Sheena’s POV
Habang naglalakad ako patungo sa elevator. Hindi ko mapigilan ang mga nararamdaman ko dahil sa mga ginawa ni Enzo kanina. Pagpasok ko sa loob ng elevator agad akong napahinga ng malalim sabay napatingin sa sugat ko na nilinis ni Enzo.
What the f*ck, hindi ko alam kung bakit sa simpleng mga ganon lang niya merong parte sa akin ang nag-iiba. Napahawak ako sa aking ulo at napapikit.
“Alam mo ang dahilan kung bakit ka galit ‘di ba Sheena?” sambit ko sa sarili ko. Paulit-ulit ko itong tinatandaan sa sarili ko dahil ayaw ko ng magpadala sa mga nangyari noon. Napahinga ako ng malalim at pilit na tinatanggal sa sarili ko ang mga nararamdaman kong bagay na ganito. Mali ito, galit ako pero hindi ganito ang nararamadaman ng isang galit na tao kaya alam kong may mali sa akin.
Pero totoo ba talaga ang mga pinapakita ni Enzo doon? O isa na naman sa mga ugali ni Enzo iyon para paikutin ako? Sawa na akong lokohin, kaya mahirap sa akin na magkaroon ng tiwala dahil iyon sa kagagawan ni Enzo.
Six years ago…
“Mama pupuntahan mo ba ngayon si Enzo?” tanong ko kay Mama noon, Malapit na din ang birthday ko at magte-twelve na din ako kaya gusto ko na makita si Enzo para imbitahin siya sa birthday ko, kaso kami lang naman laging dalawa ni Enzo ang magkasama kasi bawal siya makita ng mga bisita ko kaya napagplanuhan namin ni Enzo na bago ang araw ng birthday namin sa isa’t isa kailangan mag-celebrate muna kami ng kaming dalawa lang.
“Oo, may shooting si Enzo sa isa niyang teleserye ngayon,” sambit ni Mama sa akin. Napangiti ako sa kaniya at lumapit.
“Pwede ba ako sumama?” tanong ko sa kaniya. Napahinga nang malalim si Mama dahil sa aking sinabi sa kaniya.
“Sheena alam mo naman na grabe ang trabaho ko doon ‘di ba, hindi din kita mababantayan doon,” sambit sa akin ni Mama.
“Pero Mama, kaya ko naman po eh, isa pa sa loob lang naman ako ng tent ni Enzo,” wika ko kay Mama, “may pinag-usapan kasi kami ni Enzo na magkikita kami ngayong araw,” dagdag ko. Gusto ko talagang sumama kay Mama dahil bukas na ang birthday ko at ‘yun ang pangako namin ni Enzo sa isa’t isa dahil sabi niya sa akin ako lang naman ang kaibigan niya kaya gagawin niya lahat para maka-attend sa mga birthday parties ko kahit na kaming dalawa lang.
“Pero magpupuyat ka lang doon, bukas na ang birthday mo ano gusto mo hindi ka maka-attend sa mismong birthday party mo kasi tulog ka?” sambit ni Mama.
“Pwede naman matulog doon, please Mama gusto ko po talaga sumama,” pangungulit ko sa kaniya. Napahawak na lang sa noo si Mama dahil sa aking pangungulit sa kaniya.
“Please Mama wala din naman si Papa dito kasi may trabaho siya eh,” saad ko muli sa kaniya.
“Sige na magbihis ka na doon malapit na ang sundo natin,” saad ni Mama sa akin. Napangiti ako dahil sa sobrang saya ko dahil ang mangyayari na ang pinag-usapan namin ni Enzo. Masaya ako kasi lagi namin nasusunod ang mga pinag-uusapan naming dalawa lalo na sa ganitong sitwasyon kahit na mahirap kaming magkita dahil na din sa trabaho niya.
Nagmamadali akong umakyat sa kuwarto namin at nagpalit ng damit na aking susuotin.
Matapos kong magsuot ay dali-dali akong bumaba sa upang puntahan si Mama sofa namin. Maya-maya ay biglang may bumusina sa labas ng aming bahay hudyat na andoon na ang aming sundo.
Minsan kasi pinapaalam ni Mama na uuwi siya sa bahay dahil wala kong kasama pero kapag hectic ang schedule ni Enzo minsan tatlong araw bago siya umuwi dito dahil masyadong madaming ginagawa. Pero kapag umuwi naman si Mama lagi siyang hatid-sundo ng driver ni Enzo para hindi na din aksaya sa pamasahe,
Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay namin at binuksan ang sasakyan upang makapasok na ako sa loob ng van. Sa loob makikita mo talaga ang sobrang laki na van ni Enzo dahil na din sa paiba-iba ang lugar kung saan siya mag-sho-shoot kaya meron ng kama ang loob ng van para pwedeng magpahinga doon.
“Asaan na si Enzo?” tanong ni Mama sa driver pagka pasok niya sa loob.
“Pupuntahan natin siya sa Entertainment building nila, nagkaroon kasi ng endorsement shoot si Enzo,” sambit ng driver kay Mama.
“Hindi ko alam iyon, wala siya sa schedule ko,” sambit ni Mama sa kaniya.
“Yung manager niya ang nag-asikaso non, sabi niya kanina nakalimutan daw niyang sabihin sa iyo,” saad ng driver.
“Naayusan ba nila si Enzo?” tanong ni Mama sa kaniya.
“Oo maayos naman si Enzo, yung manager na lang ang tumulong sa kaniya. Patapos na siguro sila ngayon kasi meron pang shooting ng 1 pm si Enzo sa Quezon ngayon,” saad ng driver.
“Oo may oras pa naman para makaabot tayo doon sa taping place eh,” saad ni Mama sa kaniya. Napapangiti na lang ako habang nakaupo sa upuan dahil magkikita na kami ni Enzo.
Maya-maya ay nakarating na din kami sa lugar kung asan si Enzo. Pagdating namin doon ay nakita namin ang sobrang daming tao sa harap ng building.
“Paano natin mapupuntahan si Enzo kung ganito ka daming tao ang nandito sa harap ng building?” tanong ni Mama sa driver.
“Sa likod na lang siguro tayo dumaan Emma kung saan natin laging binababa si Enzo, madami din sigurong artista sa harap ng building ngayon kaya ganiyan,” saad ng driver kay Mama. Napatango-tango na lang si Mama bilang pagsang-ayon niya sa sinabi ng driver sa kaniya.
Agad siyang umikot sa kabilang daan upang pumunta sa kabilang bahagi ng building kung saan onti lang ang tao na nandoon. Habang papunta kami ay napatingin ako sa labas ng sasakyan at doon ko nakita si Enzo na nag-aabang sa loob.
“Ayun na si Enzo,” masaya kong sabi sa kanila. Napatingin naman si Mama sa labas ng sasakyan at nakita din na andoon si Enzo.
“Sunduin ko na si Enzo,” sambit ni Mama. Agad naman inihinto ng driver ang sasakayan upang makababa si Mama at masundo si Enzo.
Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan at iniintay ko si Enzo na makapasok sa loob ng van. Habang tinitignan ko siya sa labas nakikita ko ang ilang mga tao na pilit na lumalapit kay Enzo ngunit agad namang humarang ang mga guards upang hindi nila mahawakan at malapitan si Enzo.
Sa mga oras na ito alam ko na talaga sa sarili ko na ang kaibigan ko ay isang sikat at kilala ng lahat. I’m so happy to have a friend na makikita ko lang sa tv namin at uma-act ng iba sa ugali niya. Pero meron din sa akin na malungkot ako kasi hindi kami yung normal na magkaibigan na pwede lang maglaro sa labas ng kung ano-ano’ng klaseng laro dahil pagkakaguluhan siya sa oras na makita siya ng mga tao.
Maya-maya ay biglang dumating sila Mama at Enzo. Agad naman akong umupo sa upuan at inintay sila na makapasok.
“Enzo,” sambit ko sa kaniya. Nakita ko siya na malungkot ngunit ng tumingin siya sa akin bigla kong nasilayan ang kaniyang mga ngiti.
“Sheena,” saad niya sa akin. Dali-dali siyang tumakbo papasok sa van at agada ko niyakap.
“Ingat kayong dalawa baka may makakita sa inyo,” saad ni Mama sa amin.
“Na-miss na kita,” bulong niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa kaniyang sinabi sabay hinagod ang kaniyang likuran.
“I miss you too, Enzo,” mahina kong sabi. Agad siyang bumitaw sa pagkayakap sa akin sabay hinawakan ang kamay ko.
“Doon tayo, manood na lang tayo,” sambit niya sa akin. Agad kaong napatango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Dali-dali kaming pumunta sa kama niya at doon umupo.
Binuksan ko naman ang tv ng kaniyang sasakyan upang makanood kaming dalawa.
Habang ginagawa ko iyon nakita ko naman siyang humikab sabay napahinga sa kaniyang kama.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin sabay ngumiti.
“Oo ayos lang ako,” saad niya.
“Mukha kang pagod na pagod” wika ko. Agad akong tumabi sa kaniya at tinignan siya habang siya ay nakapikit.
“Nakakapagod itong araw na ‘to,” saad niya sa akin, “parang kanina pa akong umaga gumagalaw doon sa loob,” dagdag niya. Napadilat naman siya sabay bumangon sa pagkakahiga niya.
“Buti naisipan mo na sumama kay Ate Emma?” tanong niya sa akin.
“Syempre alam mo naman kung ano’ng meron bukas ‘di ba?” sambit ko sa kaniya. Bigla naman napakunot ang noo niya sabay napahawak sa kaniyang baba.
“Ano ba meron bukas?” tanong niya sa akin. Bigla akong napatingin sa kaniya ng nagtataka.
“Hindi mo alam?” tanong ko sa kaniya.
“Ano bang meron?” wika niya muli. Agad ko siyang inirapan dahil sa kaniyang sinabi sa akin.
“Alam mo nakakainis ka,” sambit ko.
“Dapat pala hindi na ako pumunta dito kung ‘di mo din naman pala naaalala,” inis na sabi ko sa kaniya. Nakarinig naman ako ng mahihinang tawa kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ano’ng nakakatawa sa sinabi ko?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay umiling-iling.
“Natatawa ako sa’yo kasi napaka matampuhin mo,” sambit niya sa akin, “alam ko naman kung ano’ng meron bukas, ako pa ba makakalimot? Alam mo naman na kahit madami akong ginagawa sa set hindi ako nakakalimot kapag mga special events sa buhay ng best friend ko,” dagdag niya.
Agad siyang tumayo sa kaniyang inuupuan sabay pumunta sa kaniyang closet at doon may kinuha. Napakunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka sa kaniyang mga ikinikilos.
Maya-maya ay agad siyang bumalik sa tabi ko sabay may inabot sa akin na isang karton.
“Ano ito?” tanong ko sa kaniya.
“Regalo ko sa iyo, alam ko naman na hindi ako makakapunta bukas sa birthday mo dahil ang dami kong gagawin isa pa pagkakaguluhan ako ng mga tao doon kaya ibibigay ko na agad sa iyo ngayon iyan. Pinabili ko pa iyan kay Dad,” saad niya sa akin. Napangiti ako sa kaniya sabay kinuha ang box na hawak niya.
“Salamat Enzo,” wika ko.
“Pero mamaya mo na buksan iyan doon sa set, kasi meron akong pinabili sa driver na pagkain,” saad niya sa akin, “alam mo na dating gawi,” dagdag niya. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napatango-tango.
“Oo dating gawi,” wika ko.
Iyon ang lagi naming ginagawa ni Enzo kapag ayaw namin na merong tao na makakita sa amin. Magdadala kami ng pagkain at magtatago kami sa lugar na walang makakakita sa amin para doon kainin ang mga dala naming pagkain. Alam ko naman na hindi nagagawa ni Enzo ang mga bagay na ginagawa ng isang normal na bata kagaya ko kaya gumagawa ako ng paraan para maparamdam sa kaniya kung paano ba maging isang normal at hindi kilala na tao.
Nagulat naman ako ng bigla akong makaramdam ng ulo sa aking balikat.
“Patulog muna saglit ah,” saad niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya sabay hinawakan ang kaniyang ulo.
“Oo naman matulog lang diyan,” saad ko sa kaniya.
“Salamat, Sheena.”