Sheena’s POV
Habang mahimbing na natutulog si Enzo sa aking balikat naisip ko na ihiga siya sa kaniyang kama upang makatulog siya nang maayos dahil alam ko na pagod na pagod siya sa kaniyang trabaho. Habang nakahiga si Enzo napatingin lang ako sa kaniya at napangiti dahil sa nakikita ko sa kaniyang itsura.
Alam ko sa simula pa lang na iba na talaga si Enzo sa akin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kaniya sa ganiyang mukha niya hindi ba sila magkaka-crush sa kaniya? Kahit na kaibigan ko si Enzo hindi ko din naman itatanggi na isa ako sa mga tao na humahanga sa kaniya. Why not naman diba, simula pa lang naman magkasama na kami ni Enzo at nakita ko na ang mga flaws niya pero parang wala namang kapangitan na nangyari kay Enzo kaya kahit yung mga bat ana kasama niya sa taping siya din ang gusto.
“Sheena ano ang ginagawa ni Enzo?” tanong sa akin ni Mama. Napatingin ako kay Mama bago ko siya sagutin sa kaniyang tanong.
“Natutulog po, pagod daw po siya,” saad ko kay Mama at muling tumingin sa television na kasalukuyang pinapalabas ang teleserye ni Enzo. Napahinto na lang ako at pinanood ang kaniyang pag-acting.
Habang pinapanood ko si Enzo sa tv natutuwa na lang ako dahil hindi ko akalain na kayang gawin ni Enzo ang ganong bagay. Lagi kong naririnig ang pangalan ni Enzo sa mga kaibigan ko sa school lalo na kapag napapanood nila si Enzo sa tv. Minsan nakakainis pero nakakatuwa din na makarinig ako ng papuri kay Enzo.
Pero habang pinapanood ko si Enzo sa television kitang-kita ko ang pinagkaiba ng Enzo na katabi ko sa Enzo na nagbibigay buhay sa isang karakter. Napakalayo ng katauhan ni Enzo sa napapanood ko sa Enzo na nasa tabi ko ngayon, kaya labis din ang paghanga ko dahil din sa kaniyang ginagawa.
“Hindi ka ba matutulog Sheena?” biglang tanong ni Enzo sa akin. Bigla naman akong napatingin sa tv upang iwasan siya. Naradaman ko naman na dahan-dahan siyang bumangon at tumingin sa akin.
“Ikaw ah kanina mo pa ako tinitignan ah,” asar niya sa akin.
“Kapal mo hindi no,” saad ko sa kaniya. Pero ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng matinding kahihiyan dahil napansin niya na matagal na akong nakatitig sa kaniya.
“Ayos lang naman sa akin, normal lang naman sa akin na tignan ako,” saad niya sa akin, “sa gwapo kong to,” pagyayabang niya. Napatingin ako sam kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
“Kapal ng mukha mo Enzo,” saad ko. Ganito lagi ang bonding naming dalawa ni Enzo kapag magkasama kami. Kapag nalalaman niya na nakatitig ako sa kaniya ng matagal lagi na akong aasarin at kung ano-ano’ng mga bagay na ang sasabihin niya. Pero nakakapagtaka lang na sa akin lang naman ganon si Enzo dahil sa mga kasamahan niyang bata sa set never ko pa siyang nakita na nagbigay ng ganong ugali sa kanila, lagi lang siyang tahimik at kapag kakausapin lang tiyaka lang siya magsasalita.
Ibang-iba ang Enzo na kaharap ko sa lahat ng Enzo na humaharap sa mga tao, kaya mas nakilala ko pa kung sino talaga si Enzo.
“Alam mo libre lang naman tingin sa akin, pero kapag ikaw dapat magbayad ka,” sambit niya sa akin. Inirapa ko naman siya dahil sa kaniyang sinasabi.
“Kapal talaga ng mukha mo Enzo nakakainis ka,” saad ko sa kaniya. Natatawa na lang siya sabay higa.
“Alam mo tabihan mo na lang akong matulog para may energy ako mamaya sa set,” utos niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya ng nagtataka dahil sa kaniyang sinabi.
“Bakit by pair ba dapat pag natutulog?” tanong ko sa kaniya.
“Parang sira to tara na.” Sabay hatak niya sa aking damit dahilan para mapahiga ako sa tabi niya.
“Matulog ka na lang din kaysa mag-iingay ka diyan edi hindi ako nakatulog,” saad niya sa akin sabay pikit habang nakaharap sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon dahil I didn’t expect na sobrang maglalapit kami ni Enzo ng ganon kalapit.
Ito na ba ‘yung sinasabi ni Abigail na kapag nakikita mo ang crush mo tapos tumibok ng mabilis ang puso mo yun na yung tinatawag nilang kilig? Pero bakit ganito sa pakiramdam, malakas naman ang aircon pero mainit yung mukha ko, nahihirapan akong huminga dahil sa bilis ng t***k ng puso ko tapos pakiramdam ko merong mga paro-paro sa tiyan ko na pilit kumakawala.
Naghahalo-halo ang emosyon ko na hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang tama. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa mga oras na ito dahil kapag gumalaw lang ako tiyak na lalapit lang ako ng sobra kay Enzo.
Napapikit na lang ako at pinilit matulog upang makalimutan ko ang mga nararamdaman ko, pero paano ako makakatulog kung ang buga ng hininga ni Enzo napupunta sa tenga ko. Bawat Segundo na tumatama ang hangin sa tenga ko nakikiliti ako eh.
Napatalikod na lang ako sa kaniya upang hindi ko na siya makita at hindi ko na maramdaman ang hinga niya.
Habang nakatalikod ako ay pinilit ko na lang matulog kahit na sa akin naman ay sapat naman ang tulog na ginawa ko kanina pero para lang matigil din ang mga bagay na nararamdaman ko, kailangan ko na lang itong itulog.
Sa pagpikit ko nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang kamay ni Enzo na biglang yumakap sa akin. Napadilat naman ako sabay napatingin sa kamay niya.
“Ano ba Enzo, yung kamay mo,” sambit ko sa kaniya sabay tapik ng kamay niya. Bigla naman niya akong hinatak papalapit sa kaniya at sabay niyakap pa ng mas mahigpit.
“Payakap na lang, naiwan ko kasi yung favorite na unan ko sa bahay eh, nahihirapan kasi akong matulog kapag wala akong niyayakap na unan,” saad niya sa akin.
“Eh ang bigat ng kamay mo hindi na ako makahinga oh,” saad ko sa kaniya.
“Bilis na minsan lang naman ‘to eh,” pagpupumilit niya. Pero sa huli ay wala din akong nagawa dahil sa aming dalawa ay mas malakas siya at mas matangkad ano namang laban ko sa height ko na ‘to at sa katawan kong ganito.
Napahinga na lang ako ng malalim at hinayaan na lang siyang yakapin ako.
----
Nagising ako dahil sa may kumakalabit sa aking ilong. Tinatapik ko naman ang kamay niya at nagpapatuloy lang ulit sa pagtulog.
“Wake up sleepy head,” sambit niya sa akin. Dahan-dahan naman akong napadilat at napatingin sa tanong ng gising sa akin. Nakita ko si Enzo na nakadamit ng maayos habang siya ay nakangiti sa akin.
“Enzo?” tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan akong bumangon at napatingin sa paligid ko. Nakita ko na nakahinto na ang sasakyan namin sa isang parking lot at tinignan ko si Enzo at nakita ko ang kaniyang bihis na katulad sa palabas napinapanood ko kanina.
“Bakit ka nakaganyan?” tanong ko sa kaniya habang napapahikab ako.
“Nagte-taping na ako, nakatapos na ako ng limang sequence hindi ka pa din gumigising, kailangan pa kitang puntahan dito para lang magising ka,” saad niya sa akin.
“Eh bakit mo ba ako ginigising?” reklamo ko sa kaniya.
“Hindi ba birthday mo bukas, so kakain na tayo ngayon, tutal naman mamaya pa ang susunod kong sequence eh pwede pa tayong makakain,” saad niya sa akin.
“Saan naman tayo kakain?” tanong ko sa kaniya.
“Dating gawi tayo, meron na akong dalawang pagkain,” saad niya sa akin. Napaunat-unat ako sabay napatingin sa kaniya ng nakangiti.
“Tara na,” masaya kong sambit. Napangiti naman siya sa akin sabay isinuot ang kaniyang sombrero at sunglasses bago hinawakan ang kamay ko.
“Tara nakahanda na doon yung pagkakainan natin, birthday girl,” saad niya sa akin. Agad kaming lumabas ng van niya at sumunod na lang ako sa kaniya kung hanggang saan niya ako dadalhin. Madaming tao sa taping place nila dahil na din alam na madaming artista kaya masyadong mahirap sa amin ang umalis lalo na’t kilalang-kilala ang pangalan ni Enzo.
Pero masaya lang sa tuwing meron kaming mga ganap na ganito ay laging kaming nagkakapaglaro na din dahil kailangan naming magtago sa lahat ng tao upang hindi kami makita.
Mga ilang minuto din na ginawa namin iyon ay nakarating kami sa lugar na kung saan walang katao-tao. Tinanggal niya ang kaniyang sombrero pati na din ang kaniyang sunglasses. Napatingin naman ako sa paligid dahil kinakaban ako na baka merong makakilala sa kaniya.
“Don’t worry tayo lang naman nandito, na-check ko na yung place na ito kanina,” saad niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napatango-tango sa kaniya bilang pagsang-ayon ko sa kaniyang sinabi.
“Teka asaan pala ang pagkain natin?” tanong ko sa kaniya, “pumunta tayo dito ng wala tayong pagkain?” wika ko. Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko.
“Syempre meron tayong pagkain, nauna pa nga sa atin yung pagkain natin eh,” saad niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi sa akin. Naglakad siya papasok sa isang kubo, ako naman ay sinundan na lang siya dahil hindi ko din naman alam kung saan kami pupunta.
Pagpasok ko pa lang sa loob ay nagulat ako ng bigla may pumutok na confetti.
“Happy birthday, Sheena” bati sa akin ni Enzo. Nakita ko naman sa paligid ang punong-puno na mga disenyo pati na din mga pagkain sa lamesa.
“Ano nagustuhan mo ba ang pa-birthday party ko sa iyo?”