Enzo’s POV
Napatingin siya sa akin dahil sa aking sinabi sa kaniya. Napahinga siya ng malalim at itinuloy ang kaniyang paghuhugas.
“Matagal na din iyon, Enzo,” sambit niya sa akin, “syempre madami na ding mga bagay na nagbago, pati sa akin,” dagdag niya.
“Alam ko naman iyon, sadyang hindi ko lang alam kung paano ang nangyari,” sambit ko sa kaniya, “dati hindi pa tayo mapaghiwalay kahit na may-shooting ako after that ikaw agad ang makikita ko.” Napahinga siya ng malalim at napatingin sa akin dahil sa aking mga sinasabi sa kaniya.
“Enzo, matagal na ang bagay na iyon, ‘wag mo ng balikan ang mga bagay na iyon dahil ang mga bagay na nasa nakaraan ay dapat manatili na lang sa nakaraan,” saad niya sa akin, “12 years old lang tayo noon pero ngayon 18 na tayo, sa anim na taon may mga bagay na nagbago sa ating dalawa dahilan para hindi na magtagpo yung dati nating pagkakaibigan noon,” sambit niya. Napalunok ako dahil sa kaniyang sinabi at napatingin sa kaniya.
“Ayaw mo na bang mabalik yung dati nating pagkakaibigan?” tanong ko sa kaniya. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa dahil sa aking tanong sa kaniya.
Ngunit sa halip na sagutin niya ang aking tanong ay gumawa siya ng paraan para iwasan ito.
“Kailangan ko na pa lang umalis, Enzo, pakituloy na lang ng paghuhugas sa plato,” sambit niya sa akin. Nagmamadali naman siyang ibaba ang bason a hawak-hawak niya ngunit imbis na malapag niya ito at nabitawan niya ito dahil sa dulas ng kamay niya.
“S-sorry,” kaba niyang saad sabay upo niya upang kunin ang basag na baso.
“Ako na diyan Sheena,” sambit ko sa kaniya. Ngunit tinabig naman niya ang aking kamay upang pigilan ako sa paghawak ng mga basag na parte ng baso.
“Ako na Enzo,” saad niya sa akin. Ngunit sa pagpulot niya ay bigla siyang napasigaw, “aray.” Dali-dali kong kinuha ang kamay niya upang tignan ang nangyari.
“Enzo huwag na,” sambit niya sa akin at tila binabawi ang kaniyang kamay upang hindi ko makita ang sugat sa kaniyang kamay. Dali-dali ko naman itong binawi muli sa kaniya at tinignan ang sugat.
“Ayos lang ako Enzo,” sambit niya sa akin.
“Huwag ka ng makulit Sheena,” wika ko sa kaniya sabay napatingin sa sugat niya. Dali-dali ko siyang dinala sa sofa at kinuha ang medicine box upang gamutin ang kaniyang sugat.
“Ako na Enzo mag-lilinis ng sugat ko,” pangungulit niyang sabi sa akin. Tinignan ko siya nang seryoso dahil sa kaniyang winika.
“Ako na Sheena,” seryoso kong batid sa kaniya. Wala din siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ko. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan at ako naman ay agad kumuha ng mga kailangan ko upang linisin ang kaniyang sugat.
Napatingin ako sa kaniya ng nag-aalala dahil sa habang nililinisan ko ang mga sugat sa kaniyang kamay. Kita sa mukha niya ang hapdi na kaniyang nararamdaman habang pinapahid ko ang bulak na may alcohol sa kaniyang sugat.
Dahan-dahan kong hinipan ang kaniyang sugat upang mabawasan ang hapdi na kaniyang nararamdaman.
“Sabihin mo lang sa akin kung nasasaktan ka,” seryoso kong sabi sa kaniya. Napahinga naman siya ng malalim sabay napatango-tango bilang sagot sa aking sinabi sa kaniya. Napapikit na lang ako dahil sa kaniyang sinabi.
