napapikit na lang ako sabay napahinga ng malalim. Napatingin muli ako sa salamin at sabay pinunasan ang aking mukha. “Huwag mo na isipin yung mga nangyari kanina okay. Artista si Enzo kaya ganon lang yung mga galawin niya,” sambit ko sa sarili ko. Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na ang lahat ng naramdaman ko kanina ay mali dahil unang-una ay ayaw ko naman talaga na maramdaman ang ganitong pakiramdaman lalo na kay Enzo. May dahilan kung bakit nilalayuan ko siya, dahil unang-una ayaw ko sa ugali niya. Magkaibigan naman talaga kami ni Enzo, noon pero dahil sa isang bagay na ginawa niya nung twelve years old kami pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya lalapitan. At ang mga bagay na ito ang pinaka ayaw kong maramdaman sa lahat na isa din sa ibang bagay kaya lumayo ako kay Enzo. Hindi ko alam kung bakit hindi maramdaman ni Enzo iyon na pakiramdam niya napakalapit pa din namin sa kagaya noon. Isa pa ayaw ko na din talagang lumapit sa kaniya dahil natatakot ako sa point na magkagusto ako sa kaniya. Gwapo siya oo pero iba siya sa lahat. Dahil sa minsan mo lang makikita siya ang ngumiti parang napaka laking privilege na iyon sa iba na makita siya na tunay na ngumingiti na hindi lang dahil sa trabaho niya. Pero sa akin lagi niyang ginagawa iyon. Kahit na lumayo ako sa kaniya sa oras na nagkikita kaming dalawa laging ang mga ngiti lang niya ang pinangbabati niya sa akin to the point na maiisip ko na lang siya hanggang pag-uwi. Pero ano pa nga ba ang ugali niya, kahit na ganon siya kagwapo hindi pa din mababago ang isip ko na masama ang ugali niya. Kasalanan ko ba na hindi ako sikat para sasabihin niya na nakakagulo ako sa buhay niya. Kaya nga ako lagi sumasama kay Mama dahil sinabi niya na gusto niya akong makita dahil ako lang yung kalaro niya pero bakit biglang naging kasalanan ko kaagad na nakakagulo ako sa buhay niya. “Ahh, bwisit ka talaga sa buhay ko Enzo. Kahit ngayon pilit ko pa din pinapaniwala ang sarili ko na panget ang ugali mo, bwisit ka talaga mapagpanggap!” sigaw ko sa sarili ko. Napapikit na lang ako sabay napahinga ng malalim. Nang kumalma ako ay dali-dali akong lumabas sa banyo upang makabalik na ako sa itaas. Napatigil naman ako sa paglalakad ko ng bigla kong makita si Enzo na nakasandal sa pader ng banyo. Bigla siyang tumingin sa akin sabay baba ng kaniyang sunglasses upang makita niya ako. “Hindi ko naman alam na pati sa banyo hahanapin mo pa ang pangalan ko,” sambit niya sa akin. Napalunok naman ako sabay napaiwas sa kaniya ng tingin dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko naman intension na sumigaw sadyang nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinawakan sa aking kamay, napatingin naman ako sa aking kamay sabay napatingin sa kaniya. Binaba niya ang kaniyang mask sabay nginitian ako. “Tara na kanina ka pa hinahanap ni Ate Emma,” ngiti niyang sabi. Bigla naman akong napayuko at unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng t***k ng aking puso dahil sa kaniyang ginawa. “Bitawan mo na ako Enzo,” bulong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napatingin sa kamay namin na magkahawak. “Why madumi ba ang kamay ko?” tanong niya sa akin, “ayos lang iyan isa pa baka mawala ka nanaman hanapin pa kita dito at tsaka hindi ka pa nasanay eh lagi natin ginagawa to nung mga bata pa tayo,” saad niya sa akin. Bigla ko namang binawi ang kamay ko sabay inilagay ko sa likuran ko. “Dati iyon, mga bata pa tayo noon. Ngayon kasi iba na,” sambit ko sa kaniya sabay lakad pabalik sa private area. Narinig ko naman na sumunod siya sa akin paakyat sa second floor. Nang makabalik kami sa second floor dali-dali akong naglakad palapit sa puntuan upang makapasok na sa loob ngunit sa hindi ko malaman na dahilan ay hirap na hirap akong pihitin ang doorknob. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa kamay ko dahilan upang tanggalin ko ang kamay ko sa doorknob. “Ako na ang magbubukas,” saad niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya na kasalukuyan na nakayuko at binubuksan ang doorknob. Napapaiwas naman ako sa kaniya ng tingin dahil sobrang lapit na niya sa akin at pati ang amoy niya ay naaamoy ko na dahil sa sobrang lapit. Gustuhin ko man na umatras ngunit may nakaharang na poste sa likuran ko kaya hindi ko kaya nanatili lang akong nakatingin sa malayo. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan dahilan upang maitulak ko papalayo sa akin si Enzo. “Sorry nasarado ko pala yung pintuan,” sambit ng pinasan ni Enzo sa amin. Napangiti na lang ako sa kaniya sabay pumasok sa loob at dali-dali na naglakad papunta kila Mama at kay Sofia. “Ano’ng nangyari sa iyo Enzo?” tanong ng kaniyang pinsan sa kaniya. Bigla naman akong napatigil sa aking paglalakad sabay napatingin sa kanilang dalawa. “Wala Ate Fey natalisod lang,” saad niya. Tinanggal naman niya ang kaniyang sunglasses pati ang mask sabay tingin sa akin na para bang nagtatanong dahil sa ginawa ko. Napaiwas naman ako sa kaniya ng tingin sabay nagmadali na pumunta sa aking upuan at doon umupo. “Ang tagal mo naman, Sheena,” bulong sa akin ni Mama. Napatingin naman ako kay Mama sabay napangiti. “Naligaw lang ako pero nahanap ko din naman,” sambit ko sa kaniya. “Kung hindi ka pa sinundo ni Enzo hindi ka pa makakabalik,” saad niya sa akin. Napatingin naman ako kay Enzo na kasalukuyan na tinatanggal ang kaniyang jacket bago kumuha ng kaniyang plato. Bigla naman siyang napatingin sa akin sabay inabutan ako ng plato. Dahan-dahan ko naman itong kinuha sabay umiwas sa kaniya. “Enzo tawagin ninyo lang kami kung meron pa kayong order, okay?” sambit ng kaniyang Tito. “Sige po Tito Felix,” nakangiting sabi ni Enzo. Napatingin naman ako sa pagkain na nasa harapan namin at natuwa ako sa aking mga nakita. Hindi ko in-expect na ganito kadami ang pagkain na makikita ko sa aking harapan kahit na apat lang kami. “Kumain lang po kayo Ate Emma, ako naman ang magbabayad eh,” sambit ulit ni Enzo sa amin. “Salamat, Enzo,” sambit ni Mama sa kaniya sabay palihim na siko sa akin ni Mama. Bigla naman akong napatingin sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa sabay nakita ko siyang sinenyasan ako na magpasalamat kay Enzo. Napatingin naman ako kay Enzo sabay ngumiti. “Salamat,” sambit ko sa kaniya sabay pilit kong ngiti sa kaniya. Nginitian naman niya ako sabay nagsimula na sa kaniyang pagkain. Napalunok ako sa sabay kumuha na din ng pagkain upang magsimula ng kumain. ---- Pagkatapos naming kumain, dali-dali akong napatayo sa aking inuupuan sabay napainom ng tubig. “Salamat, Enzo sa pagkain,” masayant sambit pupun Mama. Napatingin naman ako kaniya sahay pinilit na ngumiti upang ipahatid sa kaniya ang aking pasasalamat. This is the most thing that I hated the most. Pakiramdam ko meron akong utang na loob sa kaniya dahil sa kaniyang paglibre sa amin ni Mama. “Wala naman iyon Ate Emma,” sambit ni Enzo kay Mama, “alis na po ba tayo o may pupuntahan pa po kayo?” tanong ni Enzo kay Mama. “Ako wala pero si Sheena meron,” sambit ni Mama. Bigla naman akong napatingin sa kaniya ng gulat na gulat dahil sa kaniyang sinabi. “Pwede ko naman po siyang dalhin doon,” nakangiting sinabi ni Enzo sa akin. Bigla naman akong napatingin sa kaniya sabay umiling-iling. “Hindi na kaya ko naman pumunta doon eh,” sambit ko sa kaniya, “isa pa baka meron ka pang pupuntahan baka makaabala pa ako,” wika ko. Napangiti naman si Enzo sa akin sabay tumayo sa kaniyang inuupuan. “Hindi wala naman akong ginagawa sa bahay,” saad niya sa akin habang siya ay nakangiti. Napaiwas naman ako ng tingin sabay