Ibinuka naman ng malaki ni Higantatay ang mga braso niya at hinayaan si Aeron na yumakap sa kanya. Walang kamalay-malay ang tusong demonyo na higit na mautak at mapagmatyag si Aeron kaysa sa kanya. Lingid sa kaalam ni Lucifer, napansin na agad ni Aeron na hindi ito ang tunay niyang higantatay, iba ang paraan nito ng pagsasalita na kahit pa sabihing gusto na nitong sumuko ay hindi pa rin nito nagaya ang tunay na sinseridad ni Higantatay. May isang bagay na sinabi si Higantatay kay Aeron noon tungkol sa maaaring palatandaan niya sa matanda in case na dumating ang ganitong scenario. Iyon ang hindi nakita ni Aeron sa kaharap ngayon gayunpaman ay pilit niyang sinabayan ang laro nito upang hindi maging mahirap sa kanya ang pagsugpo sa demonyo. Yumakap nang mahigpit si Aeron sa kaharap at kasa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