“Bakit kasi ang kulit mo ang sabi ko sa iyo kanina na huwag mo ng pulitin eh,” saad ko sa kaniya. Napayuko na lang siya dahil sa aking sinabi sa kaniya.
“Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa akong iwasan,” sambit ko sa kaniya, “meron ka bang galit sa akin na kailangan mong magmadali na lumayo sa akin?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin ng seryoso na tila ay gusto niyang sagutin ang katanungan ko sa kaniya ngunit andoon din ang parte sa kaniya na ayaw niyang sabihin.
“Ayos lang kung ayaw mong sagutin ang tanong ko sa iyo,” sambit ko sa kaniya at ipinagpatuloy koang paggagamot sa kaniyang sugat.
Matapos kong linisan ang kaniyang sugat agad akong kumuha ng band-aid upang takpan ang sugat niya.
“Ayos na, yung sugat mo,” sambit ko sa kaniya. Agad niyang binawi ang kaniyang kamay sabay napayuko.
“Salamat Enzo,” tipid niyang sabi. Napatayo ako sa aking kinauupuan at agad na ibinalik ang medicine box sa lalagyan nito. Matapos kong maibalik ang medicine box ay tumungo ako sa kusina upang linisin ang mga basag na baso.
Habang pinupulot ko ang mga basag na baso sa sahig.
“Enzo, kailangan ko na ding umalis,” sambit niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya ng nagtataka dahil sa kaniyang sinabi sa akin.
“Paano yung kamay mo?” tanong ko sa kaniya. Napailing-iling naman siya sa akin sabay napatingin sa kaniyang kamay.
“Ayos lang naman ako,” saad niya sa akin.
“Si Ate Emma babalik pa iyon dito hindi mo ba siya aantayin?” tanong ko sa kaniya. Napailing-iling naman siya sabay kuha ng kaniyang gamit.
“Hindi na meron din kasi akong gagawin kaya kailangan ko na ding umalis,” sambit niya sa akin. Napatango-tango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Agad siyang lumabas sa aking condo at doon ako naiwan na mag-isa habang pinupulot ko ang basag na baso. Napailing-iling na lang ako dahil sa kaniyang ginawa at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
---
Makalipas ang ilang oras na nandito ako sa condo ni Dad. Napag-isip-isip ko na lang kung paano ko lilibangin ang sarili ko dito. It’s a good thing though na mararanasan ko din na mapag-isa sa isang bahay pero meron pa din sa akin na gusto kong makasama sila Mom at Dad sa iisang bahay.
Gabi na din ng makauwi si Mom sa bahay at ang sabi niya ay pupuntahan na lang niya ako dito after ng trabaho niya. Napatayo na lang ako sa aking pagkakahiga sa sofa at tumungo sa study table upang kunin ang aking cellphone. Binuksan ko ang notes sa phone ko at doon ko nakita ang isang notes na sobrang tagal ng nakatago sa phone ko.
“Andito pa din pala ito?” tanong ko sa aking sarili. Binuksan ko ang notes na iyon at nakita ko ang sinulat ko na kanta noon. Plano ko sana na i-release ang kanta na ito as my first album dati pero hindi din natuloy dahil sa nangyari sa career ko. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napasandal sa upuan at napatingin na lang sa kisame.
Nanatiling tahimik ang kapaligiran habang ang ingay ng mga sasakyan ang naririnig ko sa labas ng condo. Napatayo ako sa aking inuupuan at naglakad palabas ng veranda ng condo upang tumingin sa labas.
Napapikit na lang ako at nilasap ang lamig ng hangin dahil an din magsismula na ang hanging amihan kaya nilasap ko na din ang lamig na siyang dumadampi sa aking katawan.
“For five years ngayon ko na lang naranasan ang ganitong bagay, hindi ko alam na ganito pala ang maging normal na tao,” sambit ko sa sarili ko. Napatitig na lang ang sa mga ilaw nangagaling sa syudada at sa mga sasakyan.
“Ito na siguro ang buhay na hinihintay ko,” saad ko.
Naglakad ako pabalik sa loob at kinuha ang mga gamit ko na kailangan ko bukas dahil kailangan kong pumunta ng maaga sa university para ipasa ang mga requirements na kailangan nila para makapasok ako.
Kinabukasan…
Maaga akong nagising at nag-ayos ng aking sarili upang makaalis punt ana ako sa university.
Habang nagluluto ako ng aking pagkain nagulat ako ng biglang may nag-doorbell sa aking condo dahilan upang mabitawan ko ang sandok na hawak-hawak ko.
“Goodness sino ba yung nagdo-doorbell ng kay aga-aga,” reklamo ko. Hindi ko naman alam kung meron bang bibisita sa akin dahil 5:30 pa lang ng umaga besides si Mom mamaya pang hapon ako pupuntahan dito kaya sino naman ang magdo-doorbell ng ganon ka aga.
Napakamot na lang ako sa aking ulo sabay nalakad papalapit sa pintuan at tinignan muna sa butas ng pintuan kung sino ang nag-doorbell. Napakunot ang aking noo ng makita ko si Sheena sa labas ng aking condo na merong dala-dalang paper bag.
Dali-dali ko namang binuksan ang pintuan.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatingin sa akin dahil sa bigla kong pagsasalita.
“Gising ka na pala, good morning,” mahinahon niyang pagbati sa akin.
“Pwede ba akong makipasok?” tanong niya sa akin. Napatango-tango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Agad naman siyang pumasok sa loob habang ako ay nanatiling nagtataka dahil sa kaniyang ikinikilos. Hindi ko alam kung bakit siya andito sa condo ko ngayon sa ganitong oras.
“Kakagising mo pa lang pala?” tanong niya sa akin. Napakamot ako sa aking mata at napatango-tango sa kaniya bilang sagot.
“Oo kakagising ko lang ng 5:15 kanina, by the way ano pa lang ginagawa mo dito?’ tanong ko sa kaniya.
“Diba sabi mo sa akin sasamahan kita?” sambit niya sa akin, “dahil may pasok din naman ako dumiretso na ako dito, sabi din kasi ni Mama na sumaba na daw ako sa iyo,” saad niya sa akin. Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa kaniyang sinabi.
Naglakad ako pabalik sa aking niluluto upang ipagpatuloy ko ang aking ginagawa.
“Ano’ng oras ba ang pasok mo?” tanong ko sa kaniya.
“Mamaya pa namang hapon pero meron kasi akong pasok sa trabaho ko ng 9 am kaya after kitang samahan didiretso na ako sa trabaho ko,” saad niya sa akin. Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa kaniya,
“Working student ka?” tanong ko sa kaniya.
“Oo, kailangan din namin ng extra income para sa panggastos at pang-ready na din sa mga projects na kailangan ko,” matipid niyang sabi, “alam mo maligo ka na ako na diyan,” mahinahon niyang sabi. Agad siyang naglakad papalapit sa akin sabay inagaw ang sandok na hawak-hawak ko.
Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya dahil sa kaniyang ikinikilos, ngayon ko lang nakita na ganito siya kalapit sa akin at hindi matipid ang mga sagot parang ibang tao ang nakausap ko kahapon at ngayon.
Habang ipinagpapatuloy niya ang kaniyang niluluto bigla akong napatingin sa kaniyang kamay dahilan upang makita ko ang band-aid doon. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya na may sugat dahilan upang magulat siya.
“Ano bang ginagawa mo Enzo?” tanong niya sa akin.
“Ayos na ba ang sugat sa kamay mo?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman niyang inagaw ang kaniyang kamay na aking hawak-hawak sabay napaiwas ng tingin sa akin.
“A-ayos lang naman ako,” utal niyang sabi sa akin, “sige na Enzo maligo ka na para pagkatapos mo tapos ko na din lutuin yung pagkain mo,” sambit niya sa akin. Napayuko na lang ako sabay napatango-tango bilang sagot sa kaniyang sinabi.
“Sige,” matipid kong sabi.