napakamot sa aking leeg. “Sheena, okay na din naman na magpahatid ka kay Enzo,” sambit ni Mama sa akin. Napatingin naman ako kay Mama ng seryoso dahil sa sinabi niya kay Enzo. “Ma naman nakakahiya kay Enzo,” sambit ko sa kaniya. “Ayos lang naman sa akin. Parang hindi naman tayo magkaibigan kung hindi ako papayag,” sambit niya sa akin, “isa pa bonding na den natin iyon,” nakangiting sabi niya. “Magpasama ka na lang kay Ate Fey bumalik sa bahay Sofia,” sambit niya sa kaniyang kapatid. “Sige mauuna na ako sa inyo dahil pupuntahan ko pa yung kumare ko sa parlor,” saad ni Mama. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa aking noo dahil sa aking narinig. Hindi ko akalain na papabayaan na lang ako ni Mama na sumama sa lalaking ito. “Ma seryoso ka bang iiwan mo na ako?” bulong na tanong ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin si Mama sabay ngumit sa akin. “Bakit naman?” natatawang tanong niya sa akin, “Hindi naman nangangain si Enzo kaya bakit ka natatakot,” sambit ni Mama sa akin. Agad naman siyang tumayo sa kaniyang upuan sabay lumapit sa akin at niyakap ako. “Sige na mauuna na ako sa inyo meron pa akong gagawin,” paalam ni Mama sa akin. Pinilit ko namang ngumiti sa kaniya sabay lakad niya palabas nang restaurant. “Kuya text mo na lang ako if uuwi ka na ah,” sambit naman ni Sofia sa kaniyang kapatid sabay lumabas sa loob ng private area ng restaurant. Napatingin naman ako kay Enzo na kasalukuyan sinusuot ang kaniyang jacekt ang iba pang mga gamit na pangharang sa kaniyang mukha. Napayuko na lang ako sabay naglakad palabas ng restaurant. Nang makalabas na ako ng restaurant, nagulat na lang ako ng may humatak sa akin sabay isinandal ako sa pader. Napapikit na lang ako upang indahin ang sakit na aking naramdaman ng tumama ang aking likuran sa pader. Dahan-dahan naman akong dumilat at lakinh gulat ko na makita ko si Enzo na nakatingin sa akin ng seryoso. “Bakit mo ako iniiwasan?” seryosong tanong niya sa akin. Napalunok naman ako dahil sa kaniyang tanong sabay napaiwas ng tingin sa kaniya. Ngunit agad naman niyang hinawakan ang aking mukha at ipinaharap niya sa kaniya. “Bakit ka hindi makasagot?” tanong niya sa akin. Napatibok naman ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. “Enzo kailangan na nating—" napatigil naman ako ng bigla siyang lumapit sa aking leeg na siyang dahilan upang mas bumilis ang t***k ng aking puso. “E-Enzo a-ano’ng ginagawa mo?” utal kong tanong sa kaniya. “May tao na nakatingin sa atin,” sambit niya sa akin, “baka merong makakilala sa akin dito,” bulong niya. Napahawak na lang ako sa kaniyang balikat upang ma-control ang kaniyang katawan na siyang papalapit sa akin. Napatingin ako sa mga taong siyang umaalis at pumapasok sa loob ng restaurant dahilan upang magtagal kami sa ganong posisyon ni Enzo. Habang nagtatagal kami sa ganong posisyon. Habang patagal nang patagal kami sa ganong posisyon, nakakaramdam ako ng kakaibang sensyon dahil hangin na binubuga niya sa akin leeg. Habang patagal nang patagal ay bumibigat ang aking paghinga dahil sa iba’t ibang klase ng pakiramdam na aking nararamdaman. Napapikit na lang ako sabay napayuko at napahawak ng mahigpit sa sa kaniyang balikat. “Wala na ba sila?” bulong niya sa akin. Napatingin ako sa kaniyang gilid at nakita ko na wala ng gaanong tao. Napalunok muna ako sabay napahinga ng malalim. “Wala ng gaanong tao Enzo.” Napalayo naman siya sa akin sabay tinignan niya sa kaniyang gilid. “Tara na habang wala pang tao,” sambit niya sa akin, “ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. Agad akong napatingin sa kaniya sabay tulak sa kaniya papalayo sa akin. “Huwag mo na ulit gagawin ang ganong bagay,” sambit ko sa kaniya sabay dali-daling naglakad papalayo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD