Samantala, halos mamula sa sobrang galit si Ponciano ng mapagtantong wala sa pinaglagyan niya ang pinakaiingatang sandata. Dali-dali siyang lumabas upang kumprontahin ang mga alagad niya. "Sinasabi ko na ngayon pa lang, ang aamin ay mababawasan ang kaparusahan. Nasaan ang sandata?" Kulang na lang ay um-echo ang tinig niya sa kabuoan ng lugar. Puno ng pagtatakang nagpalitan ng tingin ang mga alagad niya. "Nakita ko si Landong na pumasok sa loob kanina, Pinuno. Pagkatapos ay nagmamadali ding umalis. Wala siya ngayon dito at madalas kong napapansin na nawawala siya bigla ng ilang oras at pagkatapos ay muling lilitaw mula sa kung saan. Pakiramdam ko, isa siyang taksil." Napaisip si Ponciano. Si Landong! Ang pinakatahimik niyang alagad at kahit papa'no ay 'di hamak na matalino sa ilan dahil

