Kuntentong hinawakan ni Tina ang mga kamay ni Emmanuel at iginiya ang bata patungo sa malaking puno. Nginitian niya ito. "Gusto mo bang sumama sa akin sa ibang mundo, Emmanuel?" Nagningning ang mga mata ng bata. Kasunod noon ay tumango ito nang sunod-sunod sa kanya. Masaya niyang nahaplos ang ulo ni Emmanuel at muli niyang hinawakan sa kamay. Idinikit niya ang palad sa puno gaya ng turo ni Aeron sa kanya. Maya-maya lang ay naramdaman niyang nag-iba ang tekstura noon, para iyong naging bukas na lagusan kaya naman dumeretso na siyang papasok doon, kasunod niya si Emmanuel na hawak niya pa rin sa mga kamay. Pagpasok sa loob ay namangha siya. Pakiwari niya ay nagkaroon siya ng kapangyarihan bigla. Hinanap ng mata niya si Aeron, wala kasi ang lalaki sa bungad. "Dito ka muna, Emmanuel, ha?